CHAPTER 05: The Sweetest Fiancée

2662 Words
Chezca Mendoza "Mapagkakatiwalaan naman siguro ang kaibigan mo," ani Badong pagpasok ng kotse namin sa bakuran ng mansyon ni Skylight at Queenie. "Hindi ko na muna ibabalik ang mascara ko." “Of course. She’s my best friend,” I replied. "Siguradong pagtatawanan niya lang din ako kapag 'yong isang hitsura mo ang nakita niya. Alam ko na ang mga lines niya. ‘Are you trying to ruin your life, Chezca Mendoza?!’” Tumawa naman siya nang malakas. "Sisigaw pa 'yon at sasabunot sa buhok niya na parang nababaliw," dagdag ko pa, na mas lalo pa niyang ikinatawa. "Sinasabi ko na nga ba, sobrang pangit ko sa kalbo, eh." Natawa rin ako nang malakas. "Hindi naman sobrang pangit. Hindi lang talaga guwapo, at masyado ka ring maliwanag. Para kang may araw sa ulo." Mas lalo pa siyang humalakhak. “So … am I handsome now?” Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Napangiti lang ako habang sinasalubong ang mga mata niya. "Hmm." Tumango na lamang ako. Hindi ko man aminin, pero guwapo talaga siya at pamilyar din siya sa akin. Para bang nagkaharap na rin kami dati pa, hindi ko lang maalala kung saan at kailan. "Kamukha mo si Lolo Fausto," dugtong ko na lang. Muli siyang tumawa. "Kaya ko na ba siyang pantayan ngayon?" Muli akong napahinto. Was he talking about Stanley … or his grandfather? “Are you talking about your grandfather?” I asked. Muli siyang humalakhak. “The man you love, of course.” Muli akong natigilan. Agad naglaho ang ngiti sa mga labi ko. "Tsk. Hindi ko na 'yon love, no. Isinusumpa kong tumibok pa ang puso ko para sa kanya. Sana hindi ko na lang siya nakilala." Tumitig siya sa akin nang matagal habang may ngiti sa labi, na para bang binabasa niya ang laman ng isip at puso ko. Huminto ang aming sasakyan sa tapat ng main door ng mansyon. Agad na bumaba ang mga bodyguard niya at pinagbuksan kami ng pinto. “Good morning, Kumare!” Queenie greeted us warmly as soon as we stepped out of the car. Agad din akong sumalubong sa kanya. Yumakap at humalik kami sa pisngi ng isa't isa. “Good morning,” I greeted back. “Are we too early?” “Just right,” sagot niya nang 'di ako nililingon, dahil ang mga mata niya ay nakatuon na kay Badong. Nakalarawan ang gulat at paghanga sa anyo niya habang nakatitig sa fiancé ko. "Hi," nakangiting bati rin naman sa kanya ni Badong. “You’re Queenie Luther Montgomery, right?” He extended his right hand toward my best friend. "Yes," sagot naman ni Queenie na parang napapasailalim pa sa hipnotismo ni Badong. “It’s a pleasure to meet you,” Badong said again. “Likewise.” Agad ring tinanggap ni Queenie ang kamay niya. “I’m Bernardo Salvion. But you can call me Badong.” “Badong? W-Wait…” Biglang bumaling sa akin si Queenie habang may nangungunot na noo. “Is he the fiancé Sapphire told me about?” Confusion was now written all over her face. "Yes," nakangiti ko ring sagot. Nangunot pa lalo ang noo niya at muling bumaling kay Badong. “B-But Sapphire said—” “I’ll explain it to you later. Papasukin mo naman muna kami," agad kong putol sa nais niyang sabihin. “Oh! Right, right. Please, come in." Agad din naman niya kaming hinila papasok sa loob ng mansyon niya, na bagong-bago pa at kalilipat lang talaga nila dito ilang buwan pa lang ang nakalilipas. "Have you two had breakfast?” tanong niya. "Hindi pa talaga," agad ko namang sagot. “You told us to come early, so that means breakfast is on you.” Tumawa naman siya. “I really did have breakfast prepared for you, okay? Maupo muna kayo." Dinala niya kami sa napakalaking sala nitong mansyon nila. “Where are the twins? Are they awake?” tanong ko patungkol sa mga inaanak ko—panganay nilang anak ni Skylight. Parehong lalaki—sina Storm at Sky. “They woke up early—around 3 AM. Matapos namin silang paarawan ni Skylight kanina, nakatulog ulit sila. Ayon, nasa kuwarto kasama ng daddy nila. Nakatulog din muli si Skylight dahil napuyat sa paglalaro sa kanila buong magdamag." Bumungisngis siya sa huli niyang sinabi. Halatang masayang-masaya na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. And who wouldn’t be? Matagal niya ring pinangarap si Skylight, tulad ko kay Stanley. Pero natupad 'yong sa kanya, at sa akin naman ay hindi. Here she was—a happy wife and mother of twins. Maybe she was kinder than I, which is why God granted her wish. Masamang tao pa ba ako nito na lahat ng utos ng lolo ko ay sinusunod ko? Nasa akin na yata ang lahat ng kamalasan. Sinalo ko nang lahat. Tsk. Lihim na lang akong huminga nang malalim at ngumiti upang hindi niya mapansin na naiinggit ako sa kanila ni Sapphire. Pero masaya naman ako para sa kanila dahil mahal ko sila bilang mga kaibigan ko. Luckily, Badong was handsome and seemed kind as well. Maybe, in time, I’d learn to love him too. "Ibig sabihin, puyat ka pa rin ngayon at inabala ka namin ni Badong," ani ko sa kanya. "No," agad niyang sagot. "Silang mag-aama lang ang gising kaninang madaling araw. Hinayaan akong matulog lang ni Skylight. Salitan naman kami sa pag-aalaga sa kambal." “Do you think you can really handle our wedding?” I asked again. "Ngayon ko lang kasi na-realize na may mga baby ka nga pala. Nawala bigla sa isip ko na mahirap mag-alaga ng kambal. Nasanay kasi ako noong dalaga ka pa. Iba na nga pala ang buhay mo ngayon. Hmp!" Two years pa lang naman kasi ang nakalilipas simula noong ikasal sila ni Skylight. "My God, Chezca. I’ve already promised you both, and I truly want to be your wedding planner when you and Sapphire marry," sagot naman niya. "Now that Sapphire’s wedding is done, it’s your turn. And I am confident I can manage it. The twins are well looked after in the meantime.” “Are you really sure?” paniniguro ko pa. “Absolutely. 100% sure,” agad naman niyang sagot nang may ngiti sa labi. Napangiti na lamang din ako. "Okay, sinabi mo, eh." "Sasabihan ko lang ang mga angels ko na maghanda na ng breakfast," paalam niya. "Alright." Agad na rin siyang tumalikod at nagtungo sa kitchen nila. Naupo na rin naman kami ni Badong sa napakalambot at eleganteng sofa. “Your friend’s obviously not from just any family,” ani Badong. “She’s definitely high society material.” "Hindi lang siya, kundi ang asawa niya mismo," sagot ko naman. "Honestly… Skylight is on a whole different level. One of the richest in the country." "Wow..." Mukhang napahanga naman siya at nagulat. Ako nama'y napaisip kung bakit ayaw na ayaw ni Lolo kay Stanley para sa akin. Hindi ba't yaman ang hanap niya? Isa ang Montgomery family sa mga pinasubaybayan niya sa akin, lalong-lalo na ang tungkol sa mga negosyo nila. Pero bakit ayaw niya kay Stanley para sa akin? Hindi ko siya maintindihan. Ipagkakasundo niya rin lang ako sa isang lalaki, bakit hindi na lang kay Stanley? Kunsabagay, sigurado rin namang hindi papayag si Stanley na mangyari 'yon. Walang-wala ang mga negosyo at yaman ng pamilya namin sa yaman ng pamilya nila. Insekto lang kami sa kanila at 'di nila kakailanganin para sa negosyo nila. Sasabit lang kami kumbaga, wala gaanong pakinabang. Kaya paano siya papayag sa ganoong kasunduan? Tsk. Malabong-malabo talaga. MAYA-MAYA'Y bumalik na rin si Queenie at inaya kami sa dining area. Sumama rin naman kami ni Badong sa kanya. At habang kumakain ay sinimulan na rin namin ang pag-uusap tungkol sa nalalapit naming kasal ni Badong. “Have you thought about the venue yet, or do you want me to suggest some?” tanong ni Queenie. “I’m thinking something simple and low-key," sagot ko. "Nothing too extravagant—just us, our families, and close friends.” "Kung ako ang tatanungin, gusto ko talaga ay bigyan ng marangyang