#LoveMeLikeYouDo
#SexyDance
#ZyRineForTheWin
#MagbabalikNaSiya
Nagparamdaman na si gurang! Hahaha malapit na siya bumalik in person!
Good morning btw! ???Hindi na rin ako mapakali hahaha eto na po ang pinakahinihintay ng lahat! Nagbabalik na si Skyler the Gurang!
CHAPTER 24: VACATION
[Katherine Chelsea Aguilar]
Naging masaya ang Foundation week namin. Ang dami naming napuntahang mga booths nina Charlotte at Zy. Hindi ko aakalain na magiging ganito kasaya ang Foundation namin. Kung saan-saan kami nakakapunta. Ang dami naming nagagawang kalokohan. Hindi 'yong kalokohan na may i-bubully ka. 'Yong parang naglolokohan lang katulad ng pagbabato ng water balloon sa isa't-isa. Meron kasing bilihan ng mga gano'n sa loob ng campus. Tapos eto pa. Tatapak kami sa X na nakalagay sa ground at magpapahabol sa mga COCC ('yong manghuhuli sayo) at kapag nahuli ka, ilalagay ka sa Jail Booth. Ang galing nga eh hahaha.
Lagi nga akong nahuhuli eh, deretsong Jail booth agad ako. Ang dadaya nga ng dalawang 'yon eh. Ang bilis-bilis nilang tumakbo, samantalang ako may pagkamabagal. Ayon, nahuhuli ako. Tawa sila ng tawa kapag nahuhuli ako, napapasimangot na lang tuloy ako. Lagi sila 'yong nagbabayad ng sampo sa namamahala ng Jail booth kapag nahuhuli ako, kailangan mo kasi magbayad ng sampo kung may gusto kang ipalabas na tao na nakakulong sa Jail booth.
Bukod doon, nagHorror House rin kami. Hindi siya masyado nakakatakot eh. Nakakagulat lang. Kasi may manggugulat sayo, may manghahabol pa nga sa'yo eh. Lagi na naman ako nahuhuli kaya tinatawanan ko na lamang. Ang bagal-bagal ko talaga kasi hahaha.
Tapos tuwing uwian, lagi ako binibigyan ni Zyron ng isang stem ng rosas. Tuwang-tuwa nga ako eh. Simpleng pagbigay niya lang, napapangiti na ako.
This is the best foundation ever! I'll treasure this moment.
~~~***~~~
March. Tapos na ang school year namin. Ang saya-saya ko dahil ako ang Top 1 sa klase namin. Top 2 naman si Zy. Ang tatalino namin 'no? Hahaha. Si Charlotte nga Top 2 sa klase nila eh. Parehas pa sila ni Zy na Top 2 sa klase. Masaya ako para sa kanilang dalawa.
Kasali nga kami sa Recognition eh. No'ng March 1 iyon ginanap sa gymnasium. Wala ang mga magulang ko. 'Di ba nasa probinsya sila? Okay lang naman na hindi sila makapunta eh. Mapapagod lamang sila at magsasayang ng pera para sa pamasahe. Sinulatan ko na lang sila tungkol sa pagiging Top 1 ko sa klase at 'wag na sila pumunta dito.
Sino na nga ba ang nagsabit sa'kin ng medalya? Sino pa ba? Edi ang dalawa kong aalog-alog kong pinakamamahal na kaibigan hahaha. Tawa nga ako ng tawa dahil pinagtatalunan nila kung sino ang magsasabit ng medalya sa'kin. Pati 'yong mga tao sa gym natatawa sa kanila. Parang bata hahaha. Sa huli, si Zy na ang nagsabit sa'kin. May kung ano kasing ibinulong si Zy kay Charlotte na nakapagpatahimik sa kanya at pumayag na siya ang magsabit sa akin. Ayon, masama ang tingin nito kay Zy habang sinasabit sa'kin ang medalya. Medyo nacurious ako kung ano 'yong ibinulong ni Zy kay Charlotte pero ipinagsawalang bahala ko na lang.
