CHAPTER 55 SHIENA's POV: BLACK LIPSTICK. Kulang itim ang nilagay ko sa aking labi para magmukha akong palaban sa oras mismo ng paghaharap namin ni Andrea. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin na ngayon ay may matalim itong titig. Yung titig na nakamamatay na gustong sumakmal ng tao. Hindi ako pwedeng panghinaan mamaya. Gusto kong tingnan si Andrea na may pang-iinsulto. Tiyak akong magugulat siya kung sinong Boss Yna ang gusto niyang makilala. Wala pa kasing ideya si Andrea kung sino ang nasa likod ng farm na ito. Kaya hindi ako magkakamali na lalabas ang ngala-ngala niya sa bunganga kapag nakita niya na ako. Nang malagay ko ang black lipstick ay inayos ko ang aking buhok. After that, I decided to call George, para sa gano'n ay masamahan niya na ako. Kung tama man ang binalita niy

