Walang imik kaming nakarating ng bahay ko-paupahan pala.
Muntikan pa ngang mapaaway ang isang 'to dahil bagong mukha sa ilang tambay sa looban. Buti nalang at nadala naman sa pakiusap ang iba.
Mukhang wala din namang balak na gumanti o makipag-basag ulo itong isa na nakatayo lang doon at malayo ang tanaw.
Nang buksan ko ang tinitirhan ko ay mabilis akong pumasok at linapag sa ng-iisang upuan ko ang bag na dala at hinubad ang sapatos.
Mabilis akong nagpunta ng kusina at hinayaan nalang ang isa sa kung ano man ang gagawin niya.
Nakapag-pack an din kasi ako ng ibang dadalhing gamit at kaunti lang naman 'yon, nasa sala at makalat.
Wala na akong pakialam sa sasabihin niya sa 'kin.
"Where are you going?" Liningon ko siya ng bahagya sa balikat ko at ibinalik ang atensiyon sa pagtitimpla ng inumin niya.
"Maglilipat." I answered after finishing his drink.
"Oh."
Gulo man ay tinanggap niya ang bigay kong baso.
I sighed and stopped walking to look at him in my back.
"Wala akong malilipatan," mabilis na amin ko.
Napakurap lang ito sa 'kin habang hawak sa kabilang kamay ng baso at ang isa ay nilalaro ang susi niya. Nakahilig sa dingding na nagahahati sa kusina at salas na walang laman.
Napaangat ko ng tingin nang magpatay-sindi ang ilaw.
Pundido na pala.
Pagod kong ibinalik ang paningin sa kaniya. Nakatutok ang mga mata nito sa akin na para bang isa akong pagsusulit na hindi niya masagot-sagot.
"So, where are we gonna live now?" litong tanong niya.
I grimaced. Ano bang tamang salita na para hindi niya ma-misinterpret ang sasabihin ko?
"Ano kasi..." Kamot ulong sabi ko.
"I-ahm..." Nakataas ang kilay nito nang masalubong ko ang mukha nito.
"You need a house to live on...right?" hula niya at ikiniling ang ulo sa kabilang bahagi at pinatunog ang dila.
Mapaglarong inusli niya ang labi. "So...do you wanna live with me now?"
Mariin akong napapikit. Pilit na pinapakalma ang sarili. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong nito hindi na ko mag-aabalang manghingi sa kaniya ng matutuluyan!
"You have your father-" mabilis pa sa alas kwatrong nagmulat ako ng mata at inirapan siya-"you can live with him...and by that, my task is done. Then everybody will be happy!" He said like it was the most easy way to solve my problem.
" 'wag nalang. Maghahanap nalang ako ng matutuluyan. Ikaw, umuwi ka at bumalik balik nalang para maayos mo ang pagbabantay sa akin. Hindi kita mapapakain dahil isang kain lang ako sa isang araw-"
Natigil lang ako sa pag-aayos kunyari ng mga gamit nang maramdaman ko ang masuyong paghawak nito sa balikat ko.
Inis kong pinalis iyon at hinarap siya nang mamula-mula kong mata.
Ang ayoko sa lahat ay iyong sinasabihan ako tungkol sa ama ko na parang kasalanan ko pang umakto ng ganito sa kaniya gayong siya naman talaga ang may kasalanan sa lahat ng lecheng nangyayari sa buhay ko.
"S-Sorry. I-I didn't mean to upset you," he stuttered and pain was evident in his face.
Napayuko nalang ako nang mag-sink in na sa akin lahat.
Mag-isa nalang ulit ako.
Mag-isa nalang talaga ako.
Hindi na ito tulad ng sinabi ng asawa ng biological father ko noon na balang araw magiging mag-isa ako at kawawa.
Mukhang nagkatotoo din ang sinabi ng anak nito na wala na akong patutunguhan.
Na mababalot ako sa lungkot at hirap buong buhay ko.
Hindi ko man lang naramdamang hinapit na pala ako nito at dahan-dahang yinakap.
I cried more when suddenly I felt an instant home.
Kasi ang bahay, alam mong walang mangyayari sa'yong masama. Kumbaga alam mong safe ka. Kumportable ka. Biglang makakapagpahinga.
Iyong lungkot mo biglang mababawasan. Iyong pagod biglang darating pero hindi na masyadong mabigat.
It just feels awesome.
Nang mawala si mama ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa susunod pero nang dumating ako sa puntong may nakilalang tila alam nito ang sakit na nararamdaman ko...parang biglang bumalik si mama.
Parang biglang bumalik lahat sa akin. Parang nagkabuhay ulit ako.
"Everything happens for a reason. And what may be your reason for hating your father...I wouldn't meddle with it. It's your freedom and that's the least thing I will meddle with."
I heard him whispered.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
"So..." awkward akong bumitaw nang magsalita na ulit ito.
Napatingin pa ako sa damit niyang may kaunting basa dahil yata sa ilang patak ng luha na hindi ko namalayang tumulo na pala.
"What are we going to do now?"
"Eat me..." Wala sa sariling naibulalas ko. Mariin akong napapikit. "Eat my puto! 'yun! Iyon 'yun!"
depensang sagot ko.
Hindi ko na naiwasan ang nakakalokong ngiti nito sa akin.
Bakit ko nga ba nasabi 'yun ng pagkalakas lakas? Napakatanga nga naman.
"Mamaya na tayo magkainan." Nakakalokong aniya.
Na-e-eskandalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Mukhang nagkaproblema ako sa tainga ko ngayon, ah.
Baka madami na akong tutuli. Wala pa naman akong cotton buds kanina. Kakaubos lang noong isang linggo at wala na akong pambili.
"Nothing. We should get faster. Tatawag nalang ako ng truck to keep this things in my warehouse," anito na parang wala lang samantalang palaki na nang palaki ang mga mata ko sa mga pinagsasabi nito.
Warehouse?!
Hinantukang binilang ko ang box na hinanda ko para sa pagliligpit ng gamit sa bahay.
Isa
Dalawa
Tatlo
Ap-
Biro lang, tatlong box! I-wa-warehouse pa niya?! Ano 'yan gold?!
Maang ko siyang tinignan habang nakatalikod ito sa harapan ko ng bahagya at may kinkausap sa telepono niyang may tatlong camera at may kagat na apple na tatak.
Ako ba ay may sira na sa ulo?
Napasinghap nalang ako at naikiling ang ulo sa kabilang bahagi. Fini-figure out at parang ayaw pa yatang i-absorb ng utak ko ang nangyayari.
O...siya ang may sira?
Mabilis akong napatakip ng bibig nang lingunin ako nito habang nasa tainga pa din ang telepono nito at bahagyang nakangiti.
Nasa Cebu lang naman ako pero bakit feeling ko nasa bansang America na ako sa may Hollywood.
Mukhang kaharap ko yata ang pinaghalong Zayn Malik, Tom Cruise at sino nga ba 'yun? Basta 'yung spiderman.
Parang painting na kung maturing ang isang 'to basta't huwag mo lang pagsasalitain at baka mahimatay ka nalang sa inis.
Worst, baka makapatay ka sa sobrang dumi ng bibig nito...
"Let's eat together?" nakangiti nitong ani pero alam kong may halong kapilyuhan 'yun.
Akala ko ba babantayan ako pero ba't feeling ko it's a prank lang?