Chezca Mendoza
NAGMADALI ako sa pagkain ng chocolate cake ko. Tumalikod ako nang bahagya mula sa kinaroroonan nina Stanley at ng kasama niyang babae.
Napansin ko naman ang pagtitig sa akin ni Badong.
“Slow down. You might choke,” he said with a chuckle.
"Hmm... Naalala kong bigla, pinagmamadali tayo ngayon ni Queenie dahil may importante daw siyang pupuntahan ngayon." Hininaan ko ang boses ko upang hindi marinig sa kabilang table. "Nakalimutan ko lang kanina."
“Is that so?” Napabilis ring bigla ang pagsubo niya ng banana muffin niya.
"Oo. Sana pala doon na lang tayo kumain sa bahay nila."
“I’m sure she can wait a little longer,” he replied before taking a sip of his coffee.
“Let’s just try to finish quickly—” Bigla kaming napalingon sa ingay na gumulat sa amin.
Nakita naming nahulog ng isang waiter sa sahig ang dala niyang tray na may mga lamang pagkain, at sa tabi lamang ito ni Stanley.
"Sorry, Sir. Pasensiya na po, hindi ko po sinasadya," ani ng waiter sa kanya habang paulit-ulit na yumuyuko.
Nakita kong nabasa ang braso ni Stanley.
“It’s okay,” Stanley replied.
He was now facing our direction because of the waiter—hanggang sa aksidenteng magtama ang aming mga mata.
Shit.
Nakita ko siyang natigilan at napatingin rin sa kasama kong si Badong.
“Chezca,” he said, still sounding surprised. “You’re here too.”
Fuck! Napalunok ako kasabay ng pagkabog ng malakas ng dibdib ko.
“He knows you,” Badong said beside me. “Do you know him?”
“N-No,” I answered quickly. “Ahm, let’s go.” Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at kunwari'y tiningnan ang screen nito. “My friend just texted. She’s asking where we are. Let’s just continue our breakfast at her place.”
Tumayo na kaagad ako at inilabas ang wallet ko.
"Don't worry, ako na ang magbabayad nito—"
"No," mabilis naman niyang sagot, at tumayo na rin. “I’ll handle it. It’s my treat.” Nginitian niya ako nang matamis at kinindatan.
"Nagmamadali yata kayo."
Bigla kaming napalingon kay Stanley nang bigla rin itong tumayo at humarap sa amin.
“You haven’t finished your food,” he said, gesturing toward our table.
Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko, lalo na nang lumingon muli sa akin si Badong nang may pagtataka.
Muli rin niyang nilingon si Stanley. “Excuse me? Do we know you?”
Ngumising bigla si Stanley habang nakapamulsa.
“Ahm, come on, Badong.” Mabilis kong isinukbit sa braso niya ang kamay ko at hinila na siya. "Huwag na nating pag-aksayahan pa ng panahon ang mga taong hindi naman natin kilala." Binigyan ko ng matalim na tingin si Stanley bago tuluyang hinila palayo sa kanila si Badong.
Nanatili naman siyang nakatitig sa akin habang nakangiti.
Nasulyapan ko rin ang babaeng kasama niya na tumayo na rin at humawak rin sa braso niya.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib, pero agad ko rin itong winakli. Putangina naman. Ang dami-daming coffee shop, dito pa talaga kami nagtagpo. Mga letse!
Dumaan muna kami sa counter at mabilis na nagbayad si Badong. Luckily, he had cash on him, and he didn’t even bother to get the change.
We immediately left the coffee shop and got into his car.
Bumiyahe na rin kami patungong Rodriguez Rizal kung saan nakatira si Queenie at asawa niyang si Skylight. Si Skylight ay panganay na kapatid ni Stanley at may sarili naman silang bahay, malapit rin sa mansyon ng mga magulang nila.
"Sigurado ka bang hindi mo kilala ang taong 'yon?" muling tanong ni Badong habang nasa biyahe kami.
Narinig ko pa ang mahina niyang tawa na ikinalingon ko sa kanya.
"Mukhang matindi ang sakit na ginawa niya sa'yo, para kalimutan mo siya ng ganun kabilis," dagdag pa niya, na ikinanganga ko.
I raised an eyebrow. “Are you trying to read my mind?”
His laughter grew louder. “The eyes don’t lie.”
Napabuga ako ng malakas na hangin, bago lumingon sa labas ng bintana.
“Sorry… I lied,” I admitted quietly. “I do know him, but I’m really trying to forget him.”
“Is he the man your grandfather was talking about?”
"Hmm." Tumango na lamang ako.
"Mukhang playboy. You made the right choice instead of letting him hurt you even more.”
“Yes, I know," sang-ayon ko. "This really was the right decision.” Kinagat ko ang loob ng labi ko upang pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Ilang ulit rin akong huminga ng malalim.
"Gusto mo bang gumanti sa kanya?" tanong ni Badong na ikinalingon kong muli sa kanya.
May pagtataka akong tumitig sa kanya.
“W-What…?” Hindi ko malaman ang sasabihin ko. "Hindi..." Agad din akong umiling. "Wala na akong pakialam pa sa kanya."
"Hindi naman ganti na gagawa ka ng ikasasama mo rin," nakangisi niyang sabi.
"A-Ano bang ibig mong sabihin?" may pagtataka ko pa ring tanong.
“Elias, find a private place with a restroom I can use,” he instructed his driver.
"Yes, Sir," sagot rin naman nito.
"Ano'ng gagawin mo?" tanong ko sa kanya.
"Basta, para sa'yo 'tong gagawin ko." Kinindatan niya akong muli bago muling ngumiti.
Napatitig na lamang ako sa kanya, at naguguluhan sa mga gagawin niya.
HINDI NAGTAGAL ay huminto ang kotse namin sa tapat ng isang mamahaling restaurant na wala pang gaanong tao sa loob.
“Just wait here in the car,” Badong said to me. “I’ll be back soon.”
"O-Okay?" Pinagmasdan ko na lamang siya na ngayo'y lumalabas na ng pinto.
Sinamahan siya ng isa niyang bodyguard papasok ng restaurant, habang ang isa ay naiwan sa labas nitong kotse at nagbabantay.
Napahinga na lang ako ng malalim habang tinatanaw sila. "Ano ba'ng gagawin niya do'n? Gagawin niya raw para sa akin? Ayts."
Umayos na lamang akong muli nang pagkakasandal sa upuan at tumingala sa kisame.
The scene from the coffee shop earlier replayed in my mind. Ang guwapong mukha ni... tsk! Hindi siya guwapo. Pangit siya! Pangit din ang babaeng kasama niya, kaya bagay lang silang dalawa! Kainin sana sila ng lupa!
Kung puwede lang lumayo na lang sa bansang ito, gagawin ko. Pero siyempre, si Lolo pa rin ang masusunod. Kaya ko naman talagang gawin 'yon, kung 'di ko lang iniisip ang magiging kalagayan nina Mommy at Dad.
Alam ko namang wala ring magawa si Dad pagdating kay Lolo, lalo na't dahil lang sa pamilya ni Mommy kung bakit siya nakaahon sa hirap ng buhay. Si Lolo Maclin ay ama ni Mommy.
Binata pa lang si Daddy ay kanang kamay na siya ni Lolo. Isa ring sunod-sunuran lang at pinapasweldo. One day, he fell in love with Mommy, and Mommy felt the same way about him.
Tumutol si Lolo noong una, pero ipinaglaban ni Mommy si Daddy. Nagtangka pa siyang magpakamatay kapag inilayo sa kanya si Daddy. Kaya sa huli, wala nang nagawa pa si Lolo.
Lolo gave Dad a position in the company, eventually making him President. Kaya lahat ng utos ni Lolo sa kanya hanggang ngayon ay sinusunod pa rin niya. Kaya wala rin siyang magawa sa mga ipinag-uutos sa akin ni Lolo. Hawak niya kaming lahat sa leeg.
Ganito na nga yata talaga ang magiging buhay namin hangga't naririyan pa si Lolo. Masamang apo na ba ako dahil kung minsan, hinihiling ko na sana ay magpahinga na siya? Ramdam ko naman kasi ang hirap na nararanasan ng pamilya ko nang dahil sa kanya. Wala nga lang kaming magawang lahat.
Napahinga akong muli nang malalim upang mapagaan ang bigat sa dibdib ko.
Muli akong lumingon sa restaurant. Ngunit bigla akong napahinto sa napakaguwapong lalaking lumabas mula doon, na nasa bandang hulihan ng bodyguard ni Badong.
Lumapit sila sa kotse namin.
The bodyguard opened the door, and the handsome man got inside.
He sat next to me, staring at me with a smile on his lips.
Ako nama'y napatanga dahil kapareho niya ng damit si Badong kanina, at anong ginagawa niya dito sa loob ng kotse namin?
“W-Who are you?” I asked him, confused.
“Really? You don’t even recognize my scent?” sagot niya, na mas lalo ko pang ikinatulala dahil kapareho niya ng boses si Badong!
Pareho rin sila ng mga labi at mga ngipin, pati na rin kung paano magsalita at ngumiti.
"What the f**k?" Mas lalo pa akong napatitig sa kanya. “B-Badong? I-Is that … you?”
Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya. "Sinasabi ko na nga ba, matutulala ka sa kaguwapuhan ko, eh."
"Huh?" Muli akong napatulala habang nakatitig sa kanya. Hanggang sa hindi ko na napigilang hawakan ang pisngi niya. Pinisil-pisil ko ito—may nasalat pa akong foundation sa balat niya!
Lumiit na ang ilong niya. Bahagyang sumingkit ang mga mata niya at may makapal na rin siyang buhok ngayon sa ulo.
“What?” I said again. “W-Wait… is that really you?” 'di makapaniwala ko pa ring tanong sa kanya. "Ano'ng nangyari? Bakit may buhok ka na? Lumiit din ang ilong mo."
Muli siyang tumawa.
“This is the real me,” aniya, na ikinanganga kong muli. “I’m sorry for hiding my true face. My situation was a bit complicated, so I had to do it.”
"Ano?" Nangunot bigla ang noo ko. “Y-You mean… your grandfather knows about this too?”
“Yes, and your grandfather knows as well.”
"Badong naman, nakakainis ka." Napapadyak akong bigla sa sahig. "Magpapakasal ka sa akin sa ibang mukha?"
Muli siyang natawa. "Wala naman sa plano kong magpakasal sa'yo sa ganoong hitsura. I was going to tell you the truth eventually, but it’s still too early… But since you need my help right now, here I am.”
“W-What kind of help are you going to give me?”
“I know your ex-boyfriend laughed at you earlier because of my appearance.”
"Hindi ko siya ex," pagtatama ko agad.
"What? Hindi mo siya naging boyfriend?" Siya naman ngayon ang mukhang nagulat.
"Hindi," mahina kong sagot. "Hindi pa."
Muli siyang tumawa.
Napasimangot naman ako.
"Hindi pala tayo nagkaintindihan. I thought he had already been your boyfriend and that you two had broken up. Napa-face reveal tuloy ako nang maaga." Kumamot siya sa ulo niya.
I laughed too, and found myself staring at him again.
Pero in fairness, guwapo talaga siya. Malaki ang pagkakahawig niya kay Lolo Fausto. May pagka-tsinito siya, parang Korean actor lang. Makinis din ang balat niya.
Bumaba ang paningin ko sa tiyan niya na ngayon ay impis na.
"Oh, wala na 'yong malaki mong tiyan?" Muli akong nagulat. Wala sa sarili akong napahawak sa tiyan niya, ngunit agad ko ring nailayo ang kamay ko nang mahawakan ko ang matitigas niyang abs.
Muli siyang tumawa nang malakas. “Of course. That was all part of my act—to make the whole thing believable.”
"Teka, puwede mo bang ipaliwanag kung bakit kailangan mo pang magtago sa ganoong hitsura?"
"Pangit ba?" nakangisi niyang tanong.
"Oo, pangit," agad ko namang sagot, na ikinatawa niyang muli.
"Sabi ko na nga ba, napapangitan ka sa akin buhat pa kahapon."
"Pangit naman talaga," pag-amin ko.
Mas lalo pang lumakas ang tawa niya.
“Let’s go, Elias,” he instructed our driver.
"Okay, boss," sagot rin naman nito, at agad na ring pinaandar ang sasakyan.
Muli akong bumaling sa kanya. “Explain it to me. I’ll listen, and I can be trusted with secrets. I promise.” Itinaas ko rin ang kamay ko sa harap niya bilang panunumpa.
Nakangiti siyang tumitig sa akin. "May kinalaman ito sa pagkamatay ng parents ko sa Scotland kaya masyadong kumplikado."
Napahinto ako kasabay nang pagkabog muli ng dibdib ko. "A-Ano? Bakit? Sino bang pinagtataguan mo?"
“The people involved in killing my parents… I know they’re after me, too, planning to kill me as well.”
"Oh, my God." Napasapo akong bigla sa dibdib ko.
"Alam kong hindi ako dapat dumikit sa'yo dahil may posibilidad na manganib din ang buhay mo. Kaya nga, pinili ko na lang magtago muna sa ganoong hitsura para sa kaligtasan nating lahat, pati ng lolo ko at pamilya mo."
"H-Hindi ko maintindihan. Ano bang naging kasalanan ng mga magulang mo para patayin sila? At bakit kailangan ka pa nilang idamay?"
"Tungkol 'yon sa negosyo. Nagkaroon ng kaalitan ang parents ko—alam mo naman, pagdating sa mga negosyo, there are always rivals, enemies. Nagkaroon pa ng sulutan pagdating sa mga malalaking clients, hanggang sa lumala ang gulo. My parents were killed, and I was there when it happened. I saw everything with my own eyes … and I know exactly who those people are.”
"B-Bakit hindi mo na lang isinuplong sa mga pulis?"
“They control the police in Scotland. They’re that powerful. They’re not ordinary people. That’s why I chose to leave and come back to the Philippines under a different name. Grandpa faked all my documents.”
Hindi na ako nakasagot. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Bumigat din nang husto ang dibdib ko.
“I trust you, that’s why I’m telling you this," aniyang muli. "And don’t worry, I won’t let you get hurt because of me. I’ll protect you as best as I can.”
Huminga ako ng malalim. “I’m so sorry for the loss of your parents. Siguradong napakahirap no'n para sa'yo lalo't nakita mo kung paano mismo sila pinatay."
Lumarawan ang halo-halong emosyon sa mga mata niya—matinding galit, sakit at labis na kalungkutan.
Huminga siya nang malalim na tila pinagagaan din ang bigat sa dibdib. "Wala na akong magagawa; wala na sila. Hindi ko na maibabalik pa ang mga buhay nila. Pero hindi pa ako humihinto. I’m just waiting for the right time to take revenge… Hinding-hindi ko hahayaang mawalan ng saysay ang pagkamatay nila."
Kinuha ko ang mga kamay niya at marahang pinisil. "Huwag mong ilagay sa mga kamay mo ang batas."
Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit.
“I’ll wait for them here in the Philippines. This is where they’ll taste my revenge,” he whispered near my ear.
Natatakot ako sa mga sinabi niya at sa maaaring mangyari sa kanya. Niyakap ko na lamang rin siya at hinagod-hagod ang likod.
THIRD PERSON POV
"Boss, bigla siyang nagtanggal ng mascara niya," pagbabalita ng isa sa mga tauhan ni Stanley sa telepono habang patuloy na sinusundan ang sasakyang kinalululanan nina Bernardo at Chezca.
"What?" Nangunot namang bigla ang noo ni Stanley na ngayo'y sakay na ring muli ng kotse niya. Nag-iisa na lamang siya dahil nagpaiwan na sa coffee shop ang kaibigan niyang si Zara.
"Yes, Sir. Dumaan siya sa isang restaurant kasama ang isang bodyguard niya. At paglabas nila, 'yong tunay na niyang mukha ang dala niya. Wala na ang mascara niya."
"Where's Chezca?" muling tanong ni Stanley.
"Nasa loob po ng kotse, Sir. Naaninag ko sa bintana ang pagyayakapan nilang dalawa sa backseat."
Napanganga nang husto si Stanley at tila hindi makapaniwala sa narinig. Ramdam niya ang biglaang paglagabog ng dibdib niya.
Kumuyom bigla ang mga kamao niya kasabay ng pagtatagis ng bagang niya sa galit at panibughong naramdaman.