Chapter 14 Nakalabas na si Inx ng kwarto habang sinusundan ko ito ng tingin. Mariin at pailalim ang titig ni papa sa kaniya habanga ng step sister ko naman ay tila nakatitig sa akin. Hindi ko nalang ito pinatulan nang pag-ikutan ako nito ng mata. Isip bata. Tumagilid nalang ko sa gawi nila at naloloka lang ako sa panghuhula kung anong pinag-uusapan nila sa pagbabasa ng bawat pagbukas ng bibig nila. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang makarinig ako ng tikhim at tunog ng takong. I rolled my eyes at umupo sa kama at hinarap siya ng may pagod na tingin. Dahil ang totoo, napapagod na talaga ako sa mukha niya. Kulang sa pansin! "Ano na naman?" Napabuntong hininga nalang ako habang ito ay umupo sa couch na nakaharap sa comfort room, dahilan para makita ko ang likuran nito dahil sa su

