bc

Daisy’s Affair (SPG)

book_age18+
135
FOLLOW
1.6K
READ
forbidden
age gap
second chance
goodgirl
sweet
bxg
affair
like
intro-logo
Blurb

Maagang nabyuda si Daisy. Iniwan ng asawa si Gabriel. Nagkagustuhan ang dalawa na nauwi sa isang lihim na relasyon. Tama, lihim dahil magbyenan ang dalawa. Paano maipaglalaban ang pagibig sa mata ng mapanghusgang lipunan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Siya nga pala Gabriel, aalis ako mamayang madaling araw." Biglang basag ng katahimikan ni mama Juliet. Magkakaharap kaming tatlo sa hapag at kumakain ng hapunan. Wala sa loob na napasulyap ako kay mama. Kadarating lang nito galing sa isang beach vacation with her friends last month na umabot ng dalawang linggo pero heto at nagpapaalam na naman na aalis. It's not that I have a say pero may kumakalat kasi na issue about sa kanya at sa lalaki daw niya. May nakakita mga daw kay mama na sweet na sweet ito at isang may kabataan na lalaki sa kabilang bayan. Marami ang nakakarating sakin na sabi sabi dahil narin sa chismosa kong kaibigan pero hindi ko pinapansin lang. Maganda kasi si mama at mestisahin din. Marunong pang mag ayos ng sarili. Mukha pa siyang bata pa sa edad na 42. I mentally shook my head. Di naman siguro true ang mga chismis na naglalabasan. "Kadarating mo lang halos ah, aalis kana naman ba?" Balik tanong ni papa. Nagkasulyapan ang mag asawa at huling sumulyap si mama sa akin na parang naiinis. Nag iwas ako ng tingin. "Anong masama kung umalis ako kasama mga kaibigan ko aber? At bakit ka nagtatanong ngayon? Dati naman pumapayag ka agad ah? Oo ka lang ng oo dati wala ng tanong tanong!" Nakairap na sagot ng aking byenang babae. "Natural magtanong ako, baka nakakalimutan mong asawa mo ako." Sagot ni papa na sinalubong ang tingin ng asawa nito. "Pupwede ba ha Gabriel hayaan mo na ako? Ito na nga lang kaligayahan ko, pipigilan mopa? Hindi naman ako nagpapabaya ng negosyo ah, parang ngayon lang ako nakakaalis alis tapos ganyan kapa?. Ayaw mo bang sumaya ako kahit saglit lang? Hindi ka manlang masaya na nakikita mo akong nag eenjoy sa buhay?!” "Hindi sa pinipigilan kita pero paano ang negosyo mo? Iiwanan mo din ulit? Hindi ka na nga natao dito sa bahay, pati ba naman sa tindahan.” Malumanay na sagot ni papa. "At anong ginagawa ng hilaw na manugang mong iyan?" Tumaas at pagalit na sagot na ni mama. Nakaduro pa ang daliri sa akin. “Nandito iyan para tumulong hindi magrelax relax! Aba naman Gabriel?! Wag mo namang masyadong ibaby yan hindi naman natin kaanu-ano!” "Juliet.." babala ni papa. "Ano? Kakampihan mona naman iyang babaeng iyan?! Ano bang ipinakain sa iyo at lagi kang nakadepensa para sa kanya? Kung ayaw mo siyang magtrabaho ng doble, pag asawahin mo na at nang makalayas na siya dito sa pamamahay ko! Kung hindi moba naman pinigilan noon, sana wala ng ang asungot dito! Palamunin mopa at ginagastusan!” Napasinghap ako at saka nagbaba ng ulo. Kaagad namuo ang luha sa aking mga mata pero sinikap kong pigilan. Ayokong makita nilang umiiyak ako sa harap nila. "Juliet ano ba? Kumakain tayo!” Sansala ni Papa. Medyo tumaas na din ang boses nito pero hindi nagpaawat si mama. “Ilugar mo naman!” "TOTOO NAMAN AH?? BAWAL NABA MAGSABI NG TOTOO NGAYON HA??.MULA NG DUMATING YANG BABAENG IYAN, MINALAS NA ANG BAHAY NA ITO! EWAN KO NGA ANO NAKITA NG ANAK MO JAN NOON AT INASAWA PA?!. TIGNAN MO ANG NANGYARI SA ANAK MO GABRIEL?! MINALAS LANG NAMAN! NI HINDI KO ALAM BAT ANDITO PA SIYA! PINAGSISIKSIKAN TALAGA ANG SARILI ANG KAPAL NG MUKHA NIYA! BIGYAN MONA NG PERA AT BAKA ITO LANG ANG INAANTAY MAKUHA BAGO MAISIPANG UMALIS! OR KUNG HINDI PERA EH BAKA NAMAN IKAW ANG GUSTO DING MAKUHA?? ABA NAMAN SINGKAPAL NA NG MUKHA NIYA ANG..” Sumabog ang boses niya sa loob ng bahay, galit na galit ibinagsak pa niya ang plato. “SINABI NG TAMA NA!” Galit na sabi ni papa. Mas malakas ang boses. "Naririnig moba ang sarili mo ha?! Huwag mong ituro sa amin ang gawain mo! Wala kaming ginagawang masama!” “GABRIEL!” Gulat na sabi ni mama saka Pabagsak nitong binitiwan ang mga kubyertos at binirahan ng alis paakyat sa kwarto nila. “MAGSAMA KAYONG DALAWA MGA WALANG KWENTA!” Tumayo din si papa at galit na sinundan ang asawa. Ako si Daisy, 23 years old, byuda at kasalukuyang nakatira sa aking mga byenan. I married their son right after college and the year after nabyuda ako. He got involved into a vehicular accident. Sumalpok ang lulan nitong kotse sa isang rumaragasang SUV. Gabi noon susunduin sana ako ng asawa ko mula sa party ng isang kaibigan sa high school pero hindi na siya umabot. He died on the spot. Tawag nalang ng mga pulis ang aking natanggap. Sumabay pa ang isang napakasakit na stomach cramping hanggang sa magdugo ako at mawalan ako ng malay. Paggising ko ay nasa ospital na ako at doon ko din nalaman na buntis ako pero nawala ang ipinagbubuntis ko. That incident led my mother-in-law to resent me to the core. Ako ang sinisisi niya sa nangyaring aksidente. Kung hindi ko daw pinasundo sa akin ang anak niya ay buhay pa sana ito. She was once a loving byenan pero nag iba turing niya after mawala ang anak nito. She became rude, abusive in words and hindi namamansin pero pinagsikapan kong intindihin nalang ang kanyang kalagayan. Hindi ako nagtanim ng galit sa mga salitang narinig ko galing sa kanya. Nawala kasi ang kaisa isa nilang anak na siyang aking naging asawa at yung sanang magiging apo nila. Kabaligtaran sila ni papa. Hindi ako nakarinig ng kahit na anong galit o paninisi mula sa kanya. He was the mediator inside the house. Binalak kong umalis ng bahay, nagpaalam na bubukod nalang dahil baka mas lumala pa ang galit ni mama at wala narin ang taong nag uugnay samin pero pinigilan at kinausap ako ni papa. Hindi ko raw kailangang umalis dahil lang doon. Saka nalang daw like if ever maisipan kong mag asawa ulit or magkaroon ng ibang pag ibig. Kaya naman siya ang dahilan kaya nagdecide akong mag stay and besides wala naman akong ibang kamag anak na matatakbuhan. "At sinong ipinagmamalaki mo, ang kalaguyo mo? Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mong pang iipot sa akin? Marami akong naririnig na usapan, ipinagpapawalang bahala ko lang dahil iniisip kong dimo magagawa sa akin iyon! Pero ngayon hindi kona alam!!” Malakas na sabi ni papa na siyang nagpabalik ng aking kamalayan. "At kung sabihin ko sa iyong oo? Anong problema don? At sasabihin ko narin ngayon iiwan na kita at sasama na ako sa kanya. Sawang sawa na ako dito! Ayoko na Gabriel! Hihiwalayan na kita!" Dumaan ang katahimik hanggang nagsalita si dad ng malumanay na. "Sige, gawin mo ang gusto mo tutal matagal mo narin namang tinapos ang pagsasamang ito. Siguraduhin mo lang na madala mona lahat ng gamit mo kung ayaw mong itapon ko iyan kinabukasan!" "Oo talagang aalis ako at dadalhin kona ang lahat ng akin! Matagal na akong nagtitiis! Lalayasan kona ang mala impyernong bahay na ito!" Yan ang naririnig ko ng tumayo ako sa may puno ng hagdan sa baba. Marahil bukas ang pinto kaya malaya kong marinig ang kanilang sagutan. Umalis ako sa aking kinatatayuan at tahimik na niligpit ang hapag kainan. I doubt na may gana pa silang kumain pagkatapos ng nangyari. Nasa lababo ako ng may marinig akong yabag pababa ng hagdanan. Sa takot ko na madamay sa galit nila ay hindi ako tumingin pero may biglang humaklit ng aking braso paharap. Napangiwi ako ng lihim. “M-Mama..” sambit kong nahintakutan mula sa reaksyon niya. Maraming beses siyang nagalit pero hindi pa naman niya ako napagbuhatan ng kamay. Ngayon palang niya ako hinawakan ng ganito. "Lumayas ka na sa bahay na ito kung may natitira ka pang kahihiyan sa iyong pagkatao! Hindi habangbuhay naka depende ka sa amin Daisy. Wala na ang anak ko. Dapat mawala kana rin sa pamamahay ko!” Matalim ang mata na sabi nito at galit na boses. Humigpit din ang paghawak niya sa akin at nasisigurong magkakaroon ng marka ito. “Mahiya ka naman! Hindi kana dapat nandito!” "Ma..." nausal ko, nabalot ng luha ang aking mata. “Patawarin niyo po ako. Hindi ko po talaga..” "Wag mo akong matawag tawag na mama. Hindi kita kaanu-ano! Hidni kita anak! At Patawarin? Nagpapatawa ka ba ha?! Hindi kita mapapatawad kahit kailan!” Matalim nitong sabi. “Pinatay mo anak ko! At ikaw din ang dahilan ng pagkasira ng pamilyang ito!” Pagalit na bulyaw niya at saka bumitaw sa pagkakahawak sa akin ng marinig ang mga yabag ni papa. Mabilisan itong lumabas ng bahay saka ibinagsak ang pintuan. Nang sundan ko ng tingin ay kita kong may hawak siyang dalawang malalaking maleta at dirediretso ito sa labas. Pagkatapos ng ilang sandali umandar paatras ang sasakyn ni mama. Mabilis naman na isinara ni papa ang malaking bakal na gate. Pinahid ko ang mga luhang nagsilaglagan. Humarap ulit ako sa lababo ng marinig kong nagbukas at sara ang main door ng bahay. Magaan ang yabag ang aking narinig at alam kong nakatayo si papa sa aking likod. “Daisy…” tawag ni papa. “P-po..” basag ang boses kong tanong. Napangiwi ako dahil don. "Pagpasensyahan mo na ang mga sinabi ng mama mo. Ako na ang humihingi ng paumanhin." Mababang tinig na turan nito. “Hindi ko alam kung bakit siya sobrang nagagalit sa iyo. Wala na ito sa hulog.” Tumango ako pero hindi lumingon sa kanya. "Okay lang po. Sanay nako Pa." Binalak kong magbiro pero bumigay talaga yung boses ko. "Sinaktan kaba?" Seryosong sabi nito, humakbang palapit pa sa akin dahil lumapat ang mainit na palad nito sa aking braso, yung hinawakan ni mama kanina, at pinaharap ako sa kanya. Mabilis akong umiling. "Ayos lang pa. Wala po ito. Wag na kayong mag alala.” Nakatungo ako habang nakaharap na sa kanya. "I’m sorry sa lahat ng nasabi niyang hindi maganda. Huwag mong intindihin ang sinabi niya. Paano ang tindahan kung aalis ka? Paano dito sa bahay? Paano ako?" Halos pabulong ang huling salitang sinabi nito. Nabalot ng galak ang aking puso. Tuluyan niya akong niyakap. "I'm being selfish Daisy, ayokong pati ikaw iwan mo din ako." Napapikit ako sa sinabi niya at sinabayan ng mabilis na pagtibok ng puso ko. He tightened the hug as he kiss my head. Dun na ako tuluyang napahikbi. At least may isang tao sa mundong ito na nagpapahalaga pa sa akin. Humiwalay siya saka iniangat ang aking mukha. "Hey, tama na ang pag iyak. Mamamaga ang mga mata mo. Panget mona bukas!" Biro niya pa saka pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang daliri. "I'm sorry po. Dahil sa akin..." Hindi ko naituloy dahil bigla niya akong niyakap ulit. Then I felt him shaking his head. "Hindi mo kasalanan ang lahat ng nangyari so you don't need to say sorry. The things that happened in the past, let it go. Now, this is on us. It's been long overdue. Alam naming matagal ng tapos ang pagsasama namin pero nagpakiramdaman lang kami. I'm good. Tomorrow's a better day, right?" Tumango ako at mariing napapikit upang pigilan ang luha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
279.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
40.4K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.3K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook