MALAPAD ANG ngiti ni Cadence habang binagabgtas niya ang daan patungo sa private room ni Aga. Ngayon ang araw ng pag-dsicharge nito sa ospital. Isang linggo pa ang tinigil nito roon upang masigurong magaling at maayos na ang mga sugat na dulot ng tama ng baril sa katawan nito. High waist skirt at puff sleeves croptop na kulay mint green ang suot niya na tinernuhan lang niya ng flat sandals sa paa. Hinayaan lang niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok saka naglagay ng hairclip. Light make up lang ang nilagay niya sa kaniyang mukha upang magkaroon lang ng kaunting kolorete iyon. Napangiti siya nang matamis sa dalawang guard na siyang nakatayo sa labas ng kawarto ng kaniyang boyfriend habang siya ay may dalawa ring body guard na palaging kasa-kasama kahit saan man siya magpunta. Awtomatik

