na yong tanong niyo! ?
Enjoy reading!
CHAPTER 20: BIRTHDAY
[Katherine Chelsea Aguilar]
"Ilang buwan mo nang nililigawan ang anak namin?" tanong ni Tatay kay Zy.
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay. Tuwing umaga kasi malamig ang simoy ng hangin dito. Maaga nagigising ang mga tao dito. Katulad namin. Mga alas singko pa lang ng umaga gising na kami, well except kay Zyron dahil mahimbing pa ang tulog niya. Alas sais na siya nagising at naabutan niya kaming umiinom ng kape.
"I think it's almost 3 months." sagot ni Zy.
Nasa may gilid lang nila ako at nilalanghap ang malamig at preskong hangin. Gusto raw muna nilang makilala si Zy mabuti, kaya pinabayaan ko muna sila.
"Aba, medyo matagal na pala. Buti nakaya mong maghintay." aniya ni Nanay.
"Yes, I'm always waiting for her answer. Kahit matagal man yan, I'm willing to wait for her." seryosong sabi ni Zy. "Because I love her." dagdag niya sabay sulyap sa akin at ngumiti.
Nag-iwas ako ng tingin at lihim napangiti sa sinabi niya. Pinanood ko silang mag-usap mula sa kinatatayuan ko sa may gilid nila.
"Hindi talaga ako makapaniwala na may manliligaw na ang anak namin." naiiling na sabi ni Nanay. Kumunot ang noo ni Zy. "Why so?" sabay sulyap sa akin. Bumalik ulit ang tingin niya kay Nanay nang magsalita ito.
"Lahat kasi ng may balak manligaw kay Kath, bina-busted niya agad. Kaya nagulat kami ng asawa ko na may dinala siyang lalaki dito at nagpakilala kang manliligaw niya." aniya ni Tatay.
Humalukipkip si Zy habang nakakunot ang noo niya. "So she doesn't have any suitor back there?" kunot-noong tanong niya.
"Oo, puro aral lang kasi ang inaatupag ng anak namin. Minsan pumapasok pa siya sa isang part-time job para kumita at tumulong sa amin sa pagbayad ng mga utang namin. Masipag ang anak namin. Lahat gagawin niya para lang maiangat lang kami sa kahirapan. Swerte kami dahil biniyayaan kami ng ganitong kabait at kasipag na anak." mahabang pahayag ni Nanay. Napangiti ako.
Lahat gagawin ko para maiangat sila sa kahirapan. Mahirap man 'yan, gagawin ko.
Lumingon sa gawi ko si Zy. Nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot at awa. Binigyan ko lamang siya ng isang matamis na ngiti.
Hindi ako kailangan ng awa. Parte na iyon ng buhay ko.
"Gano'n ho ba?" sabi niya nang hindi pa rin bumibitaw sa pagkakatitig sa'kin.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pumasok na kami sa loob para maghanda ng tanghalian. Pamaya-maya dadating na ang Tita at Tito ko. Kasama ang nag-iisa nilang anak na pinsan ko, si Veron.
"Anong pwede kong maitulong?" tanong ni Zy na bigla na lamang sumulpot sa may gilid ko. Naghihiwa kasi ako ng mga gulay.
"Wala." tipid kong sagot sa kanya at itinuloy ang paghiwa ng repolyo.
"Nothing? Why? I want to help." sabi niya at lumipat ng pwesto sa may harapan ko. Bale magkaharapan kami. Ipinatong niya ang magkabilang siko sa ibabaw ng lamesa at pinanood akong maghiwa.
"Kumanta ka muna." biro kong utos sa kanya. Never ko pa kasi siyang marinig kumanta.
"You want me to sing?" Tumango ako. Sumagot naman siya, "It's not your birthday. I don't want to sing." napalabi ako at tinignan siya ng masama.
"At bakit? Kailangan sa araw pa ng birthday ikaw kumanta?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Yes." sagot niya.
"Ang duga mo. Kahit chorus lang please?" pamimilit ko sa kanya. Nagpuppy eyes pa ako sa kanya para effective hahaha.
"Alright alright, I'll sing. Pasalamat ka mahal kita." aniya sabay kindat sa'kin. Inirapan ko siya at lihim napangiti.
Ilang sandali ay kumanta na siya.
[Now Playing: Tulad mo by TJ Monterde]
O ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang 'pag naging tayo
Hinding-hindi na kita bibitawan
Aalagaan at 'di ka't pababayaan
Pagkat ikaw sakin ay.. prinsesa
Nakatitig lang ako sa kanya habang kinakanta niya ang chorus ng Tulad Mo. Hindi siya sintunado kung kumanta. Maaliwalas ang kanyang boses. Bagay na bagay sa kanya ang kumanta. Para kang nakikinig sa isang sikat na singer na kumakanta sa harapan mo. Tsaka, ngayon lang siya kumanta ng tagalog song! Na mas lalong bumagay sa p*********i niya.
"In love ka na ba sa boses ko?" ngisi niya sa'kin ng makita niyang nakatitig pa rin ako sa kanya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at ngumisi sa kanya.
"Hindi. Ang panget ng boses mo." nang-aasar ko na sabi sa kanya. Napasimangot siya kaya natawa ako. Hahaha ang cute niya!
"Maybe I need to practice more. My voice is awful." malungkot niyang sabi. Napatigil ako sa pagtawa.
Nagseryoso ako kunwari.
"Uy joke lang. Ang ganda kaya ng boses mo. Pang sikat na singer na 'yan." kunwaring seryoso ko. "Really?" biglang lumiwanag ang mukha niya. Muntik na ako matawa sa reaksyon niya, buti na lamangan napigilan ko ang tawa ko.
Tumango ako. "Oo nga, kulet mo hahaha. Tara, tulungan mo na ako dito, tutal kinantahan mo na ako." aya ko sa kanya na ikinasang-ayon niya.
"Thanks. And no, I'm not the one who sings that song, it's my heart who sings that for you." aniya at itinuro ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
Boom. Kinilig ako sa sinabi niya. Pinamulahan tuloy ako ng mukha.
"Ewan ko sayo! Ang dami mong pakulo." sabi ko at inirapan siya. Itinuloy ko na lang ang paghiwa ko. Rinig kong tinawanan niya ako at tumulong na.
~~~***~~~
Nang matapos na kami sa paghahanda ay saktong dumating ang Tita at Tito ko, kasama ang pinsan kong si Veron.
"Insaaan!" tili niya at kumaripas ng takbo patungo sa'kin at yumakap.
"Veron!" ani ko at niyakap din siya pabalik.
"Namiss kita Insan! Kamusta ka na?" tanong niya nang makakalas na kami sa pagkakayakap.
"Namiss din kita Veron. Okay lang naman ako, ikaw ba?" balik kong tanong sa kanya.
"Okay lang din! Boring lang sa'min kasi wala ako makausap." aniya. Natanaw ko sina Nanay at Tatay nakikipagkamustahan kina Tita at Tito.
Muntik na ako mapatalon sa gulat dahil sa pagtili ni Veron.
"Huy Veron! Bakit ka tumili d'yan?" tanong ko sa kanya. May tinuro siya sa may gawing likuran ko.
"Sino 'yang lalaking naghahain ng mga pinggan? Ang gwapo niya! Mala-Adonis ang pangangatawan!" tili niya. Lumingon ako sa likuran ko at nakitang naghahain na ngayon ng kutsara't tinidor si Zy. So siya pala 'yong tinutukoy ni Veron?
Lumingon sa gawi namin si Zy. Ngumiti siya at kumaway na ikinatili ng katabi ko sabay hampas sa'kin. Napadaing tuloy ako.
"My Ghad! Ang gwapo niyang ngumiti! Pero syempre mas gwapo pa rin si Kuya Sky kaysa sa kanya. Akala ko nga kasama mo siya eh." aniya. Ano daw? Mas gwapo si Kuya Sky kaysa kay Zy? Sinong Kuya Sky ang tinutukoy niya?
"Sinong Kuya Sky?" kunot ang noo kong tanong sa kanya. Bigla siyang napatakip ng bibig na parang may bigla siyang naibuking.
At bakit gano'n? Nang sinabi ko ang salitang 'Kuya Sky' biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang nagwala. Kinakabahan na ewan. Napahawak ako bigla sa ulo ko ng biglang kumirot ito.
"Aray..." s**t. Ang sakit.
"Insan, anong nangyayari sa'yo?!" natatarantang tanong ni Veron. Mas lalo tuloy kumirot ang ulo ko. Aaargh. Napaupo na lang ako sa sahig at napapikit. Parang binibiyak ang ulo ko.
Bigla akong nakarinig ng boses sa ulo ko.
"Ehhh! Kuya Sky! Sorry na po! 'Wag ka na magtampo please? Hindi na po ako bibili ng kendi."
"Promise?"
"Promise po Kuya Sky!"
"Kiss mo nga ako."
"'Yan na po! Nakiss na po kita hihihi."
"Thank you baby ko."
Ano itong naririnig ko? Bakit hindi ko makita 'yong nagsasalita? Boses lang ang nadidinig ko.
"Kath? Kath! What the hell?! What's happening?!" hindi ko namalayan na nasa tabi ko si Zyron. Bigla na lang niya ako niyakap. Hindi ko namalayan na naluluha na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Ang sakit. Parang hinihiwa ang ulo ko. Sobrang sakit.
"Tita! Tito! Si Kath!" tarantang sigaw ni Veron.Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sakit sa buong buhay ko. Hindi ito ordinaryong sakit ng ulo lamang. Mas masakit pa ito.
Napapikit na lang ako ng mata. Masakit na talaga. Hanggang sa hindi ko namalayan na nawalan na ako ng malay.
~~~***~~~
[Veronica Aguilar]
Hi! Pinsan ako ni Kath. Halata naman diba dahil Insan tawag ko sa kanya. Sa mga hindi pa nakakakilala sa'kin, let me introduce myself to you. Maria Veronica Aguilar is the name. 'Yon lang! Dahi bigla lamang nawalan ng malay si Insan! Dapat hindi ko na sinabi ang pangalan ni Kuya Sky eh. Alam ko namang mabibigla siya. Kaso nadulas lang talaga ako kanina.
Noong una nagulat ako ng hindi maalala ni Kath si Kuya Sky. Sina Tita at Tito ang may sabi sa'kin no'n. Ang alam ko kasi, lihim na may gusto si Kath noon kay Kuya Sky. 'Yon 'yong time na mga bata pa kami. Malaki ang pagkagusto ni Kath kay Kuya Sky. Kaya laking gulat ko nang malaman ko na hindi maalala ni Insan si Kuya Sky.
Paano nangyari 'yon?
Nasagasaan kasi si Insan ng van. Lahat kami nag-alala sa kalagayan ni Insan. Kung hindi lang namin siya agad sinugod sa ospital, baka madead on arrival daw siya sabi ng doctor. Ang daming dugo ang nawawala sa kanya. Kritikal ang naging kalagayan ni Insan. Lahat kami nag-dasal na sana gumaling at magising si Insan.
Awang-awa ako kay Insan. Masyado na siyang nahihirapan tapos maaaksidente lang siya? Wala si Kuya Sky ng mga panahong iyon dahil nag-aral daw ito sa abroad. No'ng umalis kasi si Kuya Sky, naging matamlayin na si Kath. Hindi na siya 'yong masiglang, masayahin, malambing at mapagmahal na Kath. Nagbago na siya. Minsan lang siya kung ngumiti. Araw-araw gano'n lang siya. Hindi mo siya makikitaan ng kasiglahan. Then the accident came.
Nang magising si Insan ay agad namin siyang tinanong kung 'Kamusta ang kalagayan mo?' 'May masakit ba sayo?' 'Okay ka lang ba?' pero lahat ng iyon ay hindi niya sinagot. Nakatitig lang siya sa amin. Sinabi sa amin ng doctor na 'wag muna siyang kausapin dahil baka daw ma-stress siya. Masyado na daw naiistress ang utak niya.
Days have passed, nakakausap na namin si Insan. Ang sabi ng doctor nagiging maayos na raw ang kalagayan ni Insan, basta patuloy lang siya pasayahin para iwas stress at painumin ng gamot.
Isang araw, tinanong ko si Insan kung namimiss ba niya si Kuya Sky. Nagulat ako sa sinagot niya.
"Kuya Sky? Sino 'yon?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Pinanghinaan din ako ng loob. s**t lang! Si Kuya Sky hindi niya kilala?! Anong nangyari?! Kaya agad kong kinausap ang doctor tungkol sa kalagayan ni Insan.
"Hmm, I see. Propranolol ang napainom na gamot sa kanya. It's a kind of drug that if you drink it, a scene or a person will be erase from her memory. And it's illegal here. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ganyan dito at napainom sa kanya. I'm sorry for what happened. "
Nanlumo ako dahil sa sinabi ng doctor. So si Kuya Sky lang ang nakalimutan niya? Pati kaya mga ala-ala nila nakalimutan din niya? Bakit kailangan mangyari 'yon?
Kaya ngayon, napasugod agad kaming lahat sa ospital dahil nawalan ng malay si Insan pagkatapos ang pagsakit ng kanyang ulo. 'Yong kasama niyang lalaki walang kaalam-alam sa nangyayari. Pero base sa mukha niya, nakikita ko ang sobrang pag-aalala niya sa Insan ko.
"What happened? Why, why is... why did she passed out? Why? Bakit biglang sumakit ang ulo niya?" natatarantang tanong nung lalaki. Taglish pala itong kasama ni Insan.
"I don't know. Hindi ko alam kung bakit biglang nawalan ng malay si Insan." sabi ko.
Nandito kami ngayon sa tapat ng ER. Hinihintay namin ang doctor na lumabas.
"Is this the first she experienced that?" wala na. Nosebleed na ako sa lalaking 'to.
"Oo." tipid kong sagot.
Ilang sandaling paghihintay namin, sa wakas lumabas na 'yong doctor. Sina Tita at Tito napatayo at lumapit sa doctor. Sina Mama at Papa naman ay nasa gilid lamang nila.
"Kamusta ang anak ko Doc? Ano nangyari sa kanya?" bungad na tanong ni Tita sa doctor na hindi mapalagay.
"Maayos ang kalagayan ng anak niyo. No need to worry. We run some test at may nalaman kami. Kaya biglang sumakit ang ulo ng anak niyo is that there's something that triggered in her head. Parang may biglang naalala. We're not sure yet. We'll just ask her when she wokes up." sabi ng doctor. Lumapit ako sa kanila kasama 'yong lalaki para mas maintindihan ang pinag-uusapan nila. At ano raw? May bigla siyang naalala? Hindi kaya naalala niya si Kuya Sky? Sana naman maalala na niya si Kuya Sky.
"Eh doc, kailan naman po magigising ang anak namin?" aniya ni Tita.
"Maybe later, maybe tomorrow or maybe on the other day. I'm sorry but I can't predict. Maybe we just need to wait for her to wake up." sabi ng doctor at nagpaalam para umalis. Pinayagan na rin kami i-transfer si Insan sa isang kwarto. Sana maging maayos ang kalagayan mo Insan.
~~~***~~~
Nang mai-transfer na namin si Insan sa isang private room, oo private room talaga. 'Yong lalaking nagngangalang 'Zyron' ang nagbayad sa lahat ng gastusin ni Insan pati na rin itong private room. Hindi ko akalaing mayaman pala itong manliligaw ni Insan. Actually, hindi ako boto sa kanya para sa Insan ko. Mas boto ako kay Kuya Sky. Though hindi ko pa siya nakikita eh boto pa rin ako sa kanya para sa Insan ko.
Maggagabi na at hindi pa rin nagigising si Insan. Lahat kami binabantayan ang paggising niya. Nakaupo ako sa isang sofa katabi si Zyron. Sina Tita at Tito naman ay nakaupo sa tabi ni Insan. Sina Mama at Papa naman ay uuwi muna para kumuha ng mga damit.
Inaantok na ako. Napahikab tuloy ako.
"You sleepy?" tanong ng katabi ko. Napansin ko lang, sa ikling oras na kasama ko siya, hindi siya snob. Hindi rin siya mahirap pakisamahan katulad ng ibang lalaki sa school namin.
Tumango ako. Inaantok na talaga ako. Umayos siya ng upo at tinapik ang kanyang hita. Kumunot ang noo ko.
"Sleep here." tiningnan ko siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Kumuha rin siya ng unan at inilagay doon.
"Seryoso ka? Hindi ka ba maiilang?" tanong ko. Nakakailang kaya. Kakakilala mo lang tapos pahihigain ka sa hita niya? Lewls.
Umiling lang siya. "No I'm not. Matulog ka na. You need to gain energy for tomorrow." sagot niya at tinapik ang unan. Napailing na lang ako sa kanya at humiga na para makatulog na ako.
~~~***~~~
Kinabukasan. Hindi pa rin nagigising si Insan. Nag-aalala na kami. Ang sabi ng doctor ay bukas magigising si Insan. Sure na raw 'yon. Sana nga magising na siya. Birhtday na niya bukas eh.
Kinuha ko ang aking gitara sa gilid ko at nagstrum ng konti. Nagsimula akong magstrum at pinatugtog ang kantang 'Closer' pero hindi ako kumakanta. Pinapatugtog ko lang siya.
"Can I?" napalingon ako sa nagsalita, si Zyron. Tumango ako sa kanya at iniabot ang gitara.Inayos niya ang pagkakahawak ng gitara at nagstrum ng isa. Pagkatapos ay tumugtog na siya. 'You and Me' ng Lifehouse ang pinapatugtog niya.
Pagtapos ng intro no'ng kanta ay sumulyap siya saglit sa kinahihigaan ni Insan bago kumanta.
[Now Playing: You and Me by Lifehouse]
What day is it
And in what month
This clock never seemed so alive
I can't keep up
And I can't back down
I've been losing
So much time
Ramdam ko ang kalungkutan niya sa boses habang kinakanta niya iyon. Nalulungkot din ako dahil sa kinalalagyan ni Insan ngayon. Sana nandito si Kuya Sky.
Nagpatuloy lang siya sa pagkanta hanggang sa tumigil siya at ibinalik sa akin ang gitara.
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumabas ng kwarto. Saan kaya pupunta iyon? Napabuntong hininga ako. Gumising ka na Insan. Namimiss ka na namin.
~~~***~~~
Birthday na ngayon ni Insan. Nandito kaming lahat, hinihintay magising si Insan. Kanina pa namin pinagdarasal na magising na siya ngayon.
Lumapit ako kay Insan at umupo sa katabing upuan nito.
"Happy birthday Insan." bati ko sa kanya. "Insan, gumising ka na. Birthday mo ngayon oh. Dapat nagcecelebrate tayo. Madami kaming naghihintay sa'yo. Marami pa tayong dapat pag-usapan. Gumising ka na Insan." pakiusap ko kay Insan. Sumulyap ako kay Zyron na lumapit sa gawi ko at umupo sa isa pang upuan katabi ni Insan. Kita kong hinawakan niya ang kamay ni Insan at mahinang pinisil iyon.
"Happy Birthday Chels." bati rin ni Zyron kay Insan. "Kath, alam kong naririnig mo ako. Wake up now, princess. It's your birthday. Kakantahan pa kita ng gusto mo. Mahal na mahal kita, Kath. Please, wake up now." tumayo ito at lumapit kay Kath. Hinalikan niya ito sa noo.
Napangiti ako sa ginawa ni Zyron sa Insan ko. On the second thought, boto rin ako sa kanya para sa Insan ko.
"Hmm..." napatayo ako sa gulat ng maramdaman kong gumalaw si Insan.
"I-insan?" sambit ko. Si Zyron hindi malaman kung ano magiging reaksyon niya.
Agad lumapit sina Tita at Mama kay Insan. Sina Tito at Papa naman lumabas ng kwarto para tawagin ang doctor.
Napangiti ako sa nangyari ngayon. Sa wakas, nagising na din si Kath.
~~~***~~~
[Katherine Chelsea Aguilar]
"Hmm..." unti-unti ako napamulat ng mata. Bumungad sa'kin ang puting ilaw at puting kisame. Nilibot ko ang paningin sa paligid ko. Nagtaka ako kung bakit nakatitig sa'kin sina Nanay, Tita, Veron at Zyron. Puno ng pag-aalala ang mga mukha nila.
Ano nangyari? Dahan-dahan akong sumandal sa headboard ng hinihigaan ko, napahawak ako bigla sa ulo ko nang bigla itong kumirot.
"'Wag ka munang maggalaw-galaw d'yan, anak. Hintayin muna natin ang doctor. Maayos ba ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sa iyo?" puno ng pag-aalala ang boses ni Nanay no'ng tinanong niya ako. Tumango lamang ako. Medyo nanghihina ang katawan ko.
Ilang sandali lang ay pumasok sa kwarto sina Tatay at Tito kasama ang doctor. Tinanong ako ng doctor kung maayos ba ang pakiramdam ko, kung may masakit ba sa'kin o may nagbago sa akin.
"May naalala ka ba bago ka mawalan ng malay?" tanong sa'kin ng doctor at sinuri ako.
May naalala nga ba ako? Ang naalala ko lang ay bago ako mawalan ng malay ay may narinig akong boses na nagsasalita sa ulo ko.
Tumango ako. "Meron po." tipid kong sagot.
"Ano naman iyon?"
"Uhm, m-meron po akong naririnig na boses sa ulo ko pero hindi ko po makita kung sino ang nag-uusap." sagot ko. Tumango ang doctor at may sinulat sa maliit niyang notebook.
"May natandaan ka bang boses na narinig mo?" tumango ulit ako.
"Please, tell me." pormal na utos ng doctor.
Huminga ako ng malalim at inisip kung ano-ano ang mga narinig kong boses.
"Uhm, ang naalala ko lang ay 'Kuya Sky' tsaka po boses batang babae ang nagsalita no'n." nakarinig ako ng singhap sa gawi nina Nanay at Tatay. Bakit? Ano meron?
Tumango ang doctor. "I see." Sabay lingon sa gawi ni Nanay. "Mrs. Aguilar, can we talk outside?" tumango si Nanay at sumunod kay doc nang lumabas ito ng kwarto.
Paglabas nila ng kwarto, agad ako nilapitan nila Veron at Zy. Si Veron hindi makatingin sa akin.
"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Zyron.
Umiling ako. "Okay lang ako. Walang masakit sa'kin..." mahinang sagot ko sa kanya. Umupo siya sa tabing upuan ng kama, kinuha ang kamay ko at mahinang pinisil iyon.
"I was worried Kath. I was sick worried. I thought you're not going to wake up." nasasaktang sabi ni Zyron habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Eto na nga oh, gising na. Bakit, ilang oras ba ako natulog?" takang tanong ko. Umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim. "Not hours, Kath. But two days." mariin niyang sagot.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot ni Zyron. Two days?!
"Two days?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo Kath. Two days talaga." singit ni Veron sa kabilang gilid ko.
Kung gano'n...
"Anong araw ngayon?"
"Your Birthday." sagot ni Zyron. Nanlaki na naman ang mata ko.
"Seryoso?!" medyo may kalakasan ang boses ko no'n. Sabay silang tumango sa'kin.
Kasabay no'n ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Nanay at ng doctor. Lumapit sa akin ang doctor at may sinabi.
"May nireseta akong gamot para sa'yo. Inumin mo ito incase na sumakit ang ulo mo. 'Wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. 'Wag ka masyado mag-isip ng kung ano-ano. It might stress you out." tumango ako bilang tugon sa ibinilin sa'kin ni doc.
Pagkatapos ay lumabas na si doc. Hindi pa raw ako pwedeng lumabas ng ospital. Mga isang linggo daw muna ako mamalagi dito.
~~~***~~~
[Veronica Aguilar]
Binati ko muna si Insan ng 'Happy Birthday' bago lumabas ng kwarto. Pupunta muna ako sa Cafeteria para bumili ng tanghalian namin.
Habang naglalakad ako sa may hallway ng ospital, hindi ko napansin na may lalaki sa harapan ko kaya nagkabungguan kami.
"Sorry po!/I'm sorry, Miss." sabay naming sabi. Teka, parang pamilyar ang boses na 'yon ah. Napatingin tuloy ako sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko dahil pamilyar din ang mukha niya. Gano'n din ang reaksyon niya.O-My-God! Hindi ako makapaniwala!
"Kuya Sky?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.
"Veron? Ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nakangiti akong tumango sa kanya.
Hindi talaga ako makapaniwala! Nasa harapan ko na si Kuya Sky! Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Grabe, ang laki ng pinagbago niya! Mas lalo siyang gumwapo. Mas naging makisig ang pangangatawan niya hindi tulad dati medyo may kapayatan siya pero gwapo naman. Mas lalo pa siyang tumangkad.
"Wow. Is that really you Veron?" englishero na rin pala siya. Mapapasabak yata ako sa English Speaking hahaha.
"Oo Kuya Sky! Ako 'to! Ikaw, ang laki ng ipinagbago mo ah!" tumawa siya ng mahina at biglang nagseryoso ang mukha.
"Yes, I change for good." tama ba ang dinig ko? Change for good daw? Hindi ko gets. Napatango na lang tuloy ako.
"Ano ginagawa mo dito, Kuya?" tanong ko sa kanya. Humalukipkip siya at napabuntong hininga.
"Watching and guarding over Kath." sabay tingin sa pinaglabasan kong kwarto.
"Bakit ayaw mo pumasok sa loob, Kuya? Birthday ni Insan ngayon ah." umiling siya. "I know it's her birthday but... I can't go inside to see her." sabi niya. Napasimangot ako.
"Bakit naman, Kuya? Hindi mo na ba siya mahal?" nagseryoso bigla ang mukha ni Kuya.
"There are things that is too complicated to do."
"Hindi mo pa nasasagot ang isa kong tanong Kuya. Mahal mo pa ba siya?"
Dati kasi, alam kong mutual ang feelings nilang dalawa ni Insan. Nahahalata ko sa kanilang pagtingin sa isa't-isa. Hindi nga lang sila umaamin lalo na si Kuya Sky. Ang tanda-tanda na niya pero napakatorpe. Nahahalata ko na kasi siya noon bago pa niya maamin sa'kin na mahal niya si Insan.
Tinitigan niya muna ako bago sumagot.
"I love her more than my life. More that anything else." muntik na akong mapatili dahil sa sinabi niya. Kinikilig ako!
"First love never dies 'no, Kuya?" kinikilig kong tanong kay Kuya. Tumango siya at ngumiti. "Yes, first love never dies."
Pak ganern! Sila na may Forever!
Napansin kong tumingin siya sa kanyang relos na parang may kailangan pa siyang gawin.
"I'm sorry Veron but I need to go." paalam niya sa'kin. Nalungkot tuloy ako. Sandali lang kami nag-usap ngayon. Baka nga matagalan pa pagkikita namin ni Kuya Sky.
"Gano'n ba, Kuya? Sige, sa susunod ulit." malungkot kong sabi. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Don't worry, we will see each other soon. When we see each other..." ngumisi siya sa akin. "Kami na ng pinsan mo." unti-unti lumiwanag ang mukha ko sa sinabi ni Kuya. Parang gusto ko na tuloy i-fastforward ang nangyayari ngayon. Excited na ako maging sila ni Insan! Muling ibalik ang SkyRine loveteam!
"Aasahan ko 'yan, Kuya Sky ah?" ngisi ko rin sa kanya.
"If you want, I can make her my wife. How's that?" ang lawak ng pagkakangisi niya no'ng sinabi niya 'yon. Tinawanan ko lang siya. Nako! Hindi pa rin siya nagbabago.
Maya-maya ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Dumeretso na ako sa Cafeteria at bumili ng mga pagkain. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto. Naabutan ko na kinakantahan si Kath ni Zyron ng "Simpleng Tulad Mo" ni Daniel Padilla. Ginagamit din niya ang gitara ko.
Lihim akong napailing sa nakita ko. Humanda ka Zyron, nand'yan na ang First Love ni Kath. Tingnan natin kung lalaban ka o susuko na lamang. Sorry Insan pero mas boto pa rin ako kay Kuya Sky kaysa sa manliligaw mo.
May the best man wins.