WALANG TIGIL sa pag-iyak si Azariah habang tinitingnan ng family doctor nila ang kaniyang pinsanna ngayon ay wala pa ring malay. Nasa emergency room sila at naisugod na si Cadence dahil nawalan ito ng malay kanina. "Hija tumahan ka na. Walang may gusto ng nangyari," wika ng daddy ni Cadence na ngayon ay nakaharap sa kanila ni Aliona. Panay naman ang haplos ng huli sa kaniyang likod at pilit na pinakakalma siya. "Iyan nga rinpo ang sinasabi ko sa kaniya kaso na-guguity po kasis iya." "Naiintindihan ko pero gusto ko lang sabihin sa inyo na hinid kami galit ng tita Cathy ninyo. Sa totoo lang ay nagaalala rin iyon sa inyo lalo na sa iyo, Azariah. Alam namin na sobra kang na-guguilty sa mga pinaggagawa ng mommy mo pero hindi mo dapat akuin ang mga iyon. Wala kang kasalanan." Tiningnan niya

