FEROIAN CHAPTER 13

1859 Words

Panay ang sigaw ni Morie habang kalong niya ang walang malay na si Hexur. Hindi alam ng dalaga ang gagawin dahil sa sobrang taranta. Ang hawak niya ay napakainit ng katawan at sa tingin niya ay kinakapos ito ng hininga. "Don't die! Please, hold on!" iyak ni Morie. Si Miguel na may tama sa kanang hita ay pilit na gumagapang palapit kay Catherine na nakasubsob sa manibela. Luhaan ang mafia boss habang nagsisisi sa nagawa niya sa kan'yang pamilya. Natutuwa siya sa lakas ng anak kahit wala itong sandatang gamit ngunit natatakot pa rin siya sa isipin na ibang tao na ang nabubuhay sa katawan ni Hexur. "Mahal, wake up," tawag ni Miguel sa asawa niyang wala ng buhay dahil sa tama nito sa leeg. Pilit tumatayo si Miguel upang maabot ang asawa niya ngunit dalawang malakas na putok ng baril an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD