CHAPTER 41 Shiena's POV: HINDI AKO MAKAPANIWALA. Sa pwede kong makita ngayon, bakit si Travis? At paano siya napunta sa lugar na ito? Paano siya nakapasok dito? Ang dami kong tanong kung paano nangyari ang lahat nang ito? Siya agad ang unang nakakita sa aking pagbabago. Pinaghandaan ko pa naman ang lahat para kapag dumating ang oras na harapin ko sila sa Manila ay makita nila na malaki ang pinagbago ko sa buhay. Kaya lang, si Travis, nandito siya. At gusto kong alamin kung bakit naging tauhan at trabahador siya rito sa farm. Dahil sa pagkakaalam ko, CEO siya ng Kompanya. Ni hindi niya nga magawang talikuran at iwan ang pagiging CEO niya... Pero sa palagay ko, isa itong patibong para lang makaahon ang Kompanya nila sa pagkalugmok. Sigurado ako na pumasok siya rito para sirain ang far

