C-3

1141 Words
"All is done." Hubad baro na ito sa harapan ko ngayon. Ngayon ko lang din kais nalaman na sira na pala ang bentilador ko. Hindi naman masyadong marami ang gamit ko para pagpawisan siya ng ganiyan. Maarte lang talaga siya. "The truck driver told me he's in the labasan already," pag-imporma pa niya sa akin habang nasa telepono ang isang kamay at ang isa ay nasa bewang. Ang yummy naman... Wala sa sariling napakagat ako sa putong nasa harapan ko. "Zone." "Hey, Zone." Napamuglat nalang ako nang maamoy ko na sa malapitan ang panglalaking amoy nito. Sa sobrang lapit, parang maiihi na ako o ano. Ang landi ha. "H-Ha?" Gusto ko namang magsalita at maraming salita ang nasa isip ko pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko. "I said, we should get this to the truck." Dahan-dahan niyang sabi sa akin. Tila nahihipnotismo naman akong tumango. "Yeah, okay." I nodded. "Ako nalang ang magbubuhat. Just eat up. You seemed hungry." He said at kumuha ng isang piraso at buong kinain iyon. Napasabay naman ako sa paglunok nito na tahasang nagpagalaw sa adams apple nito. "A-Ano..." He stopped at nagtatanong na liningon ako. "Hmm?" Hawak hawak nito ang tatlong box na magkakapatong. Mabibigat din naman iyon pero parang wala lang sa kaniya ang pagbubuhat. "Ha?" maang kong tanong. Nangunot naman ang noo niya. "You called me...right?" Nagtatakang saad nito na nagpabalik sa 'kin sa huwisyo. "Ah! Kako 'di ka kakain? Mukhang nagutom ka din..." pahina nang pahina kong sabi. He took a glance on the plate in front of me at doon ako hustong namula nang wala na palang laman iyon. Pakurot kurot lang naman ang kain ko pero hindi ko inaasahang makakaubos ako ng ganoon karami. "Wala na pala..." napapahiyang ani ko. Narinig ko naman itong mahinang napatawa. Napanguso nalang ako. "You can hand me anything mamaya." My eyes lit up. Sobrang nahihiya din kasi ako na wala akong maibigay. Siya pa ang nagligpit ng gamit ko. Nagbuhat nito. Nagtago nito. Tapos patitirahin pa ako nito sa bahay nito. Eh, ang trabaho lang naman niya ay ang bantayan ako. "Ah! Ako na bahala sa dinner? Ano ba gusto mo?" excited kong tanong. Just then, I didn't know that someone's eyes could make me shiver and something wet. Ang lagkit ng tingin. "I want gooey, wet, sweet and reddy food later," he demanded while still not taking off his eyes on me. Napalunok naman ako sa mariing titig nito. Ni ang pag-iwas ay hindi ko magawa dahil sa nakakahalinang tingin nito sa akin. "Ha?" Naguguluhan kong tanong. Dalawang uri ng pagkain ang nasa isip ko na gustong niyang ihain ko mamaya. Napalunok nalang ulit ako. "I said I want fresh pork sinigang. Don't make it too much sour. I want to taste it sweet and spicy." Napatango-tango nalang ako sa paglalahad nito ng gusto niya. Tatandaan ko 'yon. Pero may sinigang bang hindi maasim? Napatitig nalang ako sa likuran nitong papalabas ng bahay. Ang weirdo din ng isang 'yon. Saan naman kaya 'yon nakatikim ng sinigang na hindi maasim? Atsaka ano 'yung sloppy na sinasabi nito kanina? Kasali ba 'yun sa bagong sangkap ng sinigang? Hindi ko alam 'yun ah. Napapailing na nagligpit nalang ako para kapag iuuwi ko na ang susi sa may-ari ay maayos ang loob ng bahay. Hindi din naman kasi amin itong bahay gayunpaman iuuwi ko pa din ito sa may-ari kahit na ipapagiba din naman ng totoong may-ari ng lupa. Hindi ko naman maiwasang malungkot. Dito na din kasi ako lumaki bukod sa kalsada. Hindi ko maiwasang alalahanin ang mga pinaggagawa namin ni mama noong nabubuhay pa ito. Naaalala ko noong bata ako kung kayod kalabaw na ako sa pagtatrabaho para lang maipagamot si mama. Si mama naman halos ialay na ang buhay para lang mapakain ako ng masustansiya at sapat. Dahil sa totoo, ang pagkaing masusustansiya pang mayaman lang. Kapag nasa Cebu ka maswerte na kung makakakuha ka ng tirang gulay sa palengke na nagkakahalaga ng singkwenta kada tali. Oo, maliit ang singkwenta pero para sa amin ni mama pang isang linggo na naming pagkain ang perang 'yon. Bukod pa doon ay ginagawa ni mama ang lahat para mapag-aral ako kaya naman noong nagkasakit siya at hindi na makapagtrabaho hindi ko pa din binitawan ang pag-aaral ko. Iyon nalang din naman ang hiling niya sa akin pero hindi ko kinayang pagsabayin. Ni hindi ko nga kayang sabihin sa kaniya iyon noong nabubuhay pa ito. Ayokong mag-alala ito at baka bumangon pa para maghanap ng trabaho para lang maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Atsaka nasa college na din naman ako. Baka papasok nalang ako kapag nakaluwag luwag na ako. Wala sa isip ko ang humingi ng tulong sa ama ko. Hindi ko alam kung masisikmura ko ang kapalit no'n kung sakali. Knowing my father. Walang libre na salita para sa kaniya. Bigla kong naalala ang mga mata ni Inx. Masingkit-singkit ang mga mata nito, baka may lahi din itong Chinese. Hindi sa ayaw ko ng Chinoy...mas nakakaakit nga para sa 'kin ang instik ang mga mata. Hindi ko alam pero ang ganda kasing tingnan. "Zoooooone!" Nagulat naman ako nang marinig ko ang matinis na pang-lalaking sigaw ng lalaking bisita ko. Hindi ganoon katagal ang pag-uusap at interaksiyon namin pero sapat na iyon para matandaan ko ang boses nito. Mabilis kong binuksan ang pintuan at ganoon nalang ang panglalaki ng mga mata ko nang makita ko siyang tumatakbo papunta sa pintuan...or should I say, sa akin? "Inx!" Matinis na sigaw ko nang mas napalapit pa ito sa akin. Ang laking ipinagtaka ko ay kung bakit ito tumatakbo eh wala namang humahabol sa kaniya! "Inx!" napatili na ako at napapikit nalang inaantay ang masakit na pagbagsak dahil sigurado akong nakadagan ito sa akin. Tila ba nag-slow motion ang lahat nang parang nasa malambot na higaan ako nahulog. Ni hindi ko naramdaman ang pagkatumba naming dalawa. Dahan-dahan kong iminulat ang mga matang mariing ipinikit kanina. Ganoon nalang ang pag-awang ng labi ko nang malapitan kong masilayan ang mukha nitong sobrang kinis at puti! Hindi siya ganoon kaputi pero kung ikukumpara siya sa kulay kong tila morena ay mas maputi nga ito sa 'kin. Doon nalang ako napabalik sa huwisyo nang sakop na nito ang labi ko. Ni hindi ko alam kung anong i-re-react ko! Wala pa akong nahalikan liban sa mama ko. At hindi ganoong halik 'yon! Na-eeskandalong nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong tumayo at nahiya nang may ilang nakakita sa eksenang iyon at pulos pa mga nakangiti sa akin. "That's what I mean sweet and spicy." I glared at him. "Umuwi na nga tayo!" I gritted my teeth and walked away. "Yeah, let's go home." Napangiti nalang ako sa oras nang marinig ko ang sagot niya. Pilit na ikinubli kaya simangot ko siyang liningon bago padabog na tumuloy sa pagpasok sa bahay at tinapos ang gawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD