OSCAR #42 "May gusto ka pang sabihin bago ko tinggaan iyang kokote mo, Ethan?" Mariing napapikit na lamang si Ethan nang mas idiin ni Matteo ang hawak na baril sa kanyang noo. Ramdam niya sa kanyang balat ang malamig na bakal na maaaring tumapos sa kanyang buhay. Hindi pa siya handa. Hindi pa siya nakapag papaalam sa kanyang minamahal na tito Oscar. Tanging pag hikbi at pag luha na lamang ang kanyang nagawa. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa takot. Alam niyang isang maling galaw at bubulagta siya sa sahig nang wala ng buhay. "Kuya Matteo… Please, huwag mong gawin ito." pagmamaka awa niya. Imbes na maawa. Mas lalo lamang lumapad ang mala demonyo nitong ngiti. Punong-puno ng galit ang nanlalaki nitong mga mata. Sa hindi malamang dahilan ni Ethan, pakiwari niya ay parang wala n

