HINDI ALAM ni Azariah kung bakit pero tila kanina pa hindi mapakali si Aliona sa backseat. Nagkatinginan silang dalawa magkasintahan at sa pamamagitan noon nakapag-usap. Nakuha naman ni Von ang nais niyang sabihin kaya naman lumingon siya kay Aliona na panay ang tapik ng mga daliri sa cellphone nito. Tila may hinihintay itong tawag or text. Hindi siya sigurado. "Ayos ka lang, Aliona?" tanong niya. Tiningnan muna siya nito saka pilit na ngumiti. "Oo naman!" "Gusto mo ba magbanyo muna? Parang naiihi ka na hindi malaman." Lalo itong ngumiti sa kaniya. "Ano ka ba? Ayos lang ako. Don't mind me," Tumango ba lang siya. Sa paglingon niya sa harap ng kalsada, awtomatikong tumaas ang isang kilay niya. Nainis siya sa sarili dahil kailangan pa niyang makipag-plastikan dito. Hindi siya nakakaramd

