Korny

1754 Words
#KornyNiKapre #Sabaw #ZyRineForTheWin #TambakAngSkyRine Naiinip na po ba kayo? Don't worry few chapters to go babalik na si Skyler! :) Like, comment and be a fan! ?CHAPTER 22: DANCE CONTEST (PART 1) [Katherine Chelsea Aguilar] Wala akong gana habang nagtatrabaho ako rito sa Coffee Shop. Hindi ko pa rin makalimutan na kasali ako sa dance contest. Naiinis ako kay Zy. Isali ba naman kasi ako! Eh hindi naman ako magaling sumayaw. Mapapahiya lang naman ako kapag nalaman nilang hindi ako marunong sumayaw. Kaya no'ng habang paderetso kami ni Zy papunta sa trabaho ko, hindi ko talaga siya pinansin at kinausap. Todo kausap naman siya sa'kin pero hindi ko pinansin iyon. Naiinis ako sa kanya. Kung akala niyo na nandito siya at binabantayan ako, nagkakamali kayo. Umalis siya pagkatapos niya akong ihatid sa trabaho. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Walang sabi siyang umalis. Hinayaan ko na lang siya dahil inis ako sa kanya. Ngayong patapos na ang shift ko, hindi pa siya dumadating. Hindi naman sa nag-eexpect ako, lagi na kasi niya ako hinihintay pagkatapos ng trabaho. Part daw iyon ng panliligaw niya. Bahala na kung hindi siya pumunta, kaya ko namang umuwi mag-isa. Ano ako, bata? ~~~***~~~ Handa na akong umalis ng Coffee Shop nang namataan ko si Zy sa labas, nakasandal sa isang kotse. Kotse? Sa kanya kaya 'yon? Hindi ko na lang pinansin iyon at lumabas na ng Coffee Shop. Nadaanan ko siya pero hindi ko pinansin. "Kath.." tawag niya sa pangalan ko. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko. Hinablot niya ang braso ko at pinaharap sa kanya. Iniwasan kong tumingin sa mga mata niya. "Kath look, I... I'm sorry..." Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. "Please, don't be mad at me Kath. I'm sorry." dagdag pa niya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Naiinis lang naman. Napalabi ako. "'Di naman ako galit sa'yo eh." Kumunot ang noo niya. "Then what?" "Naiinis ako sa'yo. Bakit mo kasi ako piniling maging ka-partner mo sa sayaw?! Hindi naman ako magaling sumayaw eh. Mapapahiya lang ang section natin!" sabi ko. "Magaling ka sumayaw. Hindi mo lang napapansin iyon. At hindi mapapahiya ang section natin. Nandito naman ako para alalayan ka." seryosong sabi niya. "Kahit na. Ayoko ng masyadong attention na nanggagaling sa mga taong nakapaligid sa akin. People judge easily. Konting pagkakamali mo lang, mapapansin nila at gagawing issue." umiiling kong sabi kay Zy. Napahinga siya ng malalim. Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko at ngumiti. "I'm here Kath. I will never let that happen." Seryoso niyang sabi sa'kin. Ngumiti ako at napailing sa kanya. Bahala na nga ang mangyayari sa'kin. Nandyan naman si Zyron para sa akin eh. "Oh sige. Payag na nga ako." sabi ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you." bulong niya. Niyakap ko rin siya pabalik. ~~~***~~~ Kinabukasan. "So dahil kayo ang napili para lumaban sa dance contest, every dismissal pupunta kayo sa Ballet room para makapagpractice. Pinareserve ko na 'yon para makapagpractice kayo ng mabuti. And I also assigned you a dance instructor para turuan kayo sa pagsayaw." sabi ni Prof. Aquino sa amin. Nandito kami ngayon sa faculty, pinaguusapan tungkol doon sa sayaw na sinalihan namin. Marami na kaming napagusapan katulad ng kaming mga college lang pala ang maglalaban-laban. Gaganapin iyon sa gym ng University. Kahit ano pwede daw maisayaw basta 'wag lang malaswa. "So for the dance instructor, I would like you to meet Ms. Nathalie Gonzales." Gonzales? Parehas sila ng apilido ni Zy? Kaano-ano kaya niya si Zy? "Hi guys!" lumingon ako sa gawing pinanggalingan ng boses. Isang magandang babae ang pumasok sa opisina ni Prof. Ang ganda niya. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Medyo may katangkaran siya, maputi, may pagkablonde ang buhok niya at may pagkapinkish ang mga labi niya. Para siyang may hawig kaso hindi ko matukoy kung sino. Nakangiti siyang lumapt sa amin. Nahawa ako sa pagkakangiti niya kaya napangiti rin ako. Nagpakilala siya sa amin nang makalapit siya. "Hello sa inyo! I'm Nathalie, and I will be your dance instructor! I'm pretty and I'm cute!" masayang sabi niya. Napagawi ang tingin niya sa katabi ko at ngumiti ng matamis. "Hi Adrian!" napatingin ako sa katabi ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay ate Nathalie. Bakit kilala niya si Zy? Kaano-ano niya ba 'to? "I'll be leaving you three here. Pag-usapan ninyo muna kung ano ang sasayawin niyo. Babalik ako after 30 mins." Ani Prof. pagkatapos ay lumabas na siya ng opisina. Naiwan na lamang kaming tatlo rito. Nagpalitan kami ng mga tingin. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Tahimik lamang kami. Hanggang sa si Zy na ang bumasag ng katahimikan na namamagitan sa aming tatlo. "What are you doing here, sis?" ani Zy. Medyo nanlaki ang mata ko. Ate? Kapatid ba niya ito? Tinitigan ko lang sila pareho. Lumapit si ate Nathalie kay Zy at ginulo-gulo ang buhok nito. "I just miss you Adrian. Is it bad if I visit you?" sambit ni ate Nathalie kay Zy. "I mean, why are you here? Why is that... you're our dance instructor?" nakakunot ang noong tanong ni Zy. "Ohh, that? Hahaha I receive a call from our company that your section will be needing a dance instructor. That's why I'm here!" masayang sabi niya. Tumingin siya sa'kin at lumapit. Nakangiti lang siya sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinisil iyon. "Hi! Ang ganda mo pala sa personal. No wonder why my cousin loves you" pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya. Pinsan pala niya 'to. Akala ko ate niya 'to. "T-thank you.." sabi ko ng may nahihiyang boses. Hindi kasi ako sanay na sinasabihan ng gano'n lalo na't ibang tao ito. "Aww, she's blushing! You're so cute! I like you already for my cousin." at mas lalong pinisil ang pisngi ko kaya napa-aray ako. "Sis, that's enough. You can talk to her later after we discuss about the contest." masungit na sabi ni Zy kay Ate Nathalie. "I'm sorry, Kath. We'll talk later, okay?" sabi niya sa'kin habang nakangiti. Tumango lamang ako sa kanya. Umupo kami sa pangtatluhang upuan at nagsimulang pag-usapan tungkol sa contest."So, do you have any idea kung ano ang sasayawin niyo?" umiling ako. Wala nga akong kaalam-alam eh sa sayaw eh. "We don't have any idea. That's why you're here, right? You will help us to find a choreography that is suitable for me and Kath." ani Zy at dumekwatro. "Yeah yeah right. Anyway, I already found a dance that is really suitable for you two!" ani Ate Nathalie at kinuha ang phone mula sa kanyang bulsa ng suot niyang jeans at nagpipindot doon. "Does this dance look familiar to you?" tanong niya at may pinanood sa amin sa phone niya. Pamilyar ang tugtog. Sila Dawn at Zeus ang sumasayaw. Nang dumating sa punto na chorus na no'ng kanta ay naalala ko na. Love me Like you do 'yong kanta. Tumango ako kay Ate Nathalie. "Oo. Napanood