Ang laki ng simangot ko nang dalhin ako nito sa harap ng isang mataas na building.
Maganda naman...pero akala ko ba pwede ako sa bahay niya?
I mean...basta!
"Here we go." He informed nang ipinapark na niya ang sasakyan niya.
Buti nga at walang nawala na parte ng sasakyan niya nang i-park lang niya iyon sa labasan.
Ang dami pa din namang tambay doon at may sideline na pang-ca-carnap.
"Dito na?" tanong ko. Hindi naitago ang bahid ng pagkadismaya at pagtataka.
"Oo?" gulo niyang sagot. "Why?" he asked, chuckling.
"Akala ko..." I took a glance at him, naabutan ko itong nakatutok din ang mga mata sa 'kin at nasa seatbelt ang isang kamay, "wala." Sabi ko nalang.
"O-Okay..." alanganing sagot nito sa 'kin. "Let's go?" tanong nito sa akin. Doon ko lang napansin na natanggal na pala nito ang seatbelt nito.
Ngumiti ako sa kaniya at sasabay sana sa paglabas niya nang bumalik ulit ako sa pagkakaupo at pagkakasandal sa loob ng sasakyan niya.
Nakalikha pa iyon ng malakas na tunog dahilan para mapabalik ang tingin nito sa akin.
Hindi malaman kung matatawa o ano.
Inis ko naman siyang tiningnan habang sinusubukang himasin ang likurang sumakit dahil sa pagkakabalik ko sa upuan.
May foam naman kaso 'yung impact, masakit lang talaga.
"Ayos ka lang?" Hindi ko amn lang napansing nasa kabilang bahagi ko na pala siya at nakadukwang na sa harapan ko.
Feeling ko namula 'yung talampakan hanggang mukha ko dahil sa pinaggagawa ng lalaking 'to.
Na-eeskandalo ako!
"A-Ang lapit mo naman." Naging hangin nalang ang pagkakasabi ko niyon imbis na dapat na inis ang tono.
He smirked. Mas dumukwang pa ito papalapit dahilan para mas idikit ko pa ang ulo ko sa sandalan ng inuupuan.
"I'm still not that near," pang-inis pa nito sa akin. Napapikit nalang ako habang nakabaling ang ulo sa kabilang bahagi dahil sa lapit nito. Tipong naaamoy ko na ang ginagamit nito sa bibig niya.
Oo, mabango pero--
Mahigpit akong napahawak sa gilid ng inuupuan ko.
Mas inilapit naman nito ang mukha habang nasa magkabilang bahagi ng upuan ko ang mga kamay. Parang ang dating tuloy ay bihag ako nito.
Impit akong napatili nang mas lumapit pa ang mukha niya at hindi ko naman inaasahang pwede palang parang ihiga ang inuupuan ko dahilan para magmukat ako ng mata at tagpuin ang mga mata niyang seryoso na.
Ang kamay nito ay nasa bewang ko na habang ang isa ay nasa uluhan ko. Kalahati na din ng katawan nito ay nasa loob ng sasakyan.
Napakurap-kurap tuloy ako dahil sa hindi ko malaman kung anong reaksiyon ba dapat ang nasa mukha ko.
Naramdaman ko din ang mabibigat nitong paghinga. Pati yata siya ay nagulat sa nagawa ko.
Hindi ko naman maiwasang mapalunok nang tumutok ang mga mata nito sa labi ko. Wala sa sariling nakagat ko iyon at nagbaba ng tingin.
Bago pa ako nakapag-angat ng tingin ay sumalubong na sa akin ang papalapit nitong mukha at hindi na ako nagkaroon ng sapat na lakas at oras para itabig ang mukha nito.
Nanlalaking mga mata kong tiningnan ang nakapikit niyang mga mata habang magkalapat ang labi namin.
He was kissing me!
Napasinghap nalang ako nang pisilin niya ng bahagya ang bewang ko kung saan nakahawak siya kanina bago iyon ilapat sa batok ko.
Dahil doon ay nagkaroon tuloy siya ng dahilan para mas palalilmin pa ang halik niya.
I couldn't help to moan about this feeling that tickles me inside when he grabbed be by my nape to deepen the kiss.
He nibbled my lower lip and after a while binigyang pansin naman niya ang pang itaas na labi ko. Parehong binibigyang pansin niya iyon.
Hindi ko na napigilang maglumikot ang mga kamay ko na pumulupot sa leeg niya. Naramdmaan ko naman ang bahagya nitong pag-ngiti habang nakahalik pa din sa akin.
Dahil doon ay mas agresibo pa niya akong hinalikan. Sunod na pangalawang ungol ang lumabas sa bibig ko nang tuluyan na niyang binitawan ang labi ko.
Nakapikit pa ako at nakahiga habang ang mga kamay ay nasa batok niya. Humahagilap ng hangin na tila ba naubos at hindi ko napansin kanina. At hindi ko pa mapapansin yata kung hindi niya binitawan ang labi ko.
Bahagyang nakaawang na labi niya ang sumalubong nang imulat ko ang mga mata ko sa kabila ng weirdong sensasyong nararamdaman.
Bago iyon sa akin kaya ni hindi ko alam kung paano iyon ididiskubre.
"Inx." Mahinang pagtawag ko.
He smiled at me. Caressed my hair. "Hmm?"
Napalunok nalang ako kasabay nang paglunok niya nang mapansin ko siyang lumunok.
Ang mapula nitong labi ay mas namula pa na ikinapamula ng pisngi ko.
Mamasa masa pa iyon at tila nasa matingkad na mapulang kulay.
"A-Ano..." hindi ko mahapuhap kung ano nga ba ulit ang dapat kong sasabihin.
Naningkit naman ang mga mata nitong mapaglaro kani-kanina lang.
"Ano...naiipit 'yung paa ko." Nakahinga naman ako nang maluwag at napalunok ng wala sa oras nang masabi ko iyon sa kaniya nang hindi nauutal.
"Ah-" mabilis siyang umalis sa pagkakadagan sa akin. Nakarinig nalang kami ng malakas na tunog dahilan para manlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya na hawak-hawak ang bunbunan nito.
"F*ck!" mahinang anas nito. Sapat para marinig ko. Naitakip ko nalang ang mga kamay sa bibig matapos makaayos ng upo.
Pinipigikan na marinig nito ang pagtawa o paghagikhik ko man lang.
Hindi naman iyon naging sapat nang umalpas sa bibig ko ang mahinang pagtawa dahilan para lingunin niya ako.
Nagtatampong tingin ang binigay nito sa akin bago dahan-dahan at maingat na lumabas. Hawak-hawak ang ulong nauntog.
Inayos at hinamig ko muna ang sarili bago napagoasiyahan na lumabas.
Naabutan ko itong nakasandal sa gilid ng pintuan ng kotse niya kung saan ako nakaupo. Hawak hawak pa din ang ulo.
Masakit nga yata.
Kinalabit ko siya dahilan para ilipat niya ang tingin sa akin mula sa may sapatos niya. "Ayos ka lang?"
He snickered. Ang tanga naman kasi, alam na ngang nauntog at malakas. Bakit ko nga ba tinanong kung okay lang siya?!
"Ah...hindi-" umiling iling ako-" I mean tara na para magamot ko 'yan." Tanging nasabi ko nalang.
Napaismid naman itong kaharap ko at pakamot-kamot ng ulo na isinara ang kotse.
Sumunod naman ako dito nang mauna na itong mgalakad.
"Pahalik halik pa kasi. Ang landi ayan tuloy." Mahinang asik ko at pinabuntungan ang likuran nito na nakaharap sa akin.
"Nyenye. Manghahalik tapos mang-iiwan. Gago nga talaga. Halatang hindi Cebuano. Feeling gwapo, tsk. Tapos-"
Hindi ko na namalayang nasa harap na pala ako ng elevator kung saan nasa loob siya at mariin ang titig sa akin.
"Lagot ka sa 'kin mamaya." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mabilis niya akong hilahin papasok ng elevator.
Nakakaloka! Wala sa script 'to!!