Chapter 3: His Secretary

720 Words
“Who is he?” kalmadong tanong ni Zayn pero ramdam ang panganib sa tono ng kanyang boses. I didn’t want to answer him, but I knew better than to stay silent. “Kaibigan ko siya,” sagot ko, at tinaliman siya ng tingin. Lumipat ang mga mata niya kay Brayden na naguguluhan. “Sino siya?” bulong ni Brayden sa tainga ko. Nakita kong kinuyom ni Zayn ang kamao. Puno ng galit at poot ang mga mata pero may mapanganib na ngisi sa kanyang labi. “W-what the hell are you doing here?” nauutal kong tanong. Tumunog ang cellphone ni Brayden at sinagot niya ito. I watched him talk, not wanting him to leave. Kahit papaano mas hindi awkward kung nariyan siya. Ang manatili mag-isa kasama si Zayn ay parang death wish at ayaw kong mangyari 'yon. “Sera, kailangan ko na umalis,” sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang hinawakan sa kamay na ikinagulat niya. Zayn scoffed angrily at the gesture. “Please, huwag kang umalis,” sambit ko. Napangiti si Brayden nang bahagya. “You have a visitor, I guess, so you won’t feel lonely,” he said. Kailangan ko ng kasama sa tabi ko. Ayaw kong manatili kasama ang halimaw na nakatayo sa harap ko. “Bye, sweetie,” sabi niya, sabay halik sa noo ko. Napasinghap si Zayn nang malakas at napatingin si Brayden sa kanya. Dahan-dahan akong umatras habang lumalabas si Brayden. Sinubukan kong tumakbo papunta sa kwarto pero hinuli ako ng isa sa mga gwardiya ni Zayn. “Get your hands off her!” sigaw ni Zayn. Agad namang bumitaw ang gwardiya sa pagkakahawak sa akin. ‎“Trying to run away from me again?” he asked teasingly. ‎I swallowed nervously. Umupo siya sa sofa na parang boss. “Hindi ako magtatrabaho sa ‘yo kung 'yan ang pinunta mo dito,” sabi ko. Ikiniling niya ang ulo at pinagmamasdan ako nang may kakaibang ngisi. “Nasa ospital ang nanay mo ngayon. Sa tingin mo ba magiging masaya siya kapag nalaman niyang nagkaroon ka ng pagkakataong iligtas siya?” Nanlaki ang mga mata ko, hindi lang dahil sa sinabi ni Zayn kundi dahil alam niya ang tungkol sa nanay ko. I realized he was going to use that against me. “Huwag mong isama ang nanay ko dito!” sigaw ko. He looked momentarily surprised. While we were dating, I had never raised my voice at him. Ang makita ako sa ganitong estado ay lalo lamang nagpatindi ng ngisi ni Zayn. “You’ve grown bolder than I thought, Sera,” umangat ang sulok ng kanyang labi. Tinitigan ko lang siya. “Binigyan ka ng doktor ng isang buwan para bayaran ang gamot niya. Tatlong linggo na ang lumipas. But if you agree to work for me. I’ll pay for your mother’s treatment in advance before your salary,” dagdag niya. Nanlaki uli ang mga mata ko. I searched his face, trying to see if he was sincere. “Tawagan mo ako kung interesado ka. I’ll give you until 3 p.m. to think,” he added. It sounded less like an offer and more like a command. Tumingin ako sa orasan sa dingding at napangiti ng bahagya bago muling tumingin sa kanya. Alas-dos na. Hindi naman siya basta-bastang aalis kung tatanggihan ko. Isa lang itong paraan para pilitin ako. “Alas-dos pa lang,” sabi ko. “Pwede mo namang gawin ang desisyon mo ngayon,” sagot ni Zayn. Napabuntong-hininga ako. Mapanganib ang magtrabaho kay Zayn at ayaw kong maging biktima. Nakakatakot siyang boss, pero mas mahalaga ang buhay ng nanay ko. ‎“I’m leaving,” he said, standing up. “Sandali,” marahang tawag ko. Nakangising humarap siya sa akin. “S-sige… papayag na akong maging s-secretary mo,” sabi ko sa wakas. A wide smile spread across his face, clearly pleased. ‎“You made a good decision, Sera.” Agad akong napaatras nang humakbang siya papalapit sa akin. Napailing si Zayn at huminto. ‎“Come early tomorrow, or you’ll be punished,” he added with a wink. ‎I swallowed nervously as he walked out, his guards following behind him. Napabuntong-hininga ako at umupo sa sofa at tumitig sa kawalan. “Sana tama ang ginawa kong desisyon,” bulong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD