pag uwe

2103 Words
[Katherine Chelsea Aguilar] "Ingat kayo sa pag-uwi anak ha? Balik ulit kayo rito sa mahal na araw." sabi sa amin ni Nanay habang kayakap ko siya. "Opo, Nay." sagot ko sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Nanay at nagpaalam. "Zyron, ingatan mo ang anak namin." sabi ni Tatay kay Zy na nasa tabi ko. "I will, Tito." sagot niya. Uuwi na kami ngayon sa Maynila. Gusto ko sana magtagal dito kung wala lang kaming pasok next week. Kaso may pasok na kami, Monday next week. Sandali lang kasi ang sembreak namin. Nalulungkot tuloy ako habang naglalakad kami ni Zy paalis ng bahay. Mamimiss ko silang lahat. Hindi sapat ang bakasyon namin dito. Kung hindi sana ako nahimatay at na-ospital edi sana nagbobonding pa kami. Hindi ko namalayan na hinawakan ni Zy ang isa kong kamay kaya napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin na para bang sinasabi na 'magiging maayos ang lahat.' "Cheer up, Chels. Don't worry, you will see each other again, right? Ngiti ka na." pagchecheer up niya sa'kin. Nginitian ko lang siya ng matipid. Nalulungkot pa rin ako. Napatigil kami sa paglalakad sa tapat ng isang puno. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. May ibinulong siya sa'kin "Alam kong nalulungkot ka, Kath. Pero kailangan nating bumalik ng Maynila. May trabaho kang naiwan do'n. May eskwelahan ka pa na kailangang pasukan. 'Di ba nga, kaya ka nag-aaral at nagtatrabaho ay para mai-angat ang pamilya mo sa kahirapan? Magkikita naman ulit kayo ng pamilya mo, Kath. Konting tiis lang." seryosong pahayag sa akin ni Zy. Oo nga naman. Kaya nga ako nasa Maynila ay para magtrabaho at mag-aral para sa kinabukasan ng pamilya ko. Konting panahon na lang makakatapos na rin ako ng pag-aaral. Makakahanap na ako ng magandang trabaho. At maiaangat ko na rin sila sa kahirapan. Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa'kin at tiningnan siya. Nakangiti akong tumango sa kanya. Dapat hindi ako malungkot. Dapat nga masaya ako dahil ang mga ginagawa ko at pinaghihirapan ay para sa ikauunlad ng pamilya ko. Ngumiti siya. "Good." sabi niya sabay kuha ng phone niya sa bulsa at nagpipindot. Umupo ako sa bench sumandal. Hindi ko alam na may bench pala dito sa gilid ng puno. Papahinga muna ako saglit. Tumabi siya sa'kin na nagpipindot pa rin sa phone niya. Nagtetext siguro siya. "Uhm, Chels." tawag niya sa pangalan ko. "Yes?" tanong ko sa kanya ng hindi lumilingon sa gawi niya. "Uhm, can we take uhh, selfie?" lumingon ako sa kanya at nakitang nagkakamot siya ng batok, parang nahihiya. Ang cute lang niya, hehe. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "We don't have any photos of us in my phone yet." sabi niya. Napatango ako. Hindi kasi kami nagpipicture dati. Baka kasi may mga mang-aasar sa'min. "Gano'n ba? Oh sige!" pagpayag ko. Ngumiti naman siya at in-on ang camera sa phone niya. Nang maayos niya ay itinaas niya ang phone niya na katulad sa mga nagseselfie. Nagpose ako ng peace sign, 'yong tinatawag nilang japan-japan gano'n. Ginawa ko 'yon sa magkabilang kamay ko. Siya naman ay ngumiti lang. Um-isa pa ulit kami. Nakaakbay naman siya ngayon sa'kin. Ako naman pormal na ngumiti sa camera. Parehas kaming nakangiti sa camera "Nice." sabi niya at tiningnan ang picture. Nakitingin din ako. Ang cute pala naming tignan. Mas gumwapo ang tingin ko kay Zy. Ssshhh lang kayo sa kanya hahaha. Lalaki ulo no'n. "I'll print this picture for remembrance." nakangiting sabi niya. Tinanguan ko siya. "Penge rin ako ah? Ilalagay ko sa album ko." Sabi ko. Tumango naman siya at pumayag. "Let's go. So we can arrive early at Manila." tumayo siya at inayos ang pagkakasukbit ng kanyang bag. "Tara, excited na akong umuwi." sabi ko sabay tayo. Nagsimula na kaming maglakad habang nakaakbay siya sa akin. ~~~***~~~ "Dali, kwento ka na kasi Kath! Ano ba nangyari sa bakasyon niyo? Naging masaya ba? Ha Kath?" kanina pa ako kinukulit ni Charlotte. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pintuan, binungad na agad niya ako tungkol sa naging bakasyon namin ni Zy. "Bukas na lang Charlotte, inaantok na ako." inaantok kong sabi at tumagilid mula sa pagkakahiga. "Ehh! Ngayon na please!" pangungulit pa niya at inalog-alog 'yong braso ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para matulog. Naramdaman ko na lang na tumigil na siya sa pangungulit sa akin. May ibinulong siya sa'kin na ikinatango ko. "Bukas na lang Kath ah? Sweet dreams." Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto. Haay. Makakatulog na ako ng mahimbing. ~~~***~~~ Kinabukasan. "'Yon nga, na-hospital ako." kinwento ko na kay Charlotte ang lahat na nangyari sa'kin no'ng bakasyon. "Napano ka ba? Bakit ka ba nawalan ng malay?" napabuntong hininga ako. "Isa lang ang naalala ko. May narinig akong boses sa ulo ko, boses batang babae at boses lalaki. Para silang nag-uusap pero hindi ko makita ang mukha nila." kwento ko sa kanya. Nagtaka ang mukha niya. "Ano naman narinig mong pinag-uusapan nila sa ulo mo?" takang tanong niya. "Hindi ko na maalala eh. Ang naalala ko lang ay 'Kuya Sky', boses bata ang nagsabi no'n." pagkasabi ko 'yon, para siyang namutla. Parang nakakita ng multo o kaya naman may nalamang hindi maganda. "K-k-kuya S-sky?" nauutal niyang tanong. Tumagilid ng konti ang ulo ko. Nagtataka ako sa ikinikilos ni Charlotte. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Marahan siyang umiling sa'kin. "W-wala wala. Uhm, luto muna ako ng tanghalian natin." paalam niya at nagmamadaling tumayo para dumeretso sa kusina. Naiwan ako dito na nagtataka sa ikinikilos ni Charlotte. Bakit kaya gano'n ang reaksyon niya? Nagkibit-balikat na lang ako at bumalik sa pagbabasa ng libro. ~~~***~~~ January 4, 2016. "Okay class, dahil tapos na ang Christmas break ninyo, balik ulit tayo sa pagdiscussed ng lesson." sabi sa amin ni Mam Herrera. Simula na kami ngayon ng klase. Gano'n pa rin ang routine namin. Discussed, sulat ng lecture, discussed ulit tapos sagot ng mga seatworks then bigay ng homework. Gano'n lang. Nang magsimula na magdiscussed si Mam Herrera ay nakinig na ako. 'Yong katabi ko naman ay wala ngayon. May meeting daw sila ng mga varsity players kaya kailangan nando'n siya dahil siya ang team captain ng varsity nila. Pero mamayang recess, nandito na daw siya. Pagkatapos ng dalawang oras, tumunog na ang bell, hudyat na break time. Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay iyon sa loob ng locker ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng room at dumeretso sa tapat ng classroom ni Charlotte. Hindi pa sila pinapalabas ng professor nila kaya maghihintay muna ako dito. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng classroom at nagsilabasan ang mga estudyante, kasama na doon si Charlotte. "Punta na tayo sa Cafeteria. Nagugutom na ako." bungad niya sa'kin at inakbayan ako. "Tara, gutom na rin ako." pagsang-ayon ko sa kanya. Naglakad na kami papunta sa Cafeteria. Nang makarating na kami ay agad kaming pumila. Buti konti lang ang ang tao dito. Hindi kami mahihirapan sa paghahanap ng mauupuan. Nang maka-order na kami parehas ay umupo na kaming dalawa sa isang bakanteng upuan sa may gilid ng bintana. "Alam mo ba Kath, muntik na akong mapili sa pagsali ng Dance Contest. Ayoko kasing sumali." kwento niya habang kumakain ng in-order niyang carbonara. "Bakit? Marunong ka naman sumayaw ah? Tsaka, para saan ba 'yang contest na 'yan?" tanong ko sa kanya. "Para sa foundation natin next week." sagot niya. Foundation? Ano naman iyon?"Ano 'yon?" curious kong tanong sa kanya. "Ay oo nga pala, hindi mo alam 'yon." tumigil muna siya sa pagkain at nagexplain. "Foundation day, ginaganap iyon tuwing month ng February. One week iyon cinecelebrate. May mga booths, kainan, programs, pagsayaw, battle of the bands, mga gano'n basta madami!" Wow. Ngayon ko lang nalaman 'yan ah. Ang dami palang pwedeng gawin sa Foundation day. Dati kasi wala namang ganyan. "Ayaw mo bang sumali sa Dance Contest? Magaling ka naman do'n ah?" totoo naman eh. Nakita ko na siyang sumayaw dati sa apartment namin. "Gusto ko nga sumali eh.." nakangusong sabi niya. "Oh, 'yon naman pala eh. Anong problema?" tanong ko sa kanya. "Ayoko kasi sa ka-partner ko!" maktol niya. Napakunot ang noo ko. "Kailangan may ka-partner?" tumango siya. "Pero ang adviser mo ang pipili kung sino ang magiging ka-partner mo. Sa kaso ko, ang panget no'ng lalaking pinili ni Mam kaya bigla akong lumabas para magCR!" sabi niya. "Boy at Girl ba dapat?" tanong ko. Tumango siya. "Oo. Kailangan daw eh." sagot niya. Napatango naman ako dahil do'n. "Kung sasali ka ba, sino ang gusto kong maka-partner?" uminom siya ng C2 bago sumagot. "Si Zy---" bigla siyang napatakip ng bibig. Zy? Sino 'yon? Ngumiti siya sa akin na parang nahihiya. "S-si Z-zylex pala, hehe." parang kinakabahan siya no'n no'ng sinabi niya iyon. Nagkamot pa siya ng ulo at uminom ulit ng C2. Napailing na lang ako sa kanya at itinuloy ang pagkain ko. ~~~***~~~ Ilang minuto na lang mag-uuwian na. Nandito na pala si Zyron. Mga luch time pa siya nagpakita sa amin. "What time is it now?" tanong ni Zyron sa gilid ko. Tiningnan ko ang suot kong relos at sinagot ang tanong niya. "4:50, malapit na maguwian." sagot ko sa kanya. Napailing siya dahil do'n. Huh? Bakit? "Just answer me 'what' okay? I'll repeat my question. What time is it now?" tanong ulit niya. Kahit nagtataka ako ay tinanong ko siya. "What?" Ngumiti siya. "It's already time for you to give your heart to me." sabi niya sabay kindat sa'kin. Bigla ko tuloy siyang hinampas sa braso. Grabe, bumabanat pala siya sa lagay na 'yon? "Bumabanat ka pala?" natatawa kong sabi sa kanya. "I thought girls love cheesy lines." sabi niya. Nagkamot pa nga siya ng batok eh. "I have one more pick-up line for you. Wanna here it?" dagdag pa niya. Tumango ako sa kanya. "Are you religious?" "Bakit?" tanong ko. "'Cause you're the answer to all my prayers." this time, napangiti na talaga ako. Grabe talaga siya. "Try mo naman kaya tagalog?" nilagay niya 'yong kamay niya sa baba at hinimas-himas iyon, parang nag-iisip. "You want me to try it? I remember some of it." sambit niya. "Geh, try mo!" tumatango kong sabi. "Uhm, mahilig ka ba sa asukal?" banat niya. "Bakit?" "Ang tamis kasi ng mga ngiti mo." ngiting sabi niya. Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya at lihim napangiti. My Ghad. Iba talagang magpakilig ang lalaking 'to. Kinurot ko tuloy siya sa may tagiliran. "Ouch." daing niya. "Bwisit ka!" pasigaw na bulong ko sa kanya. Baka kasi mahuli kami ng professor namin. Natigil kami sa pagsasalita nang may sinabi ang professor namin. "Okay class, since malapit na ang Foundation week natin, meron na bang napili sa klase niyo na lalaban para sa Dance Contest?" tanong ni Prof. Aquino sa'min. Lahat kami umiling. So 'yon pala 'yong sinasabi ni Charlotte kanina. "So, sino ang gusto niyong isali? Boy's first." sabi ni Prof. Aquino. Ang mga iba naming kaklase nagtaas ng kamay. "Yes?" turo ni Prof. sa may bandang dulo. "Prof. si Zyron po ang gusto naming isali!" tili no'ng babae. 'Yong iba sumangayon doon sa babae. 'Yong mga kaninang nagtaas ng kamay ay nawala na. Siguro si Zyron ang gusto nilang isali. "Okay, so si Zyron na ang isasali natin. Next is for the girl. I will let Mr. Gonzales to choose kung sino ang gusto niyang maging partner." Agad kong tiningnan si Zy. Nakatingin siya sa'kin. Umiiling ako sa kanya. Pinapahiwatig na 'wag niya akong piliin . Naku, lagot siya sa akin kapag ako ang pinili niya. Ngumisi siya. "I choose Katherine to be my partner." napasimangot ako. Patay na ako niyan. Ang mga kaklase namin sa loob ng room nag-iingayan. 'Yong iba nagtitilian, 'yong iba kinikilig, 'yong iba naman masama ang tingin sa akin lalo na 'yong mga babae. "Nice pair. So sila na ang ilalaban natin para sa contest. Suportahan natin sila, okay? Perfect na kayo sa quiz natin kapag sinuportahan ninyo sila." sabi ni Prof. Aquino. "YES PROF!" sigaw nila. Tiningnan kami ni Prof. "Mr. Gonzales and Ms. Aguilar, bukas pumunta kayo sa opisina ko para mapagusapan natin 'yong gagawin niyo para sa contest. Okay? I'm counting on you guys." Kasabay no'n ay ang pagbell, hudyat na uwian na namin. "Goodbye class." paalam ng Prof. namin at lumabas ng room. Kasabay no'n ay ang paguunahan ng mga kaklase kong lumabas ng room. Tiningnan ko ng masama si Zyron na ngumingiti sa akin. "What?" natatawa niyang sabi. "Bwisit ka!" iritang bulyaw ko sa kanya at naunang lumabas sa room. Humabol naman siya sa akin at umakbay. "Goodluck sa atin bukas." natatawa niyang sabi. Inirapan ko na lang siya. Ano ba 'yan. Paano na 'to? 'Di ako marunong sumayaw! ________________________________________________________________________________ #KornyNiKapre
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD