Palaisipan kina Hexur, Froilan at Morie ang nangyari noong dapat ay pagpunta ng huli sa Hongkong. Subalit ang mga tanong nila ay sinarili na lamang nila. Wala rin kasing paraan ang bawat isa para alamin ang totoo. Wala na ang letrang F sa kanang pulsuhan ng mafia prince ng Haito. Lumipas ang mga araw. Patuloy na nagpalakas ang mga nasasakupan ni Hexur. Panay kasi ang banta ni Karl na lulupigin sila nito. Si Froilan ay naglatag ng mga taktika na sinang-ayunan naman ni Hexur at ng iba pang mga opisyales. Hindi napigilan ng banta ni Soe ang pagmamahalan nina Hexur at Morie. Kahit anong pakiusap kasi ang binata sa dalaga ay hindi siya nito pinagbibigyan na maghiwalay na sila. Si Morie ang tumatayong muog na kinakapitan ni Hexur sa mga panahon na gusto n'ya nang isuko ang pag-iibigan nila.

