OSCAR #43 ETHAN Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mas marami pang luha mula sa aking mga mata. Parang tumigil rin ang aking mundo nang ipikit ni tito Oscar ang kanyang nanghihinang mga mata. Kasabay nang pag tigil ng kanyang paghinga ay siya ring paghinto ng aking puso. Napaka-sakit! Sobrang sakit. "Tito Oscar… Please," pagsu-sumamo ko sa kanyang walang buhay na katawan. Umiling ako. Hindi ko pwedeng tanggapin na lang basta-basta na hanggang dito na lamang kami. Hindi ko makakayang mawala ang lalaking minahal ako sobra pa sa pagmamahal nito sa kanyang sarili. "Mmmm... Masarap. Dami mo talagang alam sa kusina, Ethan. Bagay ka maging isang kusinero sa isang restaurant." Tanda ko pang puri sa akin ni tito Oscar. Gabi ito nang hindi ko sinasadyang maamin sa kanya ang nararamdaman kon

