CHAPTER 03: He Can’t See Us!

1311 Words
THIRD PERSON POV "Bernardo Salvion, also known as Badong, Sir," turan ni Kevin. Isa sa mga tauhan ni Stanley habang iniaabot sa amo ang isang brown envelop. Ibinaba muna ni Stanley sa maliit na mesa sa harap ng sofa ang hawak niyang baso ng alak bago ito tinanggap. Nasa loob sila ng kanyang silid at tanging itim na robe lang ang suot. Binuksan niya ang envelop at inilabas mula doon ang ilang piraso ng papel na naglalaman ng mga pagkakakilanlan ni Bernardo Salvion. "29 years old, born and raised in Aberdeen, Scotland," dagdag pa ni Kevin. "Nag-iisang apo siya ni Mr. Fausto Salvion. Sina Felipe Salvion at Bonnie Ramos Salvion ang mga magulang niya na namatay sa isang m******e sa Aberdeen Scotland, anim na buwan pa lang ang nakalilipas." Nangunot ang noo ni Stanley sa huling narinig, lalo na sa magkaibang mukha na nasa larawan ni Bernardo Salvion. "m******e?" ulit niya. "Do you have any details about it?" "Wala pa, Sir," sagot ni Kevin. "Pero kung gusto niyo, hahalukayin ko rin ang tungkol dyan." "Find out everything," mariing utos ni Stanley. "Siguradong may kinalaman na naman 'yan sa maruruming gawain ng Fausto Salvion na 'yon. And who's this ugly one in the photo?" patungkol niya sa isang larawan na malayo sa mukha ni Bernardo Salvion. "Siya rin po si Bernardo Salvion, Sir," sagot ni Kevin. "What?" Mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay ni Stanley. "Yes, Sir." "I don't understand. Explain." Umupo si Stanley sa sofa. Ibinaba niya ang brown envelop at mga papel sa coffee table bago muling dinampot ang baso ng alak at inisahang lagok. "Kahapon ay naganap ang masinsinang pag-uusap at kasunduan tungkol sa kasal nina Ms. Chezca at Badong sa isang pribadong silid sa lugar ng mga Mendoza," paliwanag ni Kevin. Tumango-tango si Stanley. Hindi na kataka-taka pa para sa kanya ang malaman ng mga tauhan niya ang mga nangyayari sa loob ng tahanan ng mga Mendoza, dahil sa dalawang tauhan niyang nagtatrabaho sa mga ito para bantayan si Chezca at ang pamilya nito. "Ipinakilala ni Mr. Fausto si Badong bilang nag-iisang apo niya," patuloy ni Kevin. "At nasambit rin niya sa pagpupulong na 'yon ang tunay nitong pangalan, Bernardo Salvion. Pero nasa ganyan na siyang hitsura. Hindi nila inilabas ang tunay nitong mukha. Hindi rin napag-usapan ang tungkol doon." "Baka naman nagbago na talaga ang hitsura niya ngayon," ani Stanley. "Hindi po ako sigurado, Sir. Pero ayon sa mga kasama kong natatrabaho sa mga Mendoza, may kakaiba raw po sa mukha ni Bernardo." "Ano'ng kakaiba?" Muling nangunot ang noo ni Stanley habang nakatitig sa tauhan. "Parang hindi raw po totoo." Sarkastikong natawa si Stanley. "Alamin mo kung paano siya nakalabas ng Scotland, and why he’s been hiding his real face. I want every detail about his parents’ deaths, too.” "Masusunod, Sir." Agad na tumango si Kevin. “By the way, Sir… ayon kay Alan, maaga raw pong sinundo ngayon ni Badong si Ms. Chezca. Mukhang makikipagkita sila sa wedding planner nila." "Sino raw ang wedding planner nila?" tanong pa rin ni Stanley kahit may hinala na siya. "Si Ma'am Queenie po." Tumango-tango si Stanley. Si Queenie ay isa sa mga kaibigan ni Chezca at asawa naman ng panganay nilang kapatid na si Skylight. “Follow them, and report back to me immediately,” muli niyang utos sa tauhan. "Yes, Sir." Muling tumango si Kevin at lumabas na rin ng silid niya. Matapos namang uminom ng isa pang baso ng alak si Stanley ay tumayo na rin siya at pumasok sa loob ng banyo. Hinubad niya ang robe niya at nagmadali sa paliligo. ***** Chezca Mendoza Nakarating kami sa isang coffee shop sa Quezon City, na hindi gaanong matao. Sa isang sulok kami pumwesto ni Badong, sa hindi ganun kaliwanag, at siya ang pumili niyon. He was now wearing a baseball cap and tinted sunglasses. Naiwan naman na sa labas ang mga bodyguard niya. Pumili na muna kami nang makakain at ibinigay sa waiter. Habang naghihintay ay muli kong pinagmasdan ang hitsura ni Badong, na hindi ko na gaanong makita ngayon dahil sa sunglasses at cap niya. Parang umiiwas rin siya sa mga maliliwanag na lugar. Itinatago ba niya sa akin ang tunay niyang hitsura? "Nakatitig ka na naman sa akin," he said with a grin. Ramdam kong nakatitig rin siya sa akin ngayon kahit hindi ko gaanong makita ang mga mata niya. “Careful—you might fall for me too early like that.” Ngumiti rin ako. “I don’t think there’s anything wrong with that," sagot ko naman. "After all, we’re getting married.” Siguro, kailangan ko munang pag-aralang makuha ang loob niya, para masabi niya sa akin anuman ang sikretong itinatago niya. Mas lalo namang lumapad ang ngiti niya. “Do you think you could really love me like this? Balita ko kasi, may ibang lalaki ka raw gusto?" "Sino naman ang makating dila na nagsabi sa'yo niyan?" agad kong tanong. “Your grandfather.” Napabuga ako ng malakas na hangin at napasandal sa silya. "Wala na talaga akong naitago sa matandang 'yon." Bigla siyang tumawa ng malakas. "Totoo," dagdag ko. "Lahat ng galaw ko ay pinakikialaman niya. Wala akong kalayaan." Tumigil siya sa pagtawa, hanggang sa sumeryoso siya. “I feel like I’m trapped in a cage with my family," patuloy ko. "Like a robot, following every order, every decision they make... Kapag nagpakasal kaya tayo, matatahimik na kaya siya?" Ngumiti siya ng bahagya. “I can talk to your grandfather about that," sagot niya. "Ayoko rin naman na makikialam pa sila sa atin, gayong may sarili na tayong pamilya... Maybe he just wants what’s best for you.” "I don't think so." Nagkibit-balikat na lamang ako. "Maipapangako mo ba sa akin na liligaya ako sa piling mo? Gusto kong maging tapat tayo sa isa't isa. Nakapagdesisyon na rin naman ako. We’re getting married, no matter what happens.” Muli siyang ngumiti, at ramdam ko na naman ang pagtitig niya sa akin sa kabila ng madilim niyang sunglasses. Natigil lang kami sa pag-uusap nang bumalik na sa amin ang waiter at inilapag sa table namin ang mga order namin. Coffee and a slice of chocolate cake for me. Kay Badong naman ay black coffee at banana muffin. “Thank you,” I said to the waiter. “You’re welcome, Ma'am. Enjoy your meal," aniya, at umalis na rin. Hinubad ni Badong ang baseball cap niya, kaya naman kuminang na naman sa harapan ko ang ulo niyang napakakinis. Nanatili naman sa mga mata niya ang sunglasses niya. Nagsisimula pa lang kaming kumain nang mapahinto ako sa lalaking pumasok sa pinto nitong coffee shop, na may kasamang isang magandang babae. Bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang humintong bigla ang paghinga ko. Stanley? What the hell? What was he doing here, and who was the woman with him? Nakahawak pa siya sa baywang! Sa dinami-dami ng coffee shop dito sa buong lungsod, dito pa talaga kung saan din kami naroroon?! “Is something wrong?” tanong ni Badong, na ikinalingon ko sa kanya. Lumingon din siya kaagad sa may pinto, at napahabol ng tingin kina Stanley at sa babaeng kasama nito. “Do you know them?” he asked before looking back at me. “Ah, no,” I quickly shook my head. Yumuko ako kaagad sa pagkain ko at nagpatuloy. "Akala ko lang kanina kilala ko. Ibang tao pala." "Hmm." Ngumiti naman siya at nagpatuloy nang muli sa pagkain. Pasimple kong sinulyapan muli si Stanley. Nagtungo sila sa isang bakanteng table na medyo malapit sa amin. Ipinaghila pa niya ng silya ang babae, at inalalayang makaupo. Tangina! Ang gentleman niya sa iba. Sino ba 'yang babae na 'yan? Mas maganda naman ako dyan! Damn it! Hindi niya ako pwedeng makita dito, at lalong hindi niya pwedeng makita ang fiancé kong kalbo! Siguradong pagtatawanan niya ako! Bwisit na buhay 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD