bc

3 Boys in a Love Triangle

book_age16+
53
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
friends to lovers
tragedy
sweet
bxg
bxb
campus
city
childhood crush
friendship
like
intro-logo
Blurb

-3 Boys in a Love Triangle-

-is a Love Triangle between 3 boys in College. With Justin as the humble, smart, cute/handsome and talented boy being Best Friends with Josh since elementary and having friendship with the new student in the campus, Ken. After having friendship with the two, Justin and Ken fallen in love for each other and had a relarionship and Rumors about Josh being in love with Justin, has been a hot issue since they were in senior high school. With Justin not knowing if it's true, how will he handle the situation? Who will he choose? or Are the Rumors even True?

-is a Love triangle Fanfiction Story with the characters Josh Cullen, Justin de Dios and Ken Suson of SB19. With Sejun Nase and Stellvester Ajero as one of the casts respectively.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1:Where it all Started
[JUSTIN'S POV] Papunta ako ngayon kila Josh gamit ang kotse ko para sunduin siya dahil hindi niya pa daw napapalinis yung sasakyan niya. Nang makarating nako sa tapat ng bahay nila Josh ay bumusina ako ng tatlong beses sign na nandito na ko. Sakto namang lumabas na si Josh ng bahay nila at nakita ko si Tita Dawn na lumabas din kaya lumabas ako ng sasakyan para mag-hi sa mama ni Josh. "Hi Tita!" Sigaw ko sabay kaway kay Tita Dawn. "Hi Justin! Bantayan mo yang best friend mo ah!" "Hahahaha opo tita, wag kayong mag-alala mabait naman yan ehh, diba Josh?" Sabi ko sarcastically. Tumingin naman ng masama si Josh sakin at nag-paalam na kay Tita at sumakay sa Kotse. "Uy, mamaya akalain ni mama pasaway nga ako sa school" saad niya. Hindi naman talaga siya pasaway sa school eh, katunayan isa siya sa mga laging nage-excel sa klase namen. Kaya nga minsan naiinis ako eh, pano lagi ko siyang kalaban. "Hahahaha, wag kang mag-alala alam naman ni tita na hindi ka pasaway ehh, kahit kelan hindi ka pa nagkaroon ng ni-isang bad record sa school natin." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nginitian niya lang ako at nag-cellphone na. - - Bago pa kami makarating sa school, napansin kong busy siya sa Cellphone niya. "Uy ha, busy ka ah! Sino yang ka-text mo?" "Ha-ha? Anong ka-text? Wala..." "Anong wala? Eh kanina ka pa nakangiti dyan eh" "Ha? Hindi ah, marami lang akong nakikitang memes sa sss ko" "Ahhh... okay, we're here!" Bumaba naman agad kami ng kotse at sa hindi kalayuan ay nakita na namin sina Sejun at Stell. Actually, matagal na naming nahahalata na merong something sa kanilang dalawa, pero hindi nalang namin sila pinangungunahan. "Josh! Justin!" Sigaw ni Sejun sabay kaway sa amin ni Josh. "Uyyy!" Sabi ko naman at sabay nakipag-apir sa kanila ni Stell. "Oh so pano? Didiretso muna kami sa room ahh, may group thesis pa kami ehh, di pa namin tapos ehh" saad ni Stell. "Ahh, o sige. Basta mamayang lunch ahh?" "Oo jah, ito naman kelan ba tayo kumain na hindi kumpleto?" Biro naman ni Sejun. "Oh sige na pumunta na kayo sa room niyo, lilibot lang kami ni jah" sabat naman ni Josh sabay akbay sakin. "Uy ha, may date kayo ah"pangaasar ni Stell sa amin. "Anong date? Date ka diyan, tara na nga Josh" saad ko naman para maputol ang usapan. - - Pagkatapos ng first until third class namin ay nagpunta na kami ni Josh sa Cafeteria para mag-lunch. "Oh, bat meron na kayo?" Tanong ko nang makita kong may pagkain na sila Sejun. "Ha? Eh ang tagal niyo ehh" sagot naman ni Stell. "Uy Jah oh!" Biglang sabat ni Josh nang makita kong may dala na siyang pagkain naming dalawa. "Oh ayan naman pala eh, kinuha na ng jowa mo pagkain niyo" pang-aasar ni Stell sa amin. "Hahahahaha" tawa lang ni Josh at kumain na. Hindi ko alam kung bakit pero imbes na mainis ako, kinilig ako nung tumawa pa sa Josh, pero syempre di tayo pwedeng marupok, kase hindi naman ako magugustuhan ni Josh ehh. - Habang kumakain kami at naguusap-usap biglang isang kalampag ng tray ang narinig namin. At pagtingin ko ay may isang lalaki na binu-bully ng mga gangster sa school namen. Kaya naman naisip kong lapitan ang lalaki, dahil kung gangster sila, takot naman sila samin. Dahil kami ang kilalang kilala sa school bilang pinakamayaman sa buong campus kaya takot sila sa pwede naming magawa sa isang pitik lang namin sa kanila. Kaya nilapitan ko yung lalaki, dahilan para mapatayo narin sila Sejun, Stell at Josh para samahan ako. "Hoy! Pati ba naman dito sa Cafeteria magsisiga kayo?!" Galit kong sabi. "Ba--" magsasalita pa sana siya nang makita niyang ako yun at nasa likuran ko sila Josh. "Ano? Wag mong kakantihin si Jah!" Sagot naman ni Josh. Uwuuuu, pafall nanaman siya hayysstttt. "Sorry po, sorry jah, josh, stell at sejun" "Bakit kami ba sinaktan mo?" Sagot naman ni Stell. "Ah, so-sorry K-ken" saad naman niya sa lalaki na Ken ata ang pangalan na mukhang napaupo sa sahig dahil siguro sa tulak nila sa kanya. Umalis naman na yung mga gangsters na yun at nilapitan ko naman si Ken. Lumuhod ako at kinausap siya. "Uhm... Ken Right?" Tanong ko. "Ahh, oo, pasensya na lilinisin ko nalang it--" "No, ipapalinis nalang natin sa janitors yan okay?" Pagputol ko sa sagot niya. Itinayo ko naman siya at inayos ang suot niya. "Teka, kumain ka na ba?" "Ah, oo kakatapos ko lang" "Sige halika dito." Saad ko at niyaya siya sa table namin. "Ganito nalang, antayin mo muna kaming matapos kumain tas ipapahiram ko muna sayo ang damit ko" saad ko na tinanguan nalang niya. Umupo naman sila Josh sa upuan at napatanong si Josh sa sinabi ko. "Huh? May extra shirt ka?" Tanong niya. "Huh? Oo, sa locker ko." "Ahhh..." saad niya lang at tinignan si Ken. - Nang matapos na kaming kumain, nagtungo naman kami sa locker namin para samahan akong kumuha ng damit. "Uhmm... ito nalang, or kung gusto mo itong isa, dalawa lang kasi extra na damit ko ehh" saad ko kay ken. "Kahit ano nalang ahhh...." "Ah! I'm Justin de Dios nga pala, and he is Josh Cullen Santos best friend ko, tapos sila naman kaibigan ko din, si Stellvester Ajero at si Sejun Nase." Pagpapakilala ko naman sa amin. "Ahh, Justin de Dios?" Tanong niya. "Oo, bakit?" "Kasi, nabanggit ng parents ko na kapartner nila ang de Dios family from Philippines sa bagong building nila sa Canada." Pagpapaliwanag niya na ikinagulat ko naman. "Huh? So, ibigsabihin.... ikaw si Ken Suson?" "Ahh, oo Ken Suson ang name ko" sagot niya Di ko akalaing siya pala yung kinukwento sakin ni mama na anak daw ng partner nila sa business nila sa canada. Pinagpalit ko naman agad si Ken ng damit sa CR. "Ayan! Kasya naman sayo?" "Ahh, oo, hayaan mo babalik ko nalang bukas sayo, pasensya na sa inyo ahh" "Naku, wala yun, buti nga nagkasya ehh" sagot ko naman. "Oo nga" sabat naman nila Stell. "Oh so pano? May 15 minutes pa tayo." Saad naman ni Sejun. "Bakit hindi kays natin siya kaibiganin? Isali natin siya grupo natin! Para hindi narin siya binubully tsaka maganda yun since business partners ang family niyo" advice naman ni Stell. "Oo nga! Okay lang ba sayo yun ken?" "Ha? Ahhh, kayo..." "Guys?" "Oo naman!" Sagot nila Sejun at Stell. "Ikaw Josh?" "Ikaw nalang bahala" sagot ni Josh na napansin kong medyo cold ang boses. "Okay kalang josh?" Tanong ni Sejun kay Josh. "Tara na" sagot lang ni Josh at umalis na patungo sa tamabayan namin. "Hala, baka nagseselos?" Saad ni Stell. "Selos kayo dyan? Tara na nga!" Sagot ko naman. - - "Siya nga pala, dito kami laging tumatambay magkakaibigan, ikaw kung payag ka, pwede ka narin sumama lagi samin tuwing Lunch, kapag may gala kami, parties at anytime!" "Ahhh, okay lang naman sakin eh, kaso kayo?" "Okay lang yan sa kanila ano ka ba!" Saad ko naman at pinaupo na siya sa tabi ko. Habang nasa kaliwa ko naman si Josh at nasa harap namin si Stell at Sejun. "Oh so pano na? Sa wakas nadagdagan din tayo ng member! Hahahahaha" saad naman ni Stell. "Oo nga eh, tsaka biruin niyo? Partners pa ang parents namin sa business?" "Oo nga hahahaha"sabat naman ni Sejun. "That's what you call Destiny" dagdag pa ni Sejun. "Destiny? Sira ka ba? Walang destiny destiny!" Sagot naman ni Josh. Napatingin naman kaming lahat kay Josh dahil sa sinabi niya, para kasing wala sa mood si Josh ehh. [JOSH'S POV] Sa totoo lang nung una okay pa ako eh, pero nung masyado nang mabait si Justin dyan kay Ken, hmmpppp. Aaminin ko, seloso kasi ako, siguro dahil nasanay ako na ako yung laging inaalagaan ng sobra ni Justin sa aming magkakaibigan. Tapos kung maging concern si Justin kay Ken parang mas matagal na silang magkasama kesa samin. "Oo nga pala ken, anong course mo?" Tanong ni Justin kay Ken. "Ahh, actually, kaklase ko kayo Josh" sagot naman ni Ken. Ha?! Kaklase pa talaga namin ni Justin? Tsss... "Huh?! Bakit di kita napansin kanina?" Tanong ni Justin kay Ken. "Ahh, nasa pinakalikod kasi ako ehh" "Ahh, hayaan mo mamaya pagbalik natin sa room dun ka nalang sa tabi ko" saad ni Justin. Talagang patatabihin niya pa sa kanya ah?! Ano bang meron dyan kay Ken? Don't tell me may gusto tong si Justin sa kanya! "Ayiiieee, ayan ahhh pasimple ka jah ahh!" Pang-aasar pa nitong si Stell at Sejun aba! hmp! "Anong pasimple?! Alam niyo naman si Josh--" salita niya sabay akbay sakin at biglang siyang napahinto. "Si josh?" Tanong ni Sejun. "Ano ba naman kasi kayo, alam niyo namang si Josh lang ang kaibigan ko diba?" Tuloy ni Justin. "Kaibigan lang?" Tanong naman ni Sejun. Hehe nice one Sejun! "Ayy! best friend pala sorry na!" Sagot naman ni Justin. Tss... friendzone nanaman ako ah! "Best friend lang?" Tanong ni Stell. "Hayy nako, tara na nga!" Sagot naman ni Justin na tinawanan lang nila Sejun at Stell. - Habang papunta kami sa Room napansin kong naguusap lang sila Ken at Justin habang kaming tatlo tahimik naman. "Pst! Uy, okay ka lang josh?" Tanong sakin ni Stell. "Ha? Oo" sagot ko naman. "Parang wala ka sa mood kanina ehh" "Ha-ha? Hindi ahh" Nagkukwento naman sakin sina Stell at Sejun na napansin kong biglang inakbayan ni Justin si Ken at si Ken naman medyo umakbay sa bandang likod ni Justin. "*ehem* dito na kayo Sejun at Stell diba?" Sabi ko para mahinto sila Justin at Ken. "Ayyy, dito nga pala room nila stell at sejun, Culinary Arts ang course nila parehas." Saad ni Justin kay Ken. Kala mo naman interesado talaga si Ken malaman! "Ahhh, maganda din ang Culinary Arts ahh, maraming professional works na pwedeng makuha" saad naman nito ni Ken. Weh??? Kala mo naman may experience. "Ahh, oo ken! Kaso as for me and sejun meron nang nakahanadang business for us, kami nalang hinihintay, ayy sige pasok na kami ah!" Sagot naman ni Stell sabay kaway samin at pumasok na nga sila sa room nila. "Josh! Okay ka lang? Bat ang tahimik mo?" Tanong naman sakin ni Justin. Hayy! Di ba halata? Nagseselos kaya ako noh?! "Wala tara na!" Saad ko naman sabay akbay kay Justin at hinatak ko si Ken sa Kanan ko at inakbayan para di na toh makapunta kay Justin kaso parang medyo mahirap kasi parehas silang mas malaki kesa sakin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
972.7K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
866.1K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook