"ANAK, SIGURADO ka ba na maayos na ang pakiramdam mo?" Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ng mommy ni Cadence habang hawak-hawak nito ang kaniyang mga kamay. Nasa sala sila ngayon at kadarating lang nila mula sa ospital. Nandoon din ang kaniyang nobyong si Aga pati na ang mga pinsang sina Aliona at Azariah. Nakaupo siya sa sofa habang ito naman ay nasa wheelchair. Nasa likod nito ang daddy niyang nakikinig lang sa usapan nilang mag-ina. Tumango siya. "Opo, mommy." Tumingin pa siya sa kaniyang daddy. "Hindi naman po papayag si daddy na umuwi ako kung alam niyang hindi pa po ako okay." "Kung ganoon, magpahinga ka na pagkatapos nating kumain ng tanghalian. Nagpaluto ako ng paborito mong ulam na ginataang alimasag." Napangiti siya. "Wow! Thank you, mommy!" Niyakap niya ang ina sa labis

