CHAPTER 57 SHIENA's POV: HINDI SILA MAGKAINTINDIHAN NI ANDREA. Ganyang eksena ang nakikita ko sa hindi kalayuan. Hinatak ni Travis si Andrea patungo sa labas ng bakod para doon sila mag-usap ng babae. Pero hindi basta pag-uusap ang nangyayari sa pagitan nila. Tila kasi nag-sisigawan ang dalawa at na animo'y hindi sila nagkakaunawaan. Hindi ko nga lang masyado marinig ang pinag-uusapan nila. Pero sigurado ako na galit si Travis kay Andrea. Siguro ay nagagalit siya sa mga pinagsasabi ng magaling niyang asawa. Kahit naman ako ay masyadong napikon sa babae. Kung pwede lang manampal ng tao ay ginawa ko na kanina pa. Lagi niya kasing pinagmamalaki ang anak nila ni Travis para ipamukha sa akin na nagkaanak sila. Oh well, ano nga ba ang pakialam ko? Kung sa relasyon nilang dalawa ang itatano

