PROLOGUE...

385 Words
"LIMANG MILYON. LAYUAN MO LANG ANG ANAK KO," saad ni Mrs. Arellano para suhulan ako. Siya ang ina ni Travis na ang tingin sa akin ay isang basura dahil hindi ako kasing-yaman ng pamilya nila. Sa pananalita niya palang, ramdam ko ang pang-iinsulto niya sa pagkatao ko. Talagang binibigyan niya ako ng malaking halaga para lang iwan ko ang anak niya. "Mrs. Arellano, hindi ko matatanggap ang pera mo. Hindi ko kailan man ipagpapalit ang pag-ibig dahil lang sa pera. Mahal ko si Travis. At alam kong mahal niya rin ako," sagot ko rito. Pero mukhang hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko dahil biglang tumaas ang kabilang kilay ng Ginang. "Ang taas din talaga ng pride mo. Hindi mo ba alam, pwede kang makasuhan sa ginagawa mo. Anytime, pwede kitang ipakulong dahil isa kang hamak na kabit!" wika niya para laitin muli ako. "Paano mo masasabing kabit ang isang tulad ko Mrs. Arellano? Hindi pa sila kinakasal. At higit sa lahat, buntis ako. May karapatan ako kay Travis. Dahil anak niya ang dinadala ko," pag-aamin ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang katotohanan dahil sa pagiging impokrita niya. "What the hell are you talking about? Hindi totoo 'yan. If I know, palabas mo lang 'yan para hindi matuloy ang kasal ni Travis kay Angel," giit nitong saad. "Hindi ako gumagawa ng kwento. I'm telling the truth. Buntis po ako. Kaya sana, hayaan mo na lang kami ni Travis. Nagmamahalan po kami ng anak niyo," I said again. May kasamang paki-usap na rin ito nang sa gano'n ay tigilan niya na kami. Kaso sa halip na pumayag siya, tanging pag-iling ng ulo ang nagawa nito. "No. Hindi ako makakapayag. Travis deserves better. And that is Angel. Kaya nga binibigyan na kita ng limang milyon para makapagsimula ka, kayo ng magiging anak mo. Pero kung magmamatigas ka, I'm sorry to say, pero idadaan ko ito sa maduming paraan para maalis ka lang sa buhay ni Travis. Mark my words," huling litanya nito bago ako tinalikuran. Napahinga ako nang malalim dahil sa kabang namuo sa dibdib ko. Kilala ko si Mrs. Arellano, lahat ay kaya niyang mapaikot dahil ma-pera siya. Pero hangga't kaya ko, lalaban ako. Ipaglalaban ko si Travis. Ipaglalaban ko ang pag-iibigan namin lalo na't magkakaroon na kaming anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD