Chapter 38 5 YEARS LATER.... ANDREA's POV: "MOMMY! MOMMY!" sigaw ng batang lalaki habang tumatakbo palapit sa aking gawi. Masaya niya akong sinalubong habang hindi mabitawan ang laruan na hawak niya. Ang batang ito ay si Tryon, ang tunay na anak nila Shiena at Travis. Talagang pinursige ko na alagaan siya, bihisan at pakainin nang sa gano'n ay ako ang kilalanin niyang nanay. Hindi nga ako nagkamali, dahil makalipas ang ilang taon, ay tuluyan ko na ngang nakuha ang loob ng bata. Ako na ang siyang itinuturing niya na ina. It's been 5 years. At mag-aapat na taon na rin ang edad ni Tyron. Malapit na ang kanyang kaarawan kaya pinaghahandaan ko talaga. Ang batang ito ay napamahal na sa akin. Kahit papaano ay tinuring ko na ito na para ko na ring anak. Ni minsan ay hindi ko siya minaltrato

