merry Christmas

2551 Words
herine Chelsea Aguilar] "Merry Christmas guys! Hahaha ano, mall ba tayo ngayon?" tanong ni Charlotte habang pinapasok ang mga regalo sa bag niya. "Yeah sure." sagot ni Zyron sa gilid ko. Oo nga pala, katatapos lang ng Christmas Party namin ngayon. Konti lang ang natanggap kong regalo, alam niyo namang wala akong masyadong kaibigan sa classroom namin diba? Sina Charlotte, Zy at ka-exchange gift ko lang nagbigay sa'kin ng regalo. Regalo ni Charlotte sa'kin, isang friendship bracelet. 'Yong ka-exchange gift ko naman, cash. At 'yong kay Zy naman, isang medium size teddy bear, galing sa Blue Magic yata 'yon. Ang cute nga no'ng teddy bear eh! Color violet siya. "Tara! For sure maraming tao roon." aya niya at hinila ako. Kasunod lang namin si Zy. "Let's go to the parking lot. We'll use my car so we can get there fast." aangal sana ako dahil nakakahiya pero inunahan ako ni Charlotte. "Sige ba! Ikaw na rin ang manlilibre sa amin ng kakainin natin sa mall!" ngumisi lang si Zy at naunang maglakad sa'min, sumunod na lang kaming dalawa ni Charlotte. Pagkarating namin sa parking lot, pinatunog niya ang kanyang kotse. Binuksan niya 'yong likurang pinto ng kotse. Unang pumasok si Charlotte, papasok sana ako kaso nagsalita siya. "Where do you think you're going?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Umayos ako ng tayo. "Tatabi kay Charlotte sa loob, bakit?" umiling siya at binuksan ang front seat ng kotse niya. "You'll seat beside me." Sabi ko nga. Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ako. Nang makapasok na ako ay sinarado na niya 'yong pinto, umikot ng sasakyan at pumasok sa loob. Nang mai-start na niya ang makina ay pinaandar na niya ito. ~~~***~~~ "Which fastfood chain do you want to eat?" tanong ni Zy sa'min. Nandito kami ngayon sa SM North Edsa, gumagala. "Kahit saan. Hindi kasi ako pamilyar dito." sagot ko. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa Mall noon. "Sa Mang Inasal na lang kaya tayo? Unli rice pa ro'n." sagot ni Charlotte. Tumango si Zy at umakbay sa akin. Tiningnan ko siya na ngayon ay nakangiti sa akin. "Come, let's go." aniya at naglakad na kami papunta sa Mang Inasal. Hinayaan ko na lang ang kamay niyang nasa balikat ko. Nakarating na kami sa Mang Inasal. Pinauna kami ni Zyron, maghanap daw kami ng mauupuan. Siya na lang daw ang mag-oorder ng kakainin namin. "Pwede ba ako sumama sa inyo?" bungad ni Charlotte pagkaupo namin. Ang tinutukoy niya ay 'yong pagpunta naming sa probinsya ko. Papayag sana ako kasi gusto ko talaga siyang sumama kaso tumanggi agad siya. "'Wag na pala hahaha. May gagawin pa kasi ako eh." tanggi niya. Napalabi ako. Sayang talaga. "Sama ka na kasi Charlotte." umiiling siyang nakangiti. "Joke lang 'yon. Moment niyo 'yon ni Zyron eh." kinikilig niyang sabi. Napailing ako. Dahil lang do'n hindi siya sasama? "Here's your orders ladies." sabay lapag sa harapan namin. Nandito na pala si Zy. Tumabi siya sa akin sa pag-upo. "So, what are you guys talking about?" tanong niya. Kinuha ko ang kutsara't tinidor at nagsimulang kumain. "Kung paano kita papatayin." pa-sweet na sabi ni Charlotte kay Zy. "Really?" at umakbay siya sa'kin. Tumigil ako sa pagkain at nagsalita. "Ayaw niya sumama sa atin sa probinsya." sabi ko at tiningnan si Charlotte. "Gusto ko kasing magbonding kayong dalawa. Moment niyo na 'yon eh." sabi niya at kumagat sa barbeque niya sabay subo ng kanin. "Yeah she's right. We could have bond without any distraction, just the two of us." sabi ni Zyron habang nakatingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Excuse me? Ako ba 'yong tinutukoy mo na distraction?!" napagawi ang tingin ni Zyron kay Charlotte na ngayon ay matalim na nakatingin kay Zyron at nakataas pa ang kilay. "Yes, because you're so distracting and noisy." nang-aasar na sabi ni Zy. Kung hindi lang may gusto sa'kin si Zyron, iisipin ko na may gusto siya kay Charlotte. Ang hilig niyang mang-asar eh tsaka papansin rin hahaha. "Gago ka talaga." Mura ni Charlotte sabay irap kay Zy. Napailing na lang ako at itinuloy ang pagkain ko. ~~~***~~~ December 26, 2015. "Dalawang Pampanga nga ho." sabi ko sa kundoktor sa gilid ko. Iniabot niya sa'kin 'yong ticket. Pagkabigay niya ay iniabot ko naman sa kanya 'yong bayad. "Why won't you let me drive all the way to your Province?" tanong sa'kin ni Zyron sa gilid ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng bag ko at inilagay ang sukli sa loob. "Kasi kapag nagdrive ka, mapapagod ka lang. Malayo pa naman ang biyahe patungong Pampanga kapag galing ka sa Maynila. Kaya imbes na magdrive ka, mamasahe ka na lang, makakapagrelax ka pa." sabi ko at humilig sa sandalan ko. Siya naman ay umakbay sa akin at pinasandal sa balikat niya. "I don't mind if I get tired because of that, as long as your with me while I'm driving, I'm okay and comfortable with that." sabi niya. Napangiti naman ako do'n. Takte ang lalaking 'to! Kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Aww." daing niya. "Pinapakilig mo na naman ako eh." sabi ko at nagtago sa may dibdib niya. Hahaha chansing. "No I'm not. I'm just telling the truth." natatawa niyang sabi. Hinampas ko siya ng medyo malakas sa tyan. Chansing na naman hahaha. "Hey, chansing ka na ah." uy! Nagsalita siya ng tagalog! Ngising aso akong umayos ng upo. "Nagtagalog ka! Hahaha nagtagalog ka talaga!" tuwang-tuwa kong sabi. Nosebleed na kasi ako sa kaka-english niya eh hahaha. Inosente siyang tumingin at ngumiti sa akin. "What? What's wrong if I speak tagalog?" napa-pout ako. Nag-english na naman siya! "Nag-english ka na naman. Mas okay nga sayo na magtagalog ka eh." nakasimangot kong sabi. Gusto kong magtagalog siya! Nasa Pilipinas tapos nag-eenglish? Whews. Who does that? Ay, pati ako napapa-english din. "Which do you prefer, English or Tagalog?" tanong niya. "Tagalog syempre!" mabilis kong sagot. Inabot niya ang magkabilang pisngi ko at pinisil iyon! "At bakit naman tagalog?" nakangiting tanong niya. "Kashi mash bagay sha'yo 'yon!" sagot ko habang pinipisil pa niya ang pisngi ko. "Aray!" daing ko. Napadiin kasi ang pagpisil niya. "Ang cute mo kasi. Nakakagigil pisilin ang pisngi mo." sabi niya in straight tagalog. Namula ang mukha ko dahil sa pagsalita niya ng deretsong tagalog. May accent kasi kapag nagtagalog siya. "You're blushing Chels hahaha." asar niya sa'kin. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. "Heh! Mag-english ka na nga d'yan!" tinawanan niya lang ako. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakatakip sa mukha ko pero diniinan ko lang iyon."C'mon Chels, nahihiya ka pang ipakita sa'kin ang cute mong mukha." Argh! Bagay talaga sa kanya! Ramdam kong mas lalong namula ang mukha ko. Ang gwapo kasi ng boses niya pag nagtagalog siya. "In love ka na ba sa boses ko, Kath?" bulong niya sa gilid ko. Ramdam ko ang mainit niyang hiningang tumatama sa tenga ko. Ang lapit niya sa'kin. Tinulak ko ang mukha niya palayo sa'kin at tiningnan siya ng masama. "Hindi! Balik ka na nga sa pagkakaenglish mo!" sabi ko. Napailing siya. Sumandal ako sa balikat niya at ipinikit ang mata ko. Ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. Ramdam kong hinalikan niya ako sa ulo. Rinig kong may ibinulong siya. "Masaya ako dahil napapasaya kita araw-araw. I hope this won't be the last. Sleep tight, Kath. I love you." Sana, ikaw na lang ang nakilala ko. Sana mas una kitang nakilala kaysa kay Sir Skyler. Nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung mahal na ba kita o ano. Sana hindi na ako malito para masagot ko ang 'I love you' mo. Sana hindi ito ang huli. ~~~***~~~ "So where is your parents house?" tanong ni Zyron sa gilid ko. Nakarating na kami ngayon sa Pampanga. Nakasakay kami ng jeep ngayon. 'Yon kasi ang kailangang sakyan para makapunta sa bahay nina Nanay at Tatay. "Basta malapit d'yan." sabi ko na lang. Nang mapansin kong malapit na kami sa bababaan namin ay nagpara ako sa driver ng jeep. "Para ho!" agad namang tumigil ang sinasakyan naming jeep. Nauna akong bumaba, sunod naman si Zy. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Ganito pa rin ang itsura noon, may konti nga lang pagbabago. Naglakad kami papasok sa isang eskinita. Doon kasi ang daan patungo sa bahay ng magulang ko. Excited na akong makita sila kaya medyo binilisan ko ang paglalakad. Muntik pa nga akong mapatid dahil sa maliit na batong nadaanan ko. Buti nasa likuran ko lang si Zyron at nahagip niya ako, kung hindi baka nasubsob ako sa semento. "Careful. Excited that much huh?" sabi niya. Tumango-tango ako sa kanya bilang sagot. "Oo naman. Ang tagal ko nang hindi sila nakikita eh." naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay at pinisil iyon ng mahina. Napatingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin. Ngumiti rin ako. Namataan ko ang isang malakahoy na gate, 'yon ang palatandaan ko kung nasaan ang bahay ng magulang ko. Hinila ko si Zy at binilisan ang paglalakad. Nang nasa tapat na kami ng gate ay tinawag ko sina Nanay at Tatay. "Nay! Tay!" sigaw ko at kinalampag ang gate. Si Zy naman ay nasa gilid ko lang at nakahalukipkip. "Nanay! Tatay!" sigaw ko ulit. Ilang sandali ay namataan ko silang lumabas pareho. Pupungas-pungas pa silang pareho na parang kagigising lang nila mula sa pagtulog. Ngayon ko lang napansin na maggagabi na pala. Alas sais pa lang kasi natutulog na sila kapag nandito sila. Eh alas syete na ng gabi. "Kath?" patanong na sabi ni Tatay. Parehas silang dalawa ni Nanay na lumakad sa kinatatayuan ko. Binuksan ni Tatay ang gate at gulat na gulat na nakatitig sa akin. Gano'n din si Nanay. "Kath, ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Nanay. Nakangiti akong tumango sa kanilang dalawa. Napayakap silang pareho sa akin. Niyakap ko rin sila pabalik. "Namiss ka namin, anak." sabi ni Tatay. "Namiss ko rin po kayong dalawa ni Nanay." Parehas kaming bumitaw sa pagkakayakap. May narinig akong tumikhim sa may gilid ko. Napalingon ako, si Zy pala. Muntik ko na pala siyang makalimutan. Napansin naman iyon nila Nanay at Tatay kaya sabay silang napalingon sa katabi ko. "Siya ba si Sky---" naputol agad ang sasabihin ni Nanay dahil siniko siya ni Tatay. Napakunot ang noo ko. Ano yung sinasabi ni Nanay na Sky? Nakita kong may ibinulong si Tatay kay Nanay. Tumango si Nanay. Ano meron? "Magandang gabi ho." magalang na sabi ni Zyron kina Nanay at Tatay. "Kay gwapong binata naman ang kasama mo anak." sabi sa'kin ni Nanay. "Magandang gabi rin sa'yo iho." aniya Nanay kay Zy. Si Tatay naman ay tinangunan lang si Zy. "Pasok kayo." aya sa'min ni Tatay. Pumasok na kami. Sumunod lang kami kina Nanay at Tatay patungo sa bahay nila. "Kaano-ano mo ang kasama mong binata, anak? Manliligaw mo ba siya?" aniya ni Nanay nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Pinaupo kami sa upuang kahoy. Feeling ko namumula ang pisngi ko. Tatanggi sana ako dahil balak ko bukas na lang sabihin sa kanila tungkol sa panliligaw sa'kin ni Zy kaso inunahan niya ako. "Manliligaw po niya ako." magalang na sabi ni Zy. Hindi mo siya makikitaan ng nerbiyos o takot. Tiningnan ko si Zy at pinanlakihan ng mata. Nginitian niya lang ako. Tumingin siya sa magulang ko na nakaseryosong mukha. "Hindi po ako nandito para samahan si Kath. I also came here to ask permission to court your lovely daughter." seryosong sabi ni Zy sa magulang ko. Tiningnan ko ang magulang ko. Seryoso ang mukha ni Tatay, samantalang si Nanay eh nakangiti lang. Agad kong pinunasan ang namamawis kong kamay dahil sa nerbiyos. Kinakabahan ako kay Tatay. Ngayon lang ako nagdala ng lalaki sa kanila. Diba nga sabi ko sa inyo, aral lang ako noon. "Ano pangalan mo?" matalim ang matang nakatitig si Tatay kay Zy. "Adrian Zyron Gonzales, sir." sagot sa kanya ni Zy. Kumunot ang noo ni Tatay at napalitan ng pagtataka ang mukha niya. "Kaano-ano mo si Zachary Gonzales?" kumunot ang noo Zy. Ano meron? "My father, sir." kunot-noong tumango si Tatay. "Ikaw yung bunsong anak niya?" tumango si Zy. Parehas kaming nagtataka dahil sa tanong ni Tatay. "Tay, ano meron? Bakit niyo tinatanong si Zy ng ganyan?" tanong ko. Tumabi sa kanya si Nanay."'Yong Tatay kasi ni Zyron, kababata ng Tatay mo." namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Nanay. Naging magkababata 'yong Tatay ni Zy at ang Tatay ko? Wow. "Talaga Nay? Naging magkababata sila?" hindi makapaniwalang tanong ko. Parehas silang dalawa ni Tatay tumango. "Wow. Kwento niyo nga sa'kin kung paano nangyari 'yon." "Sa susunod. Tungkol muna sa inyo ang pag-uusapan natin." si Tatay. Balik na naman siya sa seryosong mukha. "Ikaw." turo ni Tatay kay Zyron. Bakit mo gustong ligawan ang anak ko?" seryosong tanong ni Tatay. Tumikhim si Zyron bago magsalita. "Because I love her." Napangiti ako sa sinabi niya. This guy really loves me huh? "Bakit mo siya mahal?" "I don't know. Hindi ko alam kung bakit ko siya minahal. But I know that this..." tinuro niya yung dibdib niya kung nasaan ang puso niya. "This heart only beats for her. Everytime I see her, this heart beats fast. Everytime she smiles, my day would be perfect and complete. So I don't have any reason to answer your question, sir. Because love has no reason." tumingin siya sa akin at ngumiti. Sana ikaw na lang ang minahal ko. Nginitian ko siya pabalik. Tiningnan ko si Tatay, nagulat ako nang makita kong nakangiti na siya. "Magandang sagot iho." nakangiting sabi ni Tatay. Nakahingan naman ng maluwag doon si Zy. "Payag na ho ba kayo?" Nakatingin lang si Tatay kay Zy. Naghihintay pa rin siya ng sagot. "Tanungin mo ang anak ko." unti-unti napangisi si Zy. "She allowed me already." Tiningnan ako parehas nila Nanay at Tatay. Nahihiya akong ngumiti sa kanila. "Pumayag ka na ba anak? Kailan pa?" aniya ni Nanay. Tumango ako. "Opo." "Gano'n ba? Oh pumayag na pala anak ko." sabi ni Tatay. "Hanggang kailan kayo dito, anak?" aniya ni Nanay. "Hanggang sa Enero 1 po." sagot ko. "Buti naman. Uuwi kasi ang mga tita at tito mo ngayon dahil malapit na birthday mo. Uuwi na rin ang pinsan mong si Veron." Aniya. "Gano'n ba 'Nay? Sige po." Inaya kami ni Nanay kumain sa kusina ng hapunan. Nakalimutan ko pa lang hindi pa kami kumakain. "Kain kayo d'yan. Alam kong napagod kayo sa biyahe." ani Nanay. "Salamat ho, mam." pormal na sabi ni Zy. "'Wag na mam. Tita na lang ang itawag mo." ngiting sabi ni Nanay. "Tita." Sabi ni Zy. "Pagkatapos ninyong kumain d'yan ng hapunan, magpahinga na kayo. Kath, sa kwarto mo patulugin si Zyron. At ikaw Zyron," turo ni Tatay kay Zy. "Sa lapag ka matutulog. 'Wag na 'wag kang tatabi sa anak ko, naiintindihan mo ba?" agad namang tumango si Zy. "Mabuti naman kung gano'n. Sige, magandang gabi sa inyo." at naunang umakyat si Tatay. Sunod naman si Nanay. Pagkatapos nga namin. Walang imik kaming umakyat sa hagdanan. Pagpasok namin ng kwarto ay agad akong humiga sa kama ko. Wala na ako sa wisyo ngayon. Masyado na akong pagod at antok. Naramdaman ko na lang na inayos ako ni Zy sa pagkakahiga ko at nilagyan ng kumot. "Sleep tight, princess. I love you." bulong niya sabay halik sa noo. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD