Nanatili si Hexur sa Haito Compound habang si Morie naman ay sa barong-barong niyang bahay. Nagpaalam ang binata sa kaniyang ina na magbabaksyon muna siya sa ibang bansa. Walang pakialam si Miguel sa plano ng anak samantalang si Catherine ay pag-iisipan daw muna ang hiling ng anak. Sa mga panahon na nasa Haito Compound si Hexur ay sinisikap niyang maging malakas para ipakita sa ama na karapat-dapat siya bilang prinsipe ng mga Haitos. Subalit hindi talaga kaya ng katawan ni Hexur kahit ang pinakamagaan na ensayo. Hindi maintindihan ng binata kung bakit biglang nagiging mahina siya kapag humahawak na siya ng sandata o nagsisimula na siyang mag-training lalo o kapag pinipilit niya ang kan'yang katawan. Naghahanda ang lahat ng Haitos para sa ika-limang Battle of Rirean. Gaganapin ito sa R

