Hindi alam ni Morie kung saan siya dinala ng mga tauhan ni Jordan. Batid niyang wala siya sa Libana dahil nang alisin siya sa kulungan sa ilalim ng lupa ay mahaba ang nilakbay nila habang nakapiring ang kaniyang mga mata. Iyon ang dahilan kaya naisip ng dalaga na makipaglaro kay Jordan. "Hay*p na lalaking ito, wala talagang puso," sabi ni Morie habang kinakadena ang lasing na lasing na dating nobyo niya. Ang kadenang ginamit sa kan'ya ay iyon rin ang ginamit ni Morie sa binatang walang kamalay-malay at naghihilik sa kalasingan. Ang duct tape na iniwan ng mga tauhan ni Jordan sa lamesa ay ang ginamit ni Morie upang busalan ang lalaki. "Damn you, bastard!" gigil na sabi ni Morie kahit alam niyang hindi siya naririnig ng taong kausap niya. Kinuha ni Morie ang baril na nasa ibabaw ng l

