Chapter 16 Napapalunok na napatitig ako sa kaniya. Nang mahimasmasan ay napataas ako ng kilay ng wala sa oras at ibinaba ang t-shirt na bahagyang naka-angat. Bumalik ito sa pagkakaluhod sa harapan ko ilangs andali dala ang pamalit sa bandage at ilang piraso ng bulak at betadine. "Matulog ka na," mahinang anas ko. Nakatitig lang ito sa t-shirt kong nakababa na. "I'm going to change it first." Pursigidong ani nito at itinaas nga ang t-shirt ko. Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siyang linisan ang sugat ko at palitan ng bandage. Nang matapos ito ay tumayo na ako habang nagliligpit ito sa may paanan ko. "Matutulog na ako." Pagpapaalam ko s kaniya habang nagliligpit ito at tila walang naririnig. Napataas ang kilay ko sa pagka-oa nito. "Aalis ako bukas." Doon n ito napa-anagat ng

