bc

I'm the CEO's MISTRESS (SPG)

book_age18+
6.5K
FOLLOW
17.5K
READ
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

"Hindi ako kabit Mrs. Arellano. Kahit kailan, hindi ako magiging kabit," ani ko rito.

"Ang tapang mo Shiena, ano bang ipinaglalaban mo sa buhay?" taas-kilay na tanong niya sa akin.

"Buntis ako," diretsahang saad ko habang nakatingin ako sa matatalim niyang mata.

Halos sumalubong naman ang kanyang kilay dahil sa kanyang narinig.

"Ano?"

"Magkakaanak na kami ni Travis... Kagagaling ko lang sa Doctor kanina, and she said that I am pregnant. Kung hindi ka naniniwala, meron akong pregnancy test na ginamit. Gusto mo bang makita, Mrs. Arellano?" panghahamon na sambit ko rito.

"I don't believed you... Paano ko magagawang paniwalaan ang isang kagaya mo?" pagbibigkas niya.

"Pareho lang tayo nang nasa isip Mrs. Arellano. Katulad mo, hindi rin ako naniniwala sa'yo na kasal na si Travis. Kaya huwag na huwag mo akong pagbibintangan na isang kabit, dahil alam ko na hindi papayag ang boyfriend ko na ikasal siya kay Andrea," giit ko naman.

Laking gulat ko naman nang may kinuha siyang tseke sa kanyang mahabang wallet. Nakita ko ang nakasulat na pera roon at ito ay limang milyon.

"Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Ayoko nang umabot pa sa sigawan ang pag-uusap na ito... Siguro naman sapat na iyan para makapagsimula ka ng panibagong buhay na kasama 'yang anak mo. Malaking pera na ang limang milyon, Shiena. Kaya sa tingin ko naman ay magagawa mo nang tanggapin ang salapi na 'yan," she offered while giving me the money.

"Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin Mrs. Arellano? Akala mo ba ay nabibili ako ng salapi? Hindi mo ako masusuhulan. Hindi mo ako magagawang bilhin sa halagang limang milyo... Ang kailangan ko si Travis, siya ang kailangan namin ng anak ko..."

chap-preview
Free preview
PROLOGUE...
"LIMANG MILYON. LAYUAN MO LANG ANG ANAK KO," saad ni Mrs. Arellano para suhulan ako. Siya ang ina ni Travis na ang tingin sa akin ay isang basura dahil hindi ako kasing-yaman ng pamilya nila. Sa pananalita niya palang, ramdam ko ang pang-iinsulto niya sa pagkatao ko. Talagang binibigyan niya ako ng malaking halaga para lang iwan ko ang anak niya. "Mrs. Arellano, hindi ko matatanggap ang pera mo. Hindi ko kailan man ipagpapalit ang pag-ibig dahil lang sa pera. Mahal ko si Travis. At alam kong mahal niya rin ako," sagot ko rito. Pero mukhang hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko dahil biglang tumaas ang kabilang kilay ng Ginang. "Ang taas din talaga ng pride mo. Hindi mo ba alam, pwede kang makasuhan sa ginagawa mo. Anytime, pwede kitang ipakulong dahil isa kang hamak na kabit!" wika niya para laitin muli ako. "Paano mo masasabing kabit ang isang tulad ko Mrs. Arellano? Hindi pa sila kinakasal. At higit sa lahat, buntis ako. May karapatan ako kay Travis. Dahil anak niya ang dinadala ko," pag-aamin ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang katotohanan dahil sa pagiging impokrita niya. "What the hell are you talking about? Hindi totoo 'yan. If I know, palabas mo lang 'yan para hindi matuloy ang kasal ni Travis kay Angel," giit nitong saad. "Hindi ako gumagawa ng kwento. I'm telling the truth. Buntis po ako. Kaya sana, hayaan mo na lang kami ni Travis. Nagmamahalan po kami ng anak niyo," I said again. May kasamang paki-usap na rin ito nang sa gano'n ay tigilan niya na kami. Kaso sa halip na pumayag siya, tanging pag-iling ng ulo ang nagawa nito. "No. Hindi ako makakapayag. Travis deserves better. And that is Angel. Kaya nga binibigyan na kita ng limang milyon para makapagsimula ka, kayo ng magiging anak mo. Pero kung magmamatigas ka, I'm sorry to say, pero idadaan ko ito sa maduming paraan para maalis ka lang sa buhay ni Travis. Mark my words," huling litanya nito bago ako tinalikuran. Napahinga ako nang malalim dahil sa kabang namuo sa dibdib ko. Kilala ko si Mrs. Arellano, lahat ay kaya niyang mapaikot dahil ma-pera siya. Pero hangga't kaya ko, lalaban ako. Ipaglalaban ko si Travis. Ipaglalaban ko ang pag-iibigan namin lalo na't magkakaroon na kaming anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook