CHAPTER 30 SHIENA's POV: PARANG gusto ko nang mabura dito sa mundo. Gusto ko na lang magpahinga at samahan ang anak ko... Sa ganitong paraan ay hindi na kami magkakahiwalay pa. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Sa pagkamatay ng aking anak ay parang ayoko na ring mabuhay pa. Nawalan na ako nang gana pang lumaban... Ang akala ko, kapag nagkaanak na ako, maaayos na ang lahat para sa aming tatlo ni Travis. Pero isang pagkakamali pala ang mga akala ko. Lahat nang aking akala ay isang bangungot at mananatiling masamang bangungot para sa akin. Si Travis, kahit anong habol at pagpupumilit niya na maibalik ang relasyon namin at bigyan siya ng pagkakataon ay hindi ko na siya nagawang pakinggan pa. Pagod na kasi ako. Pagod na akong umasa at maghintay sa mga pangako niya na walang kasiguraduhan