Nagpapicture na kami no'n sa photographer, suot-suot ang aming mga medalya. All of us we're smiling at the camera. Like its the best moment of our lives. Tapos wacky rin hahaha. Kung anu-anong pose pa ang ginawa namin. Pinilit pa nga naming 'yong photographer eh. Dapat pangformal lang kasi ang pinipicture niya. Buti na lang talaga napapayag naming sa kanya. Ayon, tuwang-tuwa kami. May remembrance na kami.
Ngayon, nasa apartment lamang kami ni Charlotte. Siya, nanonood ng t.v sa sala, habang ako naglilinis ng bahay. Wala ako magawa ngayon eh. Day off ko kasi ngayong araw sa trabaho.
"Kath, sa tingin mo kailan makakauwi si Zyron?" biglang ungkat ng usapan ni Charlotte.
"Hindi ko alam, Char. Basta ang sabi lang niya ay bago magpasukan makakauwi na siya." sagot ko sa tanong niya.
"Gano'n ba? Tsk. 'Wag na lang kamo siya umuwi dito para 'wag kumalat ang virus niya dito." naiiritang sabi ni Charlotte. Tinawanan ko na lamang siya at itinuloy ang pagwawalis.
Wala si Zyron dito sa Pilipinas. Pumunta siya sa America. Pinauwi kasi siya ng kanyang lola doon dahil namimiss daw siya nito. So, in his whole vacation, he will be staying there with his grandmother in America.
"So, Kath..." pinatay niya ang t.v at hinarap ako habang ako'y nagwawalis. "May balita ka ba tungkol kay ku- este kay Sir Clyde?" napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa biglang pagtanong niya tungkol kay Sir Skyler. Sabihin ko ba sa kanya?
Nakatingin siya sa akin ng nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay. Hinihintay ang pagsagot ko.
"Uhm..." mas lalong tumaas ang kilay niya dahil sa mabagal akong sumagot sa tanong niya.
"Uhm... oo, nakita ko siya." ani ko at biglang nagflashback sa'kin ang pagtitigan naming dalawa.
Nanlaki ang mga mata niya. "What?! Saan?!" gulat na gulat niyang sabi. Para bang may nakakagulat sa sinabi ko.
"Ano... sa mismong araw no'ng dance contest. Sa may gate ng University." saad ko.
Hindi ko pa rin makalimutan kung paano siya tumitig sa akin. Madilim ang mukha at parang galit.
"Ohh, so ano reaksyon mo no'ng nakita mo siya?" nagkibit-balikat ako. "Ewan. Medyo nagulat ako dahil ilang buwan siyang hindi nagpaparamdam at nagpapakita sa'kin." I answered her truthfully, yet meron ako hindi sinabi na totoo sa kanya.
Actually, no'ng nakita ko siya bumalik ang lahat ng mga sakit na pilit kong kinalimutan for the past few months. Sariwa pa sa'kin ang mga ala-alang 'yon.
"Hmm. Do you have any feelings for him? Or it worn out already?" aniya. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ayoko. Wala na ako nararamdaman para sa kanya. Matagal ko na iyon binaon sa lupa.
"Wala. Wala akong nararamdaman para sa kanya." sagot ko at napasinghap.
"Good for you." aniya ay tumalikod sa'kin para buksan ang t.v at manood
Buti na lamang hindi na siya nagtanong pa.
Pumikit ako ng mariin at pilit kinalimutan ang mga ala-ala na pilit na bumabalik sa sistema ko.C~~~***~~~
Pagkatapos kong maglinis, kinuha ko ang garbage bag ng mga pinag-ipunan naming basura at lumabas ng apartment para ilagay sa tapat ng gate namin kung saan doon kukunin ng mga basurero ang basura. Iniwan ko saglit si Charlotte sa sala na nanonood pa rin.
Napahawak ako bigla sa may dibdib ko dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nabitawan ko pa ang hawak kong garbage bag na nasa kamay ko.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba.
B-bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?!
Nakatayo siya sa may gilid ng poste malapit sa apartment namin. Nakangisi itong nakatingin sa'kin. Parang may binabalak na masama.
Napahakbang ako ng paatras nang magsimula siyang maglakad palapit sa'kin. Bawat hakbang niya lumalakas ang t***k ng puso ko. Nanghihina ang mga tuhod ko. Para bang kahit anong oras ay babagsak ako.
Nang makalapit siya, naamoy ko ang kanyang pabango. Napapikit ako ng mariin ng makita kong inilapit niya ang kanyang mukha sa'kin.
"Still affected by my presence, hmm?" bulong niya malapit sa tainga ko. Ramdam ko ang mainit niyang hiningang tumama sa tainga ko.
Agad ako napalayo sa kanya. I heard him chuckled dahil sa ikinilos ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago siya hinarap.
"Anong ginagawa mo rito?" I finally asked him. Ngumiti lamang siya ng nakakaloko sa'kin.
"Oh, nothing. I'm just checking out on someone." aniya nang hindi naaalis ang nakakalokong ngiti sa labi.
"Umalis ka na, Sir." taboy ko sa kanya. Hindi ko kayang pakisamahan ang presensiya niya.
"Why Kath? Does my presence here affect you?" aniya.
Oo apektado sa presensiya niya. Ngayon lang ulit. Pero hindi ko iyon pinahalata.
"Hindi. Nakakaistorbo ka kasi sa ginagawa ko." pagsusungit ko sa kanya.
"Oh? Am I disturbing you? Really?" nang-aasar nitong saad.
Ngayon ko lamang napagtanto. Nagbago na siya. He changed a lot. Hindi na siya 'yong nakilala kong Sir Skyler sa maikling panahon naming pagsasama. Or hindi ko lang siya nakilala ng lubusan? Sa maikling panahon naming pagsasama, nakilala ko siya bilang isang mabait, maalaga, maasikaso at malambing na tao. At ngayon? He did really change a lot.
"Oo. Nakakaistorbo ka kaya pwede, umalis ka na?" naiirita kong sabi sa kanya.
"No, I don't want to." pagmamatigas niya. Tinignan ko siya ng masama. Ano ba kailangan nito at ayaw niya umalis?!
"Ano ba kailangan mo?! Wala ka naman kailangan ah?!" sigaw ko sa kanya.
Nginisihan niya lamang ako.
"What do I want?" nagsimula siyang lumapit sa'kin. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at bumulong malapit sa tainga ko.
"Your heart."
Biglang tumigil ang paghinga ko at mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ano raw?! Puso ko?!
Tinulak ko siya at tiningnan siya. Nanlalaki ang mga mata ko. Para akong kinakapos ng hangin.
Biglang nagflashback sa'kin ang mga nangyari noon. 'Yong mga araw na binibigyan niya ako lagi ng sandwich. 'Yong mga araw na hinahatid niya ako tuwing uwian sa may gate ng University. 'Yong mga araw na nag-aalala siya sa'kin. 'Yong araw na inalagaan niya ako nong may sakit ako. At 'yong araw kung saan nahuli ko siyang may kahalikang iba at ang araw kung saan nawasak ang puso ko. Lahat ng iyon naalala ko.
Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa'kin dahil bigla akong natahimik at natulala.
Nang mabalik ako sa wisyo ay tinanong ko siya.
"Ang puso ko, Sir Skyler?" mapakla akong tumawa. "Matagal ng wasak ang puso ko, Sir." ngisi kong sagot sa kanya.
Biglang nagseryoso ang mukha niya. Mukhang naalala ang mga nangyari noon.
Sa tanang buhay ko, doon ako nakaramdam ng gano'ng sakit. Mas masakit kaysa sa sakit ng ulo na nangyari sa'kin. Para bang pinaglaruan ka sa ginawa niya. Sa mga pinakita niya.
"I didn't intend to hurt you, Kath." biglang umamo ang mukha niya.
"Talaga lang, Sir? Feeling ko kasi sinadya mo eh. Pinaasa mo ako..." biglang nanikip ang dibdib ko. "Pinaasa mo ako sa mga ginagawa mo para sa akin. Pinaasa mo ako sa mga pinapakita mong ugali sa'kin. Pinaasa mo ako sa lahat! Ngayon sabihin mo sa'kin Sir, hindi mo ba sinadya 'yon?" hindi ko na napigilang taasan ang boses ko.
Nahihirapan akong huminga dahil sa bigat ng nararamdaman ko dito sa aking dibdib.
Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit. Namamalikmata lang ba ako? Siya, makakaramdam ng sakit? Impossible. Ako lang naman itong nasasaktan sa'ming dalawa.
"I'm sorry, Kath." nagbaba siya ng tingin, na para bang guilty sa nangyari.
"Well Sir, your sorry cannot fix my broken heart. You just fuckin' break it!" Oh God. Patawarin niyo po sana ako sa pagmura ko. Hinging tawad ko sa Kanya.
Mukhang nagulat siya nang marinig niya akong magmura.
"At pwede, umalis ka na dito at wag ka na magpapakita sa'kin!"sigaw ko sa kanya.
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa paanan niya. Umiling-iling siya at dahan-dahan nagtaas ng tingin. Nakangisi na ito sa'kin."No can do Kath. We're neighbors now." aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano?!" seryoso?! Niloloko yata ako nito.
"Yes. Kakalipat ko lang this past few hours." hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi nito.
Ano 'yon? Araw-araw makakasalubong ko siya?! Lagi ko siya makikita?! Oh God. Paano ko siya maiiwasan?!
"I better get going, Kath. I have a lot of things to do. See you around. By the way, it was nice to see you early in this morning. Bye, baby." tumalikod na siya sa'kin at pumasok ng bahay.
Baby?!
Oh God I'm in big trouble.
~~~***~~~
Tuesday. Maaga akong nagising ngayon dahil papasok na ako sa trabaho ko. Si Charlotte tulog pa. Nilutuan ko na lang siya ng pagkain para sa almusal bago ako umalis ng apartment.
Isasarado ko sana ang gate ng apartment namin nang may biglang bumati sa'kin.
"Goodmorning baby!"
Nagulat ako dahil nasa likuran ko si Sir Skyler. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng sky blue polo-shirt, dark blue pants at leather shoes. Formal ang kanyang damit. Parang papasok sa bigating kumpanya. Sa gano'ng ayos, mas tumindig ang kagwapuhan niya. And it's not a good sign. Bigla siyang tumikhim.
"Done checking me out, baby?" mapaglarong tanong niya. Tinitigan ko lamang siya ng masama.
"Ang kapal ng mukha mo. Ano ba kailangan mo sa'kin?! At 'wag mo nga akong tawaging baby!" bulyaw ko sa kanya.
"What? The word baby really suites you. Its music to my ear. Also you look like a baby to me." aniya. Binobola na naman ako nitong hinayupak na 'to.
"Lubayan mo nga ako Sir Skyler." taboy ko sa kanya. Nagsimula na akong maglakad.
"Where are you going? And don't call me Sir Skyler, para akong matanda. Bigla kong naalala, you're the only student who calls me Sir Skyler. Nevermind. Just call me Skyler, or might as well baby." aniya at kumindat pa.
"Mukha ka naman talaga matanda kaya Sir Skyler. Ang tawag ko sayo. Gurang!" nauna akong maglakad pero nasasabayan niya ako.
"Hey, I told you to call me baby. Bakit gurang tawag mo sa'kin?" nakangusong sabi sa'kin. Ang cute niya–este ang panget!
"Gurang ka! Gurang!" malapit na ako sa coffee shop. Walking distance lang naman 'yon mula sa apartment namin eh.
"Okay okay, I'll let you call me that. But just for now okay?" ngisi niya. Inirapan ko lamang siya.
Nasa coffee shop na ako. Papasok sana ako nang hawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kanya.
Naramdaman ko na lamang ang malambot niyang labi sa pisngi ko.
"See you later, baby. Take care, bye." aniya at umalis na parang walang nangyari.
Napahawak ako sa pisngi ko kung saan niya ako hinalikan. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Bakit niya ginawa 'yon?
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago pumasok sa loob.
'Wag ka magpapaapekto sa ginawa niya, Kath. Pinagtitripan ka lang no'n. Hindi mo na pwede ipagkatiwala ang puso mo sa kanya. Kalimutan mo na lang iyon, Kath.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita