________________________________________________________________________________
#DanceContest
#SexyKapre
#LetsGetInOn
Are you ready for Skyler's comeback?! I chapter to go, magbabalik na siya!
Like, comment and be a fan! ?CHAPTER 23: DANCE CONTEST (PART 2)
[Third Person's POV]
Kaba. Iyon ang nararamdaman ni Kath ngayon sa loob ng backstage. Foundation day na nila ngayon, unang araw ng celebrasyon ay pupunta ang mga estudyante sa gym para sa opening remarks ng celebrasyon. Pagkatapos noon, pwede nang gumala ang mga estudyante sa buong lugar ng campus kung saan maraming booth ang nakatayo at mga palaruan na pwedeng pagdiskitahan.
Ngayong hapon, lahat ng estudyante sa kolehiyo ay pupunta sa gym para panoorin ang mga kalahok na maglalaban-laban sa dance contest. At ngayon, nandito nga siya kasama si Zy at Ate Nathalie sa gilid niya. Siya lang yata itong kinakabahan. Kung titignan mo ang itsura ni Zy, mapapansin mong kalmado ito na parang walang inaalala.
Tinignan niya si Zy sa tabi niya. Nakasuot ito ng puting sando at puting pantalon na ikinagwapo sa paningin niya. Ngayon niya lamang napansin na ang gwapo nito, kaya pala yung mga estudyanteng kasali sa dance contest, panay tingin kay Zy.
Nabalik siya sa wisyo nang may pumitik na kamay sa harapan niya. Tiningnan niya ito at nakitang nakatingin sa kanya si Zy na nakakunot ang noo.
"Bakit?" she asked him.
"Why are you staring at me like that?" feeling niya umakyat lahat ng dugo nito sa pisngi niya. Napansin tuloy niyang nakatingin ito sa kanya. Napaiwas agad siya ng tingin kaya napatawa ng mahina si Zy.
Napangisi sa kanya si Zy. "Do I look attractive to you?"
Napaubo si Kath dahil sa sinabi ni Zyron sa kanya. "Hindi, ang panget mo nga eh."
Inilapit ni Zy ang mukha niya kay Kath. Nailang siya sa sobrang lapit nito sa kanya. Parang konting galaw niya lang, maglalapat na ang labi nilang dalawa.
"Whether you're attractive to me or not, I'm sure to my myself that I am 100% attractive to you." sabay kindat nito sa kanya at inilayo ang mukha.
Nanlaki ang mga mata ni Kath at binatukan ng malakas si Zyron sa ulo. Parang naulit na naman ang ganitong senaryo noon.
"Ang kapal ng mukha mo! Kahit kailan ang yabang mo! Hindi na nawala ang kayabangan sa katawan mo, no?!" singhal niya rito. Ngumisi lamang ito sa kanya. Ibubuka sana ni Zy ang bibig niya para magsalita pero agad naman niya ito tinikom dahil tinawag silang dalawa ni Ate Nathalie. Sila na raw kasi ang magpe-perform sa stage.
Biglang nanlamig ang mga kamay ni Kath. Bumilis din ang pagtibok ng puso niya dahil sa kaba. Kabadong-kabado siya ngayon. Kung ano-ano ang mga naiisip niya na mangyayari sa kanila mamaya. Halos maperfect na nga nila 'yong sinayaw nila kahapon. Dapat hindi na siya mabahala dahil kabisado naman niya ang lahat ng steps pero hindi pa rin niyang maiwasang mabahala.
Hindi niya namalayan na inalalayan siyang tumayo ni Zy mula sa pagkakaupo niya at hinawakan ang namamawis niyang mga kamay. Mahina nitong pinisil iyon. Tumingin siya kay Zy, seryoso ang mukha nito.
"Nervous?" seryosong tanong nito sa kanya. Tumango siya. Sobrang kabado talaga siya ngayon.
Hinila siya ni Zyn palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Bumulong ito sa kanya. "Don't be. Hindi kita pababayaan. Don't mind the people around us. Just focus your attention on me. Like what I've said yesterday. Don't mind them, just focus your eyes on me. I want your full attention on me." alam niya iyon. Sinabi na nito sa kanya kahapon habang nagpapractice sila, na kay Zy lang ang atensyon niya kaya wala siyang maramdamang kaba at pagkailang sa mga taong nanonood sa kanila no'n. Though, konti lang ang nanood sa kanila, nakaya naman niya.
Kumalas siya sa yakap ni Zy at ngumiti sa binata. Tumango siya rito, pinapahiwatig na kaya niya. Ngumiti naman sa kanya pabalik si Zy.
