Sa kabila ng patuloy na pagbabantay ni Soe sa mundo ng mga tao ay nagpatuloy pa rin ang kaguluhan hindi lang sa Libana kun'di maging sa buong bansa. Walang magawa ang lider ng Feroia dahil ayaw n'ya ng madagdagan pa ang mga pagkakamali niya dahil baka lalong malagay lang sa alanganin ang mundo ng mga tao at maging ang Feroia. "Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang iligtas ang mundong ito," mapait na wika ni Hexur. "Masyadong malawak na ang problema at nagpatong-patong na. Hindi ko na rin alam kung sino ang kaaway at kakampi." "Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ako at si Cedric ay hindi ka iiwan. Ngayong may namamahala na sa pag-distribute ng mga gamot ay kasama mo na akong makikipaglaban," wika ni Morie. "Matagal ka ng hindi nag-eensayo. Baka mamaya ay kung ano pa ang mangyari sa '

