SUOT ANG KULAY itim na croptop at pantalong maong, bumaba ng hagdan si Cadence. Ngayon ang araw kung saan sila babyahe patungong Batangas. Naabutan niya sa sala ang mga magulang pati na ang mga pinsang sina Azariah at Aliona na kapwa naka-dress na itim. Namataan niya s Aga na may kausap sa cellphone nito habang nakatayo sa pinto. Nang malingunan siya nito ay kaagad na tinapos ang tawag saka nilagay ang cellphone sa sariling bulsa. Sinalubong siya nito at nilahad ang kanang kamay. Tinanggap niya iyon saka sila kapwa lumapit sa mga magulang niyang nasa kaniya ang paningin. Mabigat ang pakiramdam niya ngunit hinayaan na lang niya at di pinansin. Marahil ay dahil sa kaalamang may namatay silang kamag-anak. "Hindi ko alam na babalik tayo sa Hacienda Aitana na may burol ulit na pupuntahan," m