kasal si Chezca," sagot naman ni Badong. “But I’m following her lead.” Ngumiti siya kasabay nang pagsulyap sa akin. “Wherever she’ll feel most comfortable and happy, that’s where I’ll be.” Ngumiti rin ako nang matamis at 'di siya kinontra sa sinabi niya. Paano namang gugustuhin niya ang marangyang kasal? Nagtatago nga siya dahil sa mga taong naghahanap sa kanya. Hindi pwedeng maraming bisita. Pamilya lang talaga namin ang kailangang naroroon sa aming kasal. “Of course! I’ll make sure it’s elegant but low-key—just the way you want it," nakangiting sagot naman ni Queenie. "We can still make it beautiful without attracting too much attention.” "Ikaw na ang bahala, Kumare," nakangiti kong sagot. "Hi, good morning!" Bigla kaming napalingon sa main door ng mansyon nang makarinig kami doon ng malakas na pagbati. At ganun na lamang ang pagnganga ko nang bumungad doon si Stanley na agad ring pumasok at nakatingin sa direksyon namin. Muli na namang nagtama ang aming mga mata, at tulad ko ay gulat din ang lumarawan sa kanya. “Chezca, it’s you again?” he said with a grin, walking toward us. I glanced at Badong beside me and saw the curiosity on his face as he stared at Stanley. He looked at me, too. "Ang aga mo rin ngayon, Stanley. Tulog pa ang mga inaanak mo," ani Queenie sa kanya habang may makahulugang tingin at ngiti sa labi. “I actually came for Kuya Skylight. We have something important to discuss,” sagot naman ni Stanley. “Where is he? Gising na ba siya?” Luminga siya sa buong paligid. "Nakatulog siya ulit. Napuyat siya kagabi sa kambal," sagot ni Queenie. “Oh, I see,” sagot niyang muli bago tumitig kay Badong. “And who’s this guest of yours? Kasama mo ba siya?" tanong niya sa akin. “He looks like a different guy from the one I saw with you at the coffee shop earlier.” "Ahm—" "Nag-coffee shop kayong tatlo?" mabilis na tanong ni Queenie, kaya naputol ang sasabihin ko. “Ah, it was just an accidental meeting,” I explained immediately. “And yes, he’s the same guy who was with me earlier at the coffee shop, Bernardo Salvion. May dinaluhan kasi kaming isang … ahm, private charity ball kagabi kaya ganun ang hitsura pa niya kanina." s**t. Sana maniwala siya! "Really?" nakangiti pa ring sagot ni Stanley habang nakatitig pa rin kay Badong. "So, hindi siya naligo at dumiretso na kaagad dito?" Natigilan naman ako. Nakaramdam ako ng matinding inis para sa kanya dahil nagsisimula na naman siya at wala siyang pinipiling tao. "Eh, kasi nga sobrang aga nang usapan namin ni Queenie ngayon kaya hinila ko na lang kaagad itong si Bernard," muli kong sagot. "Wala naman sigurong masama doon. Hindi naman sila mag-aamuyan ni Queenie. Kaming dalawa lang naman ang nagyayakapan, and he still smells fine. We’ll shower together later anyway.” Napansin ko siyang natigilan habang nakatitig sa akin. Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi niya. Umaasa ako na masasaktan siya o magseselos, pero maya-maya'y muli rin siyang ngumiti. "So, siya pala itong fiancé mo. Hindi mo naman kaagad sinabi—I thought he was just a friend or something. Hi, Mr. Salvion,” agad niyang bati kay Badong kasabay nang paglahad ng kanan niyang kamay sa harap nito. "I'm Stanley Montgomery. Nakatatandang kapatid ko ang asawa ni Queenie. And don’t be surprised if we keep running into each other—our mansion is nearby. Madalas din doon itong si Chezca mo." Nakaramdam akong muli ng matinding kirot sa puso ko. Chezca ni Badong. Talagang wala lang sa kanya na ikakasal ako sa ibang lalaki. Wala siyang planong maghabol. "Bernardo Salvion, Pare," nakangiting sagot rin naman ni Badong kasabay nang pagtanggap niya sa kamay ni Stanley. Tumayo siya ng bahagya. “It’s a pleasure to meet you. I just realized my princess here has quite a few friends.” Muli rin siyang umupo sa tabi ko at hinapit ang baywang ko palapit sa kanya. Napansin ko ang pagtitig ni Stanley doon, pero mas lalo pa siyang ngumiti. Pero kakaiba na ngayon, parang ngiting aso na. "Sa itinagal-tagal na naming nakakasama si Chezca, ngayon ka lang namin nakaharap," aniya kay Badong. “We were surprised to hear that she’s getting married so soon. She never mentioned you to us, even once. Where are you from?” “We talk every day through video calls,” I quickly explained. "Kababata ko siya, pero nagkahiwalay kami noong five years old pa lang kami at nag-migrate sila ng parents niya sa Scotland. That’s where he grew up, but we’ve always stayed in touch. He’s the most private person in my life—there’s no need to tell anyone else. Ang importante ay nagkakaintindihan kami at mahalaga kami sa isa't isa." Wala na akong pakialam kung malaman niyang nagsisinungaling lang ako. Eh, sino ba siya? At ano ba rin ang pakialam niya? Tumitig naman siyang muli sa akin, at hindi kaagad sumagot. “That’s exactly it,” nakangiting sang-ayon naman ni Badong. Sa kanya naman nabaling ang paningin niya. "At 'yon ang pinakagusto ko sa kanya," patuloy ni Badong. "Dyan ko siya minahal ng sobra. I love how careful and thoughtful she is … how she keeps the important things close to her heart. That’s exactly why I want to protect her and make her happy, no matter what." "Kaya napagdesisyunan naming magpakasal na," muli kong dagdag. "Kasi ... wala naman na kaming ibang hinihintay pa. Doon din naman kami pupunta. And we’ll make sure no one can stop us.” “Looks like no one’s going to try to stop you either,” agad niyang sagot kasabay nang pagngiti niyang muli. "Mukhang kilalang-kilala niyo na talaga ang isa't isa. Congratulations! I wish you both a happy life together.” Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Napatitig naman ako doon kasabay nang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Nagdurugo na naman ang puso ko, at pakiramdam ko kapag tinanggap ko ito, ito na rin ang huling beses na magkikita kami. Na makakausap ko siya at mahahawakan ang kamay. Mahigpit kong pinigilan ang pangingilid ng mga luha ko. Huminga ako nang malalim at ngumiti kasabay nang pagtanggap sa kamay niya. Matapang ko ring sinalubong ang mga mata niya. "Thank you, Mr. Montgomery," I said. "I’ll remember everything you’ve said. And if you’re willing, kukunin din kitang ninong ng mga anak namin. Tutal, mauuna naman akong mag-asawa sa'yo. Pagkatapos nga ng kasal namin, sisimulan na kaagad namin ang matamis naming pulot-gata." Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti. "Siguradong memorable 'yon dahil siya ang kauna-unahang lalaking makakakuha sa akin." Muling naglaho ang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin nang mariin. Naramdaman ko ang paghigpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko. Agad ko naman itong inagaw mula sa kanya bago ko siya muling nginitian. “I have a wish for you, too,” I said softly. “What is it?” tanong naman niya. Blangko na ngayon ang kanyang mukha. “I hope your heart finally finds the woman meant for you—the one who will love you and stay with you for life. Not a married woman like J.” Muli ko siyang nginitian at kinindatan. "Goodluck." Muli na akong umayos nang pagkakaupo paharap kay Badong. Napansin ko namang may nakakalat na sauce sa gilid ng labi niya. “You’ve got a little something here,” ani ko bago ko ito kinuwit gamit lang ang mga daliri ko. Diretso ko itong isinubo sa bibig ko at sinipsip, pero ang mga mata ko ay nakikiramdam kay Stanley sa gilid namin. Gumuhit naman ang malapad na ngiti sa mga labi niya. “My fiancée has always been this sweet. I’m so lucky... I’ve never regretted that you’re the one I’m marrying.” "Me too," sagot ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD