"Hindi, ayos na naman ako. May tinutuluyan na naman ako para sa ngayon." "-oo" Tinawagan ako ni Gina, isa sa mga naging kaibigan ko sa tinatrabahuan kong fast food chain. Nag-alala daw ito sa akin nang makita sa balita ang pag-demolish ng lugar namin na siyang tinitingnan ko ngayon sa telebisiyong nasa harap ko. Nasa kusina pa din ang haliparot at iniwan ko nang tumawag sa akin si Gina. Nahiya naman kasi akong ipakita ang cellphone kong nalipasan na ng panahon habang nakalantad sa harapan ko ang cellphone niyang may kagat na mansanas sa likod. "Sige,bye." Hindi ko na napansin ang huling sinabi niya at nagpaalam na lang sa kanya. "Kain na!" Napabuntong hininga nalang ako bago huling sinulyapan ang t.v ng lalaking haliparot bago nagpunta ng kusina. "Ano 'yan?" Nakakunot ang noo kong

