CHAPTER 34 ANDREA's POV: "MAMA, bakit mo naman ginawa 'yon kay Travis? Hindi ka dapat nagbibitaw nang gano'ng salita sa kanya... Alam mo naman ang pinagdadaanan niya diba?" bigkas ko kay Mrs. Arellano matapos ang naging pagbisita namin kay Travis na humantong sa initan nilang dalawa na mag-ina. Ang usapan namin ay kakamustahin lang si Travis para makita namin ang sitwasyon ng anak niya. Concern na concern pa naman ako pagdating sa lalaki. Hindi ko talaga kayang alisin na lamang siya sa puso ko. Hindi ako madaling makalimot ng pagmamahal. Kaya nga, handa ako maging panakip-butas ni Travis makalimutan niya lang si Shiena. Kaso maling paraan ang nagawa ko kanina. Nagalit siya sa akin at sinigawan niya ako. Pero itong si Mrs. Arellano, lalo niya lang pinainit ang ulo ni Travis, hindi man l

