Mas maaga pa sa inaasahan ko ang pagdating ng mga in-order niya. Saktong papaluin ko na sana siya nang may mag-door bell sa unit niya. Kaagad naman akong tumayo at pinamulahan nang mapansin nakabukaka pala ako paharap sa kaniya nang hindi ko nalalaman dahil sa kagustuhang mapalo siya. Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Kaya pala kahit na papaluin ko ito ay hindi mawala-wala ang ngisi nito sa labi! Pinukol ko ng masamang tingin ang likuran nitong papunta sa pintuan niya para pagbuksan ang delivery. "Ang haliparot!" Nakaupo na at nakasubo na ako ng pagkain na binili niya 't lahat lahat ay masama pa din ang timpla ko. Natatawa naman ito sa hitsura kong magkatagpo ang kilay at inis na sumusubo. Inabot nito ang milk tea at tinusok ng straw ang ibabaw niyon bago inilagay sa harapan ko.

