“Late na tayo sa business date,” sabi ni Zayn habang nagmamadali kaming naglalakad papunta sa kotse. I scoffed at his tone. “Why didn’t you remind me?” dagdag niya, halatang iritado. “Excuse me? Dalawang beses kitang pinaalalahanan,” sagot ko. Mabilis na binuksan ng dalawang tauhan niya ang pinto ng kotse para sa amin. Sabay kaming sumakay. Hinubad ni Zayn ang kanyang suit jacket at kinuha ang cellphone mula sa bulsa. “Damn it, 1:30 p.m. na,” he growled. “Can you drive any faster?” sigaw niya sa kawawang driver na agad namang nagdagdag ng bilis. “Kailangan mo ba talagang ibuhos ang galit mo sa inosenteng driver?” bulong ko. Narinig niya ‘yon. Lumingon siya sa akin at napakagat ako ng labi na parang walang sinabi. “Siguro dapat sa’yo ko na lang ibuhos,” sabi niya habang lumalapit.

