CHAPTER 17 SHIENA's POV: NAHIHILO ako. Ito agad ang aking naramdaman sa pagmulat ng aking mata. Ang totoo n'yan, matapos akong sugurin dito ni Mrs. Arellano ay tila may pagbabago sa aking katawan na hindi ko maintindihan. Bigla na lamang ako nasusuka at madalas akong nahihilo. Hindi ko na rin gustong kainin yung mga paborito kong pagkain noon. It so weird. Pero kailangan ko na yatang magpacheck-up. It's been one week since dalawin ako ni Travis. Ang sabi niya ay sasamahan niya raw ako magpacheck-up kaso hindi ito natuloy dahil bigla siyang tumawag sa akin na kailangan niyang umalis ng bansa, for some important matters na dapat niyang asikasuhin sa America. Hindi na nga siya dumaan dito dahil masyado itong nagmamadali. Kung sabagay, CEO siya ng Kompanya kaya malamang busy na tao ang

