NAKAHANAP NG hotel na tutuluyan sina Azariah, Aliona at Von sa malapit lamg sa ospital kung saan nila dinala si Cadence. Hindi na siya umiiyak dahil pakiramdam niya ay wala na siyang mailuluha pa. Pakiramdam niya ay sobrang pagod na pagod na rin ang katawang lupa at isipan niya Kanina pa siya nakaupo sa gilid ng kama habang nakatulala lang kung saan. Lumilipad ang isip niya dahil sa bilis ng mga pangyayari. Si Aliona, nasa kabilang side ng kama at nag-cecellphone. Kapwa sila napalingon sa pinto nang may kumatok doon. Ito na ang tumayo upang tingnan kung sino ang nasa labas. Sumilip si Von sa kwarto nila saka tinaas ang dalawang plastic bag na may lamang pagkain. "Dinner." Nilakihan ni Aliona ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ang binata. Dumiretso ito sa mesang naroroon saka nil