"Hey Kath! Adrian! Tinatawag na kayo! C'mon, labas na kayo!" sigaw sa kanila ni Ate Nathalie na nasa likuran lamang nila at pinagmamasdan sila.
"Yeah, we know that." nilingon niya ang kanyang katabi. "Let's go Kath?" aya ni Zy sa kanya. Nagsimula na silang maglakad palabas ng backstage.
Sumigaw sa kanila si Ate Nathalie. Cheer pala 'yon hahaha. "Go Kath! Go Adrian! Kaya niyo 'yan! Wooh!" parehas sila napatawa sa isinigaw ni Ate Nathalie sa kanila.
Tumigil sila sa may hagdan paakyat sa stage mismo ng gym. Nagtatakang napatingin si Kath kay Zy nang tumigil sila. Bakit sila tumigil?
Seryoso ang mukha ni Zy.
"Are you ready?" tumango siya. Napangiti si Zy at humalik sa noo niya. Napangiti naman si Kath dahil sa pinapakitang kilos ng binata sa kanya. Hinila na siya nito at umakyat na silang dalawa papunta sa stage.
Napanganga si Kath sa nadatnan niya pagtapak ng mga paa niya sa stage. Hindi niya inaasahan na ganito karami ang mga estudyante na manonood sa kanila. Ang kaninang maingay na sigawan ng mga estudyante, mas lalong umingay nang makita sila sa stage. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Zyron habang naglalakad sila patungo sa gitna. Bumalik na naman ang naramdaman niyang kaba kani-kanina lang nang marinig niyang sumisigaw ang mga tao sa kanila, kay Zy lang? Naging hearthrob na rin kasi siya sa buong campus dahil sa galing nito sa pagbabasketball. Kaya maingay ang gym ngayon, mas lamang nga lang ang tili ng mga babae.
Pinisil ni Zy ang kamay ni Kath bago dahan-dahan binitawan iyon. Alam ni Kath ang ibig sabihin no'n. Formation na. Pumunta na siya sa may bandang gitna at tumalikod. Lumingon siya sa gawi ni Zyron, nakita niyang tinaggal na ang suot nitong sando na ikinaingay ng buong gym dahil sa mga tili ng babae. Napailing siya. Nakita na naman niya ang matitipuno nitong dibdib, ma-muscle na braso at six pack abs. Iniwas niya ang pagkakatitig dito at huminga ng malalim. Inayos na niya ang pagkakapose niya.Tumahimik na ang mga estudyante sa buong gym, hudyat na magsisimula na sila.
Nagsimula nang tumugtog ang kantang "Love Me Like You Do".
Intro pa lang ng kanta, ginaya niya ang ginawa ni Dawn no'ng. Pagharap niya, sinayaw na niya 'yong tinuro sa kanya ni Ate Nathalie. Sunod naman si Zyron, 'yong ibang steps nito ay kuha pa rin sa sayaw nila Dawn at Zeus, tapos 'yong tinuro naman ni Ate Nathalie sa kanila. Nginingitian lang siya ni Zy tuwing naglalapit sila.
Nasa chorus na sila, gano'n ang sayaw nila tulad ng kanila Zeus. Sigawan ang lahat ng tao sa gym. Hiyawan dito, cheer doon. Lahat sila enjoy habang pinapanood ang sayaw nila Kath at Zyron. Halos sa kanila lang ang may pinakamalakas na impact mula sa audience.
Sinayaw ulit nila 'yong chorus. Hiyawan ulit ang maririnig mo sa gym. Parehas napapangiti sila Kath at Zyron.
Habang papalapit na ang ending ng kanta, unti-unti naglapit ang katawan nilang dalawa. Hinawakan ni Zyron ang mukha ni Kath gamit ang dalawa niyang kamay at hinaplos ang pisngi nito. Parehas sila hiningal at napapahinga ng malalim. Mababakas sa mukha nila ang kasiyahan dahil sa wakas, nagawa na rin nila ng maayos ang sayaw nila. Tinitigan niya si Kath deretso sa mga mata nito. Isang dangkal ang layo ng mukha nito. Nginitian niya si Kath at hinalikan ang tungki ng ilong nito at noo. Naramdaman niyang napangiti si Kath sa ginawa niya. Agad naman niya ito niyakap ng mahigpit. Niyakap din siya pabalik ni Kath.
Lahat ng estudyante sa gym todo sigaw at cheer sa kanila. Lahat sila nagustuhan ang sayaw nila. Napakahusay ng sayaw nila. Mababakas sa mukha ng mga tao ang saya at kilig sa napanood nila.
~~~***~~~
Lingid sa kaalaman nila. Madilim ang mukha ni Skyler habang pinapanood ang sayaw nila Kath at Zyron. Nagtatagis ang bagang nito at nakakuyom ang kamao nito na parang handa na itong manuntok. Kanina pa niya gustong bugbugin si Zyron hanggang sa hindi na makilala ang mukha nito.
He's freaking jealous! Masyadong masakit sa mata ang sayaw nila Kath. At hindi niya iyon nagustuhan. f**k! Hindi dapat ganito ang sinasayaw nila! Bakit pinayagan ito ng eskwelahan? Nawala lang siya ng ilang linggo, may mga bago nang naganap?! s**t! Gusto niyang gulpihin si Zyron dahil sa paghawak nito sa pagmamay-ari niya!
Pain and Jealous is written all over his face. Masakit makita 'yong mahal mo na masaya sa piling ng iba. Parang kinalimutan nito ang nakaraan nila. Gano'n-gano'n lang? Kakalimutan ito ng madalian? Eh sa kanya, hindi niya malimutan ang mga nakaraan nila, samantalang siya nakalimot na agad ito. Selos naman dahil walang pwedeng humawak kay Kath maliban sa kanya. Walang pwedeng humalik maliban sa kanya. Walang pwedeng magpangiti rito malibang sa kanya. At walang pwedeng kumuha ng atensyon kay Kath maliban sa kanya!
Nanunumbalik na naman ang pagiging possessive niya. Alam niyang masama ito. Pero hindi niya kayang iwasan ito. Lumalabas ito nang hindi niya nalalaman. Kay Kath niya lang ito nararamdaman kaya hindi niya kayang balewalain.
Fucking s**t. Sobra ang pagpipigil niya sa sarili na huwag hilahin si Kath paalis doon sa stage at i-uwi ito sa bahay niya.
Nababaliw na siya. It's been 3 weeks pero laging laman ng isip niya si Kath. Gustong-gusto na niya itong kunin, pero hindi pwede. Masisira ang plano niya. Ito na lang ang tanging paraan para mapasakanya si Kath.
At kapag nagawa na niya 'yon, sa kanya na si Kath. Hindi na ito makakawala sa kanya. Mapapasakanya na si Kath.
Desperado na ba siya? Oo. Siguro. Matagal-tagal na rin niya ito hinintay. At hindi na niya hahayaan na makawala ito sa kanya.
Mark my words.
~~~***~~~
In-announce na ang nanalo sa dance contest. Sino pa ba ang nanalo? Sila Kath at Zyron! Sa kanila kasi ang may pinakamalakas na audience impact. Nagustuhan na rin ng judge ang sayaw nila.
Tuwang-tuwang sila Kath, Zyron at Ate Nathalie. Worth it ang paghihirap nila. Hindi nasayang ang effort nila. Thanks to Ate Nathalie and Zyron. Kung hindi dahil sa kanila, hindi magagawa ni Kath ito. Kung wala sila, siguradong pahiyang-pahiya siya.
Anyway, magcecelebrate na sila ng kanila magkapanalo sa isang mall.
Nakaakbay si Zy sa kanya habang palabas sila ng school. Hindi nila namalayan na gabi na nang matapos ang program.
Masaya silang nag-uusap hanggang sa may nakakuha sa atensyon niya. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang taong nasa gilid ng gate, nakatingin ito sa kanya.
Si Sir Skyler.
Madilim ang mukha nitong nakatingin sa kanila ni Zy.
Bumalik na siya? Kailan pa? Naramdaman niyang tumalon ang puso niya nang makita niya ang taong matagal na niyang hinahanap, or rather hinahanap ng puso niya.
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya matitigan ito ng deretso sa mata. Para siyang natatakot na ewan pero at the same time natutuwa.
Ipinagsawalang-bahala na lang niya ito at itinuloy ang pag-uusap nilang dalawa ni Zy.
Matagal na niyang sinasabi sa sarili na nakamove-on na siya kay Sir Skyler at may gusto na siya kay Zy. Pero sino ang niloloko niya? Sarili lang niya. Alam niya sa kanyang sarili na may gusto pa rin siya kay Sir Skyler–mali. Mahal pa rin pala niya ito. Ayaw niya lang aminin dahil natatakot siyang masaktan.
Sa ngayon, dahil nagbalik na ito, iiwas na lang siya. Hangga't maaari kailangan niyang iwasan ang binata. Kahit tutol ang puso niya rito.