NAPATAYO SI Cadence nang makita niyang pumasok ng bahay nila si Azariah kasama si Von. Magang-maga ang mga mata nito at pulang-pula ang mga iyon pati na ilong. Magkahwak ng mga kamay ang dalawa na lumapit. Binuka ng mommy ni Cadence ang mga vraso upang salubungin ng yakap ang pinsan niya na kaagad namang umiyak ito dito. "Tita," anito. Panay ang hagod ng kaniyang ina sa likod nito. Nakaramdam siya ng awa para dito. TIla napakahirap ng pinagdaraanan nito sa sarili nitong ina. "Tumahan ka na. Wala na ang mommy mo. Umalis na siya." HInawi nito ang buhok nitong nakaharang sa mukha ni Azariah. "pMagpahinga ka na muna siguro." Lumingon ito kay Von. "HIjo, salamat sa pagsama mo kay Azariah." "Wala po iyon, mommy. Obligasyon ko po na damayan siya sa oras na kailangan niya ako." Ngumiti ang