ko sila dati sa PBB eh. Maganda nga 'yong sayaw nila eh kaso mahirap gawin." sagot ko. Kaso nga lang, alam kong may pagka-ano 'yong sayaw na 'yon. "Yeah. I know its difficult. But this dance is really suitable for you two. Bagay na bagay ito sa inyo. Tiyak na ikapapanalo niyo ito! Though we will change some step because it's kind of you know hahaha." aniya. "This kind of dance... is erotic." biglang sabi ni Zy habang pinapanood 'yong sayaw. "Yes. But we will change other steps para hindi masyadong erotic like you've said." ani Ate Nathalie. "So, is this what we're gonna dance?" tanong ni Zy. "Yup yup yup! But the other steps in the dance, you will do it like the first part and the last part of the dance." sagot ni Ate Nathalie. Napabuntong-hininga ako. "Parang hindi ko kaya ang ganyang sayaw. Ang hirap eh." sabi ko. "Oh, darling. I know you can do it. Adrian is here to help you. I'm also here. And don't worry, I will make the other steps easy for you." ani Ate Nathalie. "Pero paano kung pumalpak ako?" "Trust me, dear. You will not fail. It will be successful! Besides, Adrian will never let that happen, right Adrian?" "She's right Kath. I will never let that happen. I will always be here to guide you." sabi ni Zy sa'kin. Nginitian ko siya at tumango. Siguro nga hindi ako papalpak. Ako lang naman itong nag-iisip na papalpak kami, ako. Buti na lang nand'yan si Zy at Ate Nathalie para tulungan ako. "Oh sige. Kakayanin ko." sabi ko at ngumiti. Tumili si Ate Nathalie at napapalakpak. "Great! OMG! I'm so effin excited to start teaching you guys!" Tumingin ako kay Zy na nakangiti sa akin. He mouthed 'I Love You.' Umiwas ako ng tingin sa kanya. Parang nakakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko. Diba dapat sinagot ko na ang 'I Love You' niya sa akin? Dahil mahal ko naman talaga siya diba? O sadyang sa mga nakalipas na araw unti-unti ito nagbago dahil ang totoo, mahal ko lang siya bilang kaibigan? ~~~***~~~ The next day, tuwing uwian lagi kami nagpapractice. Pahirap na ng pahirap ang mga steps. Hindi ko masabay minsan dahil hindi siya makuha ng maayos. Hindi kasi gaanong kalambot ang katawan ko. Tsaka medyo naiilang ako kay Zy tuwing hinahawakan ang bewang ko. Tsaka kapag binubuhat ako. Sobrang nakakailang. Nakakahiya rin. Pero okay lang, unti-unti naman ako nasasanay eh. Naging komportable naman ako. Naging maayos at tama na ang mga steps namin ni Zy. Nagagawa na namin yung mga naituro ni Ate Nathalie sa amin. Hindi siya masyadong parehas do'n sa sayaw dahil para hindi magmukhang erotic kasi bawal nga 'yong may malisya sa sayaw 'di ba? 'Yong iba parang contemporary dance. "Waaah! I'm so proud of you guys! Ang ganda ng sayaw niyo! Kilig na kilig ako! Ang sweet niyo pang tignan!" masayang wika ni Ate Nathalie nang matapos namin yung sayaw. Parehas kaming hingal na hingal ni Zy. Nakakapagod palang sumayaw ng gano'n ka grabe pero worth it naman. "Thanks, sis." ani Zy at kinuha ang t-shirt niyang hinubad kanina. Topless kasi kanina siya habang sumasayaw kami. Nasabi ko na ba sa inyo na dapat topless magsayaw si Zy? Hahaha. "Ready na ba kayo para bukas?? I sure kayo ang mananalo!! Ang galing niyo talaga!" parehas kaming tumango ni Zy. Handa na kami para bukas. Ilang weeks na namin itong prinactice. Sana talaga manalo kami. Goodluck sa amin! ________________________________________________________________________________ #Dan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD