Nagising si Hexur dahil sa malakas na tunog ng bomba. Mabilis siyang bumangon at tumungo sa veranda ng malaking bahay nila. Mula roon ay nakikita niya ang nagliliyab na kabahayan ng mga Haitos na nasa Buntad Street o labas lang ng Hiato Compound. Si Morie na pupungas-pungas pa ay lumapit kay Hexur kasunod si Jomar. Dalawang linggo pa lang sila sa Haito Compound at napakarami na ang nangyayari. "Tingnan mo ang mga kaganapan sa labas, ngunit huwag bubuksan ang main gate," utos ni Hexur kay Jordan. 'Sing bilis ng pangarerang kabayo na nawala si Jomar sa paningin ni Hexur. Si Morie ay tahimik lamang habang nakatanaw sa nasusunog na mga bahay. Walang emosyon naman ang mukha ng mafia prince na pilit inaaninag ni Morie na matatanglawan lamang ng ilaw na nakalagay sa kisame. "Magpahinga k

