“Magandang gabi po, sir.” Binati ako ng mga gwardiya at mga kasambahay nang pumasok ako sa loob ng compound pero hindi ko sila pinansin. Masyado akong pagod at wala sa mood para sumagot. Hinubad ko ang suot na coat at inabot ‘yon sa isang maid. Mabilis nitong tinanggap habang nanginginig ang mga kamay. Hindi ko na ‘yon pinansin. Pagpasok ko sa loob agad kong nakita ang mga tao sa living room at doon tuluyang sumabog ang inis ko. “What the hell!” I shouted in annoyance. Nakakalat sila sa mga sofa, kumakain at naglalaro ng video game na parang kanila ang bahay. Ang buong living ay magulo, punô ng mga bote at pagkain na nakakalat sa sahig. “Welcome back, Boss Zayn!” sabay-sabay nilang sigaw. I scoffed. “You guys are fvcking damn annoying,” sabi ko bago umakyat sa hagdan. Narinig ko p

