NAGISING ANG diwa ni Cadence na nasa loob siya ng pribadong ospital. Amoy pa lang ay alam niyang tama ang kaniyang hinala. Napangiwi siya nang maramdaman ang pagkirot ng kaniyang likod ng ulo. Nang hawakan niya iyon ay natigilan din siya nang maramdaman ang bukol. Inisip niya nang mabuti kung ano nga ba ang nangyari sa kaniya at bait siya nagkaroon ng bukol. Pumikit isya at nang maalala ang usapang nina Aliona at Azariah na dahilan kung abkit sumakit ang kaniyang ulo, napadilat siya sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok doon ang mga pinsan. Si Aliona ang nauuna at si Azariah nman ang nagsara ng pinto. Natigilan ang dalawa nang makitang gising an siya at nakatingin sa mga ito. Wala sa sariling napaatras si Cadence ng pagkakaupo sa kama. Hindi niya alam kung bakit ngunit gumapang ang

