Chapter 4: First Day

987 Words
“Ano bang problema mo? Nakikipagkaibigan lang naman siya sa akin!” sigaw ko pero bigla akong hinawakan ni Zayn sa leeg. “Huwag na huwag mo akong tataasan ng boses ulit. Ako lang ang may karapatang kumausap sa ’yo, hindi kung sinu-sinong lalaki,” galit niyang sabi bago binitiwan ang leeg ko. I dropped to the floor, coughing violently. Bigla akong napamulat ng mata at tumitig sa madilim na kisame. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa habang inilalagay ang kamay sa dibdib. Panaginip lang ‘yon, o baka trauma na patuloy akong binabagabag. Tumunog ang alarm ko dahilan para mapatalon ako mula sa kama nang maalalang first day ko ngayon sa bagong trabaho. Nang maalala kung sino ang magiging boss ko. Nawalan ako ng gana. “You mind if I drop you off at your workplace?” tanong ni Brayden. I simply nodded. Sinabi ko sa kanya kahapon na may trabaho na ako. Tuwang-tuwa si Brayden kaya maaga siyang pumunta ng bahay para maihatid ako. “Where is little Klea?” he asked, glancing around. “Nauna na siyang pumasok sa school,” sagot ko. “Halika na, baka ma-late ka pa sa first day mo.” Sabay kaming sumakay sa kotse. Tumingin ako sa labas ng bintana habang pinapaandar ni Brayden ang makina. My mind was crowded with thoughts, each one heavier than the last. Ayaw ko talagang magtrabaho para sa lalaking 'yon. Gusto ko sana sa restaurant lang pero kulang ang sahod. Ngayon namang may opportunity na ako sa isang kumpanya, saka pa ang boss ko ay ang bangungot ng buhay ko. How was I supposed to survive working under him? “May iniisip ka?” Ngumiti ako nang pilit kay Brayden, sinusubukang magmukhang okay kahit hindi naman. Hindi ako marunong magpanggap. “May problema ba, Sera? Hindi ka ba masaya na nakuha mo ‘yong trabaho?” tanong niya habang nagmamaneho. “Ayos lang ako,” sagot ko at nag-iwas ng tingin. “Okay.” Bumalik ang mga mata niya sa daan. Alam kong hindi kumbinsido si Brayden pero hindi na siya nagtanong pa. “I think we’re here,” he announced. Bumalik na naman ang pakiramdam na 'yon sa aking dibdib. Ang mabigat at nakakasakal. Parang unti-unti akong pinapatay sa loob at labas. “Natatakot ako,” amin ko habang nakatingin sa matayog na gusali. “Hindi ka dapat matakot,” pagpapakalma ni Brayden pero hindi tumalab sa akin. Huminga ako nang malalim bago bumaba ng kotse. Sumunod siya. “Damn, girl, that dude must be insanely rich to own a company like this,” manghang sabi ni Brayden. Napangiwi ako dahil nakakatawa para sa akin ang sinabi niya. Zayn was rich beyond imagination. Naalala ko noong kami pa, maraming babae ang naiinggit sa akin dahil araw-araw nito akong inilalabas. Pero kung alam lang nila ang pinagdadaanan ko noon. Isang malakas na busina ang nagpatigil sa amin. Isang Lamborghini ang pumasok sa compound kasunod ang dalawang Lexus. Nagmadaling lumabas ang mga lalaki para pagbuksan ito ng pinto. He stepped out like a king, adjusting his suit. Napayuko ako at napalunok sa kaba habang pinapanood siya. Nakasuot ng black suit si Zayn. Lumingon siya sa akin at ngumisi pero agad nandilim ang mukha niya nang makita si Brayden sa tabi ko. “May nagawa ba ako sa lalaking ‘to?” bulong ni Brayden sa tainga ko habang nakatingin kay Zayn na masamang nakatitig sa kanya. “Okay, it’s better I go. See you,” sabi niya at mabilis na bumalik sa kotse. “Bye,” pahabol na sabi ni Brayden sabay flying kiss. Napatawa ako at mukhang lalo lang ikinagalit 'yon ni Zayn. Nang tuluyan nang umalis si Brayden, tumingin ako kay Zayn. He was staring at me with that familiar expression. He was angry. Ilang segundo niya akong tinitigan bago tumalikod at naglakad papasok ng building, kasunod ang mga bodyguard niya. Napabuntong-hininga ako bago sumunod. Pagpasok ni Zayn ay agad yumuko ang lahat ng staff. “He’s so cute,” someone whispered. “Ang swerte ko, nakita ko na ang hubad niyang katawan.” Napahinto ako sa huling narinig. He sleeps with his workers? My chest tightening as I walked behind him. I rubbed my sweaty hands together, breathing heavily before pushing the door open. Umawang ang labi ko nang makita ang loob. Ang ganda ng opisina. “You were late.” Gulat akong napalingon dito. Prenteng nakaupo sa swivel chair si Zayn. “Sabay naman tayong dumating, hindi ba?” sabi ko. Umiismid si Zayn at lumapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa dumikit ang likod ko sa pader. Ikinulong niya ako roon. Napatingin na lang ako sa sahig at hinihiling na sana ay bumuka ito at lamunin na lamang ako. Naiinis ako sa posisyong kinatatayuan namin. Inangat niya ang baba ko para mapatingin ako sa kapansin-pansin niyang asul na mga mata. “What the hell are you wearing?” he asked calmly. Kumunot ang noo ko, hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang kamay niyang gumagalaw papasok sa loob ng palda ko. “A-ano ang ginagawa mo, Zayn?” I stuttered fearfully. Hindi ko na siya itinulak palayo dahil alam kong wala ring mangyayari. “I’m trying to prove to you that this skirt is too short. I can get my hand in anytime I want, so next time wear something more decent. Ayaw kong may ibang lalaking tumitingin sa kung ano ang akin,” sabi niya habang nakangisi. “Ang bango mo pa rin, Sera.” Inamoy niya ang buhok ko. Galit ko siyang itinulak palayo. “I’m here to work as your secretary. I’m not here for romance,” matalim kong sabi. Napatawa siya. “Hindi pa nga nagsisimula ang totoong romance,” sagot niya na may ngisi sa labi. Napabuntong-hininga ako. Alam kong masamang ideya 'to. “Get me coffee,” he ordered as he sat back down in his chair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD