CHAPTER 62 SHIENA's POV: AKMA KO NA SANANG HAHAWAKAN ANG BATA PARA MAPIGILAN SIYA SA PAGBABATO NIYA SA AKIN, NANG BIGLA ITONG TUMAKBO. Oo, tumakbo ang batang lalaki na animo'y natakot siya sa akin. Sino bang hindi matatakot kung dinilatan ko siya ng mata. Paano, nakakapikon ang batang iyon. Tama bang sigawan niya ako at pagsalitaan nang kung ano-ano. Kaya hindi ko talaga ito mapapalagpas... I want to know that kid. Gusto kong makilala ang magulang niya. Kaya hinabol ko ang bata. Kung saan siya patakbo ay doon din ako... Nagmukha na tuloy akong isip bata nang dahil sa kanya. Pero wala akong pakialam. Basta madisiplina ko lang ang batang 'yon. Sa kakatakbo niya ay hindi ko namalayan na nakarating muli ako sa pwesto kung saan nagtatrabaho roon si Travis. Doon nakarating ang bata. And gu

