Parang baliw na sumisigaw si Jomar para ilabas ang galit n'ya kay Hexur at sa mga magulang nito. Habang tumatagal ay nagiging mas mapanganib ang sitwasyon dahil tila nawawala na ito sa sariling katinuan bunsod ng matinding galit. "Kinamumuhian kita! Kayong lahat! Masyado kayong malupit! Ang mga magulang ko ay may karapatan din mabuhay kahit may kasalanan!" sigaw ni Jomar. "Bitawan mo si Morie!" sigaw din ni Cedric. "Hindi! Gusto kong maramdaman mo, Hexur, ang sakit na mawalan ng minamahal sa buhay! Iyon ang dahilan kaya sinulsulan ko rin ang mga Haitos, lalo na si Karl na patayin ang mga magulang mo. Iyon din ang dahilan kaya nang gusto nating iligtas si Morie mula kay Jordan doon sa sementeryo ay inutusan kong magsimula ng gulo ang kanang-kamay ko!" Sa kabila ng pagtutungayaw ni J

