Chapter 15 Queen of couches na yata ako nang ika-reer ko ang pagtulog sa salas matapos kong mag walk out sa harapan niya. Inamin kong naisip ko nang posibleng alam ni papa at hindi malabong hindi niya alam at kakampihan niya talaga nag naka niya. Hindi ko naman ini-expect na totohanan pala. Medyo na hurt naman ako. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil sanay na rin naman ako. Nasanay nalang din akong masanay sa hirap na nakasanayan ko. Ang gulo man pero iyon ang totoo. Minsan kasi, mas mainam nalang na masanay ka kaysa sa paulit ulit na manibago ang sarili mo hanggang sa hindi mo na makontrol. Mabuti na iyong alam mo na. Na nakasanayan mo na. Hindi na bago sa 'yo. Immuned ka na sa sakit na dulot. Itinalikod ko talaga ang sofa sa pagkakaharap nito sa kwarto niya at nakaharap na

